After 18

24 3 0
                                    

After 18

"Ano ba naman 'yan, Natalia! Don't be so paranoid! Kasama mo naman kami so hindi na mapapansin ng mga tao 'yan." Naiinis na sabi ni Jasmine.

"Kaya nga, Kambal. Mag-chill ka lang dyan. Gagala tayo ngayon to have fun with our kids kaya huwag mo ng i-stress ang sarili mo." Sabi naman ni Ailene.

"At saka, Bakla, this is not the first time na makikita ka ng madla na may kasamang bata. Palagi ka namang gumagala noon with Jeanne kahit na hindi alam ng mga fans mo na pinsan mo lang siya eh. At kahawig mo lang naman si Reus at kung hindi pa kayo titignan ng husto eh hindi makikita ang resemblance niyo. Kamukhang-kamukha naman kasi ng anak mong 'yon ang tatay niya eh. Para silang pinagbiyak na bunga." Gatong pa ni Pauline. Napa-irap naman ako.

Hindi niya na kailangang sabihin pa na magkamukha si Nereus at si Louis dahil araw-araw ko namang nakikita ang anak ko at halos araw-araw ko rin nakikita si Louis dahil nga sa bahay na pinapatayo namin.

"Malamang magiging kamukha talaga si Nereus si Louis lalo na at mag-ama sila. Magtaka ka kung wala ni isa sa amin ni Louis ang kamukha ni Nereus lalo na at sinugarado namin ni Kuya Nicco na hindi siya mapapalitan katulad nung mga cliche na nangyayari sa mga teleserye." Sabi ko.

"Point taken, Li. At nandito na tayo so wala na 'tong atrasan. Sasama ka sa amin sa ayaw o sa gusto mo." Sabi ni Crishia tapos binuksan na yung pinto nitong van na sinasakyan namin at bumaba na sila ni Samantha. Sumunod naman agad sa pagbaba sila Ailene kasama ang mga anak nila.

"'My! 'My! Lika na po." Sabi ni Nereus. Hindi ko naman maiwasan ang pagtawa. Ang cute-cute niya naman kasing magsalita ng tagalog eh. May accent pa siya tapos obvious na obvious na hindi siya sanay. Ngayon pa lang naman kasi siya tinuturuan nila Mama at Papa na magsalita ng tagalog. Sa akin naman kasi okay lang kahit na hindi siya makapagsalita ng tagalog as long as nakakaintindi siya.

"Okay, okay. Let's go." Naka-ngiting sabi ko tapos kinarga na siya at bumaba na ng van.

"Ay, buti naman at naisipan mo ng bumaba. Akala namin doon na lang kayo forever eh." Sabi ni Pauline. Inirapan ko naman siya tapos nagsalita.

"Whatever. Lika na ng makapag-enjoy na 'tong mga chikiting natin." Sabi ko tapos binaba si Nereus, hinawakan ang kamay niya at nauna na kaming mag-lakad papasok sa beach resort na pinuntahan namin.

Magste-stay kami dito for 3 days at mamayang hapon eh susunod na dito yung mga asawa ng mga magagaling kong kaibigan dahil may mga kailangan pa daw silang gawin sa mga kompanya nila.

"Oh, hindi pa ba binibigay sa iyo yung mga keycards?" Takang tanong ni Ailene nung nakita nila kami ni Nereus. Napasibangot naman ako.

"Under what name niyo ba kasi nilagay yung reservation?" Inis na tanong ko pabalik.

"Ay, shit, 'di nga pala namin nasabi sa iyo 'no? Sorry na agad, Bakla." Sabi ni Pauline tapos dali-daling lumapit sa front desk.

"Reservations under Louis Trinidad." Narinig kong sabi niya na nagpataas agad ng kilay ko.

"Bakit under ng pangalan ni Louis ang reservation natin?" Tanong ko kila Jasmine.

"He knows the owner of this resort so nagprisinta siya na siya na lang ang kukuha ng reservations lalo na at marami ngang tao ngayon dito dahil long weekend." Sagot ni Crishia. Napa-pikit naman ako dahil parang biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig ko.

Louis knows about this trip. He fucking knows about this! So paano kapag naisipan niyang sumunod dito?! Edi nakita niya kami ni Nereus?! Oh my gosh! That shouldn't happen!

At least not for the moment lalo na at kahit halos araw-araw nga kaming nagkikita ni Louis eh hindi niya pa rin ako napapatawad. Kahit ata kasi tumambling at mgpagulong-gulong na ako sa harap niya eh hindi niya pa rin ako papatawarin at malamanv sa malamang eh lalagpasan niya lang ako.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon