Ang Magic Island ay isang mahiwagang isla na pinaniniwalaang nage-exist lamang sa isip ng mga taong may malawak na imahinasyon. Isa na sa mga taong ito ang lumikha ng painting. Walang nakakaalam na hindi lang painting ang ginawa ng taong ito, kundi isa ring libro na naglalaman ng kaalaman tungkol sa isla. Sa ilang libong taon na nabubuhay ang isla, wala pang nakakadiskubre nito. Wala pang nakapag-sasali nito sa 7 Wonders of The Earth o Guniness World Records. Pero ngayon, mukhang mayroon na.
"Konti nalang! Ano ba, bumangon nga kayo!" utos ni Juancho Bartolome Jimenez -- JB, sa mga kasama niyang tila ba pagod na pagod na at nawawalan na ng pag-asang makaalis sa mahiwagang isla. Kung dati ay mukha silang model ng Bench at Penshoppe, ngayon ay mukha na silang taong grasa dahil sa dungis ng mga mukha nila. Wala na rin yata silang maayos na paligo dahil tubig alat lamang ang ginagamit nila.
"Ayoko na! Hindi ko na kaya 'to." reklamo ni Conrad Gutierrez -- Kun. Paano ba namang hindi sila susuko, halos tatlong buwan na silang naghahanap ng paraan para makaalis sa isla. Sa tuwing gagawa sila ng bangka, tatangayin ito ng malakas na alon o kaya naman ay bigla nalang itong magigiba. At heto nanaman, sumusubok ulit sila.
"Ano ka ba naman JB, tama na. Di mo ba napapansin? May sa mangkukulam 'tong isla na 'to! Ayaw tayong paalisin!" nakasimangot na sigaw ni Jay habang nakahawak na sikmura niya sa kakaunti na lamang ang laman. May mga gamit naman sa gubat ng isla, tulad ng mga kahoy, kawayan, mga prutas, at kung ano-ano pa, kaya lang, kailangan muna nilang masugatan at mapagod bago makuha ang mga ito. Hindi naman kasi sila nabuhay kagaya ni Tarzan.
Nakiupo si JB sa tabi ng barkada at pinagmasdan ang mga mukha nilang sawi. Gusto niyang magalit at manisi ngunit sino ang sisisihin niya? Hindi nga nila alam kung bakit sila napunta sa isla. Kung titignang mabuti, masuwerte na rin sila dahil kahit hindi sanay ay nakagawa sila ng maliit na kubo para silungan tuwing matutulog sila o di kaya'y umuulan. Kahit walang experience na pag-akyat ng puno at pag-harvest ng mga makakain ay nagagawa nila para lang hindi umatungal ang tiyan nila.
Naisip niyang marami silang natututunan sa isla at kung magtatagal pa sila dito --- ayaw na niyang isipin yun. "Tara na, bumalik na tayo sa kubo, baka may natira pang pagkain dun." aya ni JR sa kanila. Nagsityuan sila at hinang-hina na lumakad papunta sa kubo na hindi kalayuan sa pampang. Sa Paglalakad ni Kun ay natisod siya ng isang rebulto. Halatang luma na ito at nawawala na ang mga detalye.
Dala ng gutom at pagod, kinausap niya ang rebulto. "Pare... Tulungan mo naman kami oh." sabi ni Kun habang nakaakbay sa rebulto tila ba kainuman niya ito. Sa di malamang dhilan, yumanig ang isla at isang malaking liwanag ang kumalat. Nagtagal ito ng ilang segundo at biglang nawala. Napatingin ang lahat kay Kun na hanggang ngayon ay nakaupo parin, pero wala na ang rebultong inaakbayan niya.
Sa ibang bahagi naman ng isla, lumitaw ang pitong babae mula sa iba't ibang lugar. May isang natutulog, may isang naggi-gitara, may isang kumakain, isang nagsa-shopping---pero wala na siya sa mall, isang nagbabasa ng libro sa coffee shop---pero wala na siya sa coffee shop, may isang katatapos lang maligo---pero wala na siya sa banyo at isang nag-tuturo---na walang nang kausap. Nakahinto ang oras. Lahat sila ay hindi makakilos.
Ilang sandali pa, nakaramdam sila ng puwersa na humihila sa kanila. Hindi nila alam kung saan, pero patungo ito sa masukal at gitnang parte ng gubat sa isla. Walang nakakaalam kung bakit, paano, o ano ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Ile Magique
FantasySeven boys trapped in a magical island with nothing but their clothes and hopes on. Seven girls were delivered by a totem, hoping that the girls would be their way to escape. A taglish story that is fixed by destiny.