Papagabi na noong natapos sila sa pagkukulitan. Nanginginig sa lamig ang mga dalaga, muling sinindihan ni Jay ang bonfire at naisipan nilang magpainit muna upang hindi sila magkasakit dahil siguradong mahihirapan at matatagalan sila sa paghanap ng paraan para makaalis sa isla. Nanghuli sila kanina ng mga isda at iniihaw ito habang nakaupo sila sa paligid ng bonfire. Sapat na ito para sa dinner nila. Tahimik lang silang lahat at nakatitig sa nagsasayaw na apoy.
"Uhmm. Yung isda mo, Ali. Umaapoy na." basag ni Yujin sa katahimikan. Agad na itinaktak ni Ali ang isda at nalaglag ito sa buhangin. Nagtawanan
silang lahat. "Okaaay. Tutal naman itutuloy na natin yung bangka bukas, bakit di tayo maglaro ngayon, magpakilala tayo!" masiglang sabi ni Jack na tinanguan naman ng lahat, kahit si Cath na nagsabing no names please ay nakitango na rin. "Umpisa tayo sa pinakamaliit!" sabi ni Yujin at nagtinginan ang lahat kay Ali. Napasimangot ito at inirapan si Yujin."Bakit ba lagi mo akong inaasar?! Kairita!" sita ni Ali na ngayon ay namumula na sa inis."Cute ka nga kasi! Cute size!" asar ni Yujin. Hindi na pinansin ni Ali ang binata at huminga ito ng malalim. "Okay, I'm Ali. Seventeen years old." maiksing pagpapakilala ng dalaga. "Full name!" sigaw ni Yujin. Napairap sa ere si Ali at nagdalawang isip, bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit, "Alicia Lozano!" Natahimik ang lahat at biglang nagtawanan. "Shet! Aling Alicia!" pang aasar ni Jack. Hinayaan nalang ito ni Alicia at hinintay na humupa ang rumaragasang damdamin ng mga kasama.
"Oh Sheng, ikaw na." sabi ni Jack na nagpatahimik sa lahat. May ilangan na nagaganap. Ayaw sanang sabihin ni Sheng ang full name nya pero, wala namang mawawala diba? "Sherolina de Leon. Eighteen." sabi niya sabay takip sa mukha niya dahil paniguradong tatawa nanaman ang mga ito. And they did. But this time, louder. Halos umecho ang tawanan nila sa isla. "Next!" sigaw ni Mark habang nakatingin kay Cath na katabi ni Sheng. "Catalina Gonzales. Nineteen. " simpleng pahayag ni Catalina. "Diba ano yon, yung ginagamit sa mga project!" banat ni Jr, na binatukan ni Mark dahil korni ito. Nakatanggap si Jr ng isang malaking "Booo!" mula sa mga kasama at agad na napalitan ng tawanan.
Pinuna ni Jay si Kun na kanina pa nakatingin kay Hilary, "Hoy Conrad Gutierrez! Baka matunaw yan ah." sabay halakhak at sulyap kay Hilary na tinignan ng kaibigan niya. Napahagikgik ang ilan nang narinig ang pangalang 'Conrad'. "Kun, kun ka pa jan, Conrad lang pala pangalan mo!" sigaw ni Hilary na may kasamang matalim na tingin. "Kala mo ang ganda ng pangalan mo." sabi ni Kun. "Maganda naman talaga pangalan ko eh. My name is Hilary Marquez and I'm seventeen years old." sabi nito na may kalahong pagmamalaki. "Abaaaa." kantyaw ng marami. "Ikaw naman Ms. Beastmode!" sabi ni Yujin kay Reya. Nainis si Reya kay Yujin at binato ito ng pinakamalapit na bagay na nahawakan niya, ang isda. "Nice one." puri ng kanina pa tahimik na si Jb kay Reya. "Call me Reya." sabi ng dalaga. "Weh? Full name nga eh." wika ni Jr. "Reya nga lang eh!" pagalit na sabi niya. "Owww. Bummer." sabi ni Jack. "Realinda Cruz." nahihiyang bulong nito.
Humagalpak ng tawa si Jb at tinignan siya ng masama ni Realinda. "Anong tinatawa-tawa mo?!" singhal ni Reya. Natahimik si Jb at naubo ng bahagya. "Juancho Bartolome Jimenez," bulong ni Jr kay Reya. Agad sumigaw si Reya ng "Juancho Bartolome!" na tinawanan naman ng lahat. Pinandilatan ni Jb si Jr ngunit hindi ito nagpatinag. Iniba ni Jr ang usapan at ibinaling kay Prey. "Ikaw miss, anong pangalan mo?" tanong ni Jr at maatim siyang tinitigan ni Jay habang nakangiti. "Precita. Precita Villanueva." napatunganga silang lahat at hindi makapaniwala. "Pati ikaw? Makaluma?" puna ni Kun at tinawanan ng lahat. "Ang sosyal kaya!" pagmamalaki ni Precita.
Nakita nilang iika-ikang lumalabas ng hut si May at naglalakad papunta sa kanila, sinalubong siya nina Jay at Mark upang hindi ito mapano pa. "Ano, ayos ka na ba?" tanong nila na puno ng pag aalala. "Medyo, nakakabagot kasi sa loob kaya naisipan ko lumabas." sabi nito at nakiupo narin sa kanila. Nagpatuloy sila sa pagkukulitan. "Kung ikaw si Juancho Bartolome, sino naman siya?" turo ni Reya kay Jack. "Joaquin Enriquez III!" sigaw ni Sheng sabay irap at tawa. Palihim na nagsenyasan sina Jr at Mark. "Jay Mendoza here." pagpapakilala ni Jay habang nakataas ang kamay na sinundan ni Mark Manzano at Yujin Feliciano. "Weh? Jay, Mark at Yujin lang talaga?" tanong ni May. Nagsitanguan silang tatlo. "Si Jb, Kun, Jack at Jr lang naman may makalumang pangalan saming pito eh." sabi ni Jay.
Napatingin ang lahat kay Jr at tila ba naghihintay sila ng pangalan. "Jose Romulo Ramos." sabi nito sabay salute. "Baho." pasupladang bulong ni Catalina, pero rinig naman. Marahil ay naiinis parin siya dahil sa libro nyang nabasa ni Jr ng tubig. Mabuti nalang, naibilad agad ito sa araw.
Natapos ang gabi na masaya silang nagkukulitan dahil makakaalis na sila sa isla. Masaya sila dahil may mga bago silang karanasan at bagong kakilala. Tinapos nila ang gabi ng maayos at may mga ngiti sa labi. "Cath, pakiabot naman nung dahon ng bayabas." pakiusap ni May sa dalaga. Sinunod ito ni Cath at nahiga na. Bago tuluyang lamunin ng antok si Cath, napaisip siya. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
BINABASA MO ANG
Ile Magique
FantasySeven boys trapped in a magical island with nothing but their clothes and hopes on. Seven girls were delivered by a totem, hoping that the girls would be their way to escape. A taglish story that is fixed by destiny.