Chapter 1

144 4 0
                                    

"Jack, pakihinaan yung tugtog, tumatawag si Dad." sabi ni JB na nasa passenger seat at agad na sinagot ang kanyang ama sa hawak na cellphone. Wala pang ilang segundo ay nagsimulang nang gumawa ng nakakainis na nakakatawang ingay ang mga kasama niya sa sasakyan. "JB! Tagay pa!" sigaw ni Mark. "Babe, come back here~" mapang-akit na sambit ni Kun. "Pare, eto na yung weeds. Let's get high bro." matawa-tawang saad ni JR na tinawanan naman nina Jay at Yujin. Napangisi si JB at ibinaba ang tawag. Nakatanggap ng tig-isang batok ang kanyang barkada. "Mga loko, sanay na sainyo si Dad. Dun na daw tayo mag dinner." sabi ni JB.


Si JB ang nagmimistulang panganay sa kanilang barkada, palibhasa tahimik at may pagka-misteryoso siya. May mga panahon din namang tila ba nahahawa siya sa kaguluhan ng barkada. Matagal na kasi silang magkakasama at parang kapatid na ang turingan nilang lahat. Hindi din naman sila nalalayo sa isa't isa dahil pare-parehas silang mayayaman at sikat sa school.


"Oh, anjan na pala kayo." bati ni Mr. Jimenez, ang tatay ni JB, noong pagdating nila. Nakagayak ito at tila may pupuntahang meeting. Isa-isa silang nakipag-fistbump at bumati ng magandang gabi sa matanda. "Maiwan ko na muna kayo, may pupuntahan lang ako sa opisina. JB ikaw na ang bahala. Mauna na ako." bilin ni Mr. Jimenez, sabay alis.


"Woah! Ayos! Unlimited foods, oh yeah!" sigaw ni Yujin habang tinatahak ang daan papunta sa paborito nilang lugar, ang kusina. Agad na sumunod ang iba pa at naghanap ng pagkain. "Hoy kayo, uubusin nyo nanaman pagkain jan. Pahingi nga!" sinubukang agawin ni JB ang pagkain ni Jay pero maagap ito at inilayo agad. "Walang sayo!" pang-aasar ni Jay.


Ilang oras din silang nagkulitan sa kusina, nanggulo sa living room at nag-ingay sa home studio hanggang sa wala na silang magawa. Masyado silang naiinip, bakasyon na kasi. "Bros! Tara, treasure hunting tayo!" request ni Kun. "Sa? Saan naman? May nakikita ka bang island dito? Bugok ka talaga Conrad!" sabi ni Jack na dahilan para humalakhak ang barkada. Oo, Kun as in Conrad. "Hoy Joaquin, mas maganda naman pangalan ko kesa sayo." ganti ni Kun kay Jack. Jack a.k.a Joaquin. "Wala, mas maganda pangalan ni JB talaga eh." sabi ni Mark, na Mark lang naman talaga. Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay sumigaw ng "Juancho Bartolome!" agad silang nagtayuan dahil paniguradong isang habulan na umaatikabo ang magaganap.


Napuno ng tawanan ang buong mansyon hanggang sa makarating sila sa attic. Doon sila nahuli ni Juancho Bartolome, JB for short, at tsaka sila piningot. "Aray! Aray! Tama na!" sigaw ni Jose Romulo, JR nalang. Hinawakan naman ni Mark at Jay si Yujin dahil ito nalang ang hindi pa napipingot. Oo, silang tatlo lang ang may modern names.


Sa pagpupumiglas ni Yujin, may biglang silang natabing sa likod. Natahimik silang lahat at tumambad sa kanila ang isang malaking painting ng isang isla. Lahat sila ay namamangha. They were mesmerized by the painting. Ito na yata ang pinaka-magandang painting na nakita nila. Mas maganda pa sa mga painting na nakikita nila sa mga sikat na museum o sa mga breathtaking sceneries na nasaksihan nila.


Kakaiba ang master piece na ito. Sa pagtitig nila dito, tila ba may isang pwersa na nagsasabing hawakan nila ito. So they did. When the tip of their fingers touched the painting, they found themselves getting pulled by a powerful force. A strange light devoured them. Nagising nalang sila hindi alam kung nasaan sila.


"Sh*t" JB cursed.
"Oh man...." Jay sighed.
"Where the heck are we?!" Jack exclaimed.
"Woah..." JR was amused.
"Anong lugar ba 'to?!" Kun was hysterical.
"Wake up, wake up, wake up!" Yujin smacked his face.
"......" Mark was speechless.


They roamed the whole place, they don't know where they are.All they know is, they have to find a way to get out. But the thing is, no one escapes the Magique Island.

Well, except if they get lucky and........ voila.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon