After 13

17 3 0
                                    

After 13

"Ate, hindi mo naman na kailangan pang ibigay ang lahat ng mga ito kay Reus ngayon. Baka tulog na rin 'yon. Anong oras na, oh! At saka, hindi mo na sana ako hinatid pa. Isang tawag ko lang sa kahit na sinong driver nila Mama eh susunduin naman ako no'n." Sabi ko nung parehas kami ni Ate Ayanna na nakababa na sa kotse niya.

Nandito kami ngayon sa mansyon at magma-madaling-araw na rin pero nagpumilit pa rin siya na ihatid ako kasi gusto niya daw i-make sure na safe akong naka-uwi at gusto rin daw niya na maibigay ng personal kay Nereus yung lahat ng mga pinamili niya para rito.

"Nandito na tayo, Lia so stop fusing about it and just help me to carry all of these paperbags." Sabi niya habang isa-isa na ngang kinukuha yung mga paperbags mula sa trunk ng kotse niya. Tumulong na rin naman ako at halos sabay pa kaming napa-talon nung biglang bumukas at front door at tumambad sa amin ang iritadong mukha ni Kuya Niccolo.

"It's 10 minutes before midnight and you just got fucking home! So now tell me, is this an appropriate time for someone like you who already have a child to go home, huh?! Nereus cried himself to sleep because his mother is not beside him to read his favorite bedtime stories!" Inis na inis na sabi niya. Alam ko na nagpipigil lang siya at gustong-gusto niya na akong sigawan sa oras na ito.

"And, you!" Sabi niya pa sabay turo kay Ate Ayanna na mukha namang takot na takot na ngayon. Medyo napa-atras pa nga siya nung nag-simula ng mag-lakad papunta sa kanya si Kuya Niccolo eh.

"I was calling you the whole fucking time but you didn't even bother to answer any of my fucking calls! Hindi mo ba alam na nag-alala ako, ah?! By this time, you should already be at your house and sleeping soundly pero nasaan ka talaga, ah?! Gumagala kasama ang kapatid ko ng wala man lang paalam! Ano naman yung mag-text ka kahit papaano para naman malaman kong safe ka! Hindi mo naman siguro ika-hihirap yung isang text, ano lalo na at naka-line ka naman!" Wala na, hindi na na-kontrol ng napaka-protective kong kapatid ang emosyon niya at tuluyan na talaga siyang napasigaw.

Galit na galit talaga siya at mula sa kinatatayuan ko eh sobrang tindi na ng pamumula ng buong mukha at leeg niya at litaw na litaw na rin ang mga ugat niya at parang any moment from now eh sabay-sabay ng sasabog ang mga iyon at bubulagta na lang siya.

Ayoko namang sawayin siya kasi baka lalo siyang magalit at mag-wala na ng tuluyan. Bahala na kung magising man ang mga kapitbahay. Ayon eh kung magigising sila dahil medyo malayo naman ang pagitan ng mga bahay dito sa village na ito.

"A-ah, a-ano, s-sorry na. H-huwag ka ng magalit. H-hindi na mauulit. Promise." Nagkanda-utal-utal na sabi ni Ate Ayanna. Medyo nanginginig na din siya. Siguro dahil sa takot sa biglang pag-outburst ni Kuya.

Aaminin ko na nagulat at natakot talaga ako kay Kuya nung nagsimula na siyang magsisi-sigaw dahil never ko pa talaga siyang nakitang ganito kagalit.

He really cares about Ate Ayanna for him to act like this.

"Aba dapat lang na hindi na 'to maulit pa dahil sinasabi ko sa 'yo, Ayanna Cydrette na sa oras na mangyari pa ulit ito eh ikakadena na kita sa akin para hindi ka na basta-bastang maka-alis pa at abutin ng madaling-araw sa labas!" Gigil na gigil na sabi naman ni Kuya Niccolo. Medyo bumaba at humina na ang boses niya pero parang naka-sigaw pa rin siya kaya no wonder at nagising na sila Mama at Papa at nandito na rin sila sa labas ngayon.

"Ano ba ang nangyayari dito, ha? Rinig na rinig namin sa taas ang boses mo, Niccolo. Para kang hindi lalaki kung magsisigaw dyan." Sita ni Papa. Napa-halukipkip naman si Kuya Niccolo.

Parehas sila ni Nero na takot kay Papa, napatunayan ko 'yon kahit na unang araw niya pa lang dito sa mansyon. Actually, napansin ko na iyon dati pa nung dumadalaw si Papa at Mama sa Canada. Lagi siyang ilag kay Papa. Siguro kasi unang tingin pa lang talaga kay Papa eh masasabi mo na talaga na may pagka-strikto siya eh.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon