Chapter 7

57 3 0
                                    

Halos magkasabay na bumalik ang dalawang grupo na naghiwalay kanina -- sina Sheng at Jack na hindi nag-iimikan habang may hawak na mangga. Kasunod nila sina Mark, Jr at si Cath na puno ng putik ang mga binti. "Oh, buti nakabalik agad kayo. Malapit na mag-lunch." bungad ni JB sa kanilang lima. Dinala nila ang mga pagkain na nakuha nila sa pwesto nina Jay at Prey na naghahanda na sa pagluluto. At mukhang pagod na pagod ang dalaga habang nakapaskil ang malaking ngisi sa mukha ng binata.

Agad na inabutan ni Prey si Cath ng mga damit para makapagpalit ito. Nakatoka si Prey at Jay sa pagluluto kaya't nagsibalik ang iba sa pag-buo ng bagong hut. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ito. Humandusay na sahig sina Cath at Reya dahil sa pagod habang tinatanaw ang nabuong hut. Mas gumanda ito di gaya ng dati. "Ang ganda no?" sabi ni Reya kay Cath. "Yea." sagot nito. "Nakakapagod!" sambit ni Cath sabay gulong patagilid. Narinig niyang kumanta si Reya, "She's a monster modeungol gatchwosseo bonjokhange eopseo---" nahinto ito sa pagkanta dahil sa pagsigaw ni Cath ng, "Oh my gaaaa! GOT7?!" sabay gulong papunta kay Reya. Nagsingisihan ang mga ito at nagpatuloy sa pagkanta.

Maya-maya pa nag-pulong na sila sa munting kusina ng hut at naglatag ng dahon ng saging at nilantakan ang mga nakahandang pagkain sa hapag. Walang umiimik dahil gutom na gutom sila. Dinalhan ni Cath si May ng pagkain dahil nakahiga parin ito pero nagitla siya noong nakitang nakakaupo na ito at binabasa ang libro niya. "S-sorry. Nainip kasi ako kaya binasa ko. Sorry kung di ako nakapagpaalam." sabi ni May habang binabalik ang libro kay Cath. Malala parin naman ang lagay nya. Mukhang hirap na hirap ito sa pag-upo kaya't pinasandal nya muna ito sa malapit na kawayan at pinakain. Pumasok si Yujin at JB upang kamustahin si May. Sumunod na din ang iba.

"Ano, kamusta?" puna ni Hilary. "Eto, masakit parin. Pasensya na ah? Di ako makatulong sainyo." paumanhin ni May. Sinabi ng lahat na ayos lang ito at magpagaling nalang siya. Naisipan ng lahat ng lumabas muna at hayaang magpahinga si May. "We should reward ourselves, look at progress we've made. Wow." sabi ni Jack. Napangiti naman ang iba at sumang-ayon kay Jack. Napagkasunduan nilang mag-langoy sa dagat dahil amoy gubat na sila. Nagkarera ang mga binata patungo sa dagat at agad na nagbasaan ng tubig.

Ayaw lumusong ni Reya dahil hindi siya marunong lumangoy. Ayaw lumusong ni Sheng dahil takot sya sa jelly fish. Ayaw lumusong ni Hilary dahil malamig. Ayaw ni Ali dahil baka malunod sya dahil gaya ng sabi ni Yujin, cute size sya. Ayaw ni Cath dahil nagbabasa sya ng libro at ayaw ni Prey dahil ayaw ng mga kasama nya sa pampang. Nagtititigan lang sila maliban kay Cath na nagbabasa, na biglang nag-wala dahil aksidenteng nabasa ni Jr ang libro niya.

"What the----!" pinandilatan ni Cath si Jr gamit ang singkit nitong mga mata. Agad na nataranta si Jr at tumakbo papunta sa dagat. "Sht! Sorry!" Sigaw ni Jr habang nagtatatakbo. Nagtatawanan naman ang lahat dahil hirap na hirap sa pagtakbo si Cath dahil sa tubig.  Pasimpleng hinila ni JB at Mark si Reya kaya nagtitili ito. "Di ako marunong lumangoy ano ba! Wag dito sa malalim!" nagtatawanan naman ang mga binata. "Tuturuan ka namin!" sabi ni Mark kay Reya. Sa pampang naman ay nilapitan ni Jack si Sheng, na agad namang inirapan at nilayasan pero nahawakan agad siya nito. "Wait. Gusto ko lang mag sorry sa nangyari kanina." sabi ni Jack na puno ng sinseridad. Tinitigan ni Sheng ng mabuti si Jack at unti-unti itong ngitian at biglang tinuhuran --- sa family jewel nito. Nagtatawa ito habang papunta sa dagat. Hinila niya sina Ali, Hilary at Prey para mabasa na din ng tubig.

Buong hapon silang nag laro sa dagat, tila nawala ang pagod nila sa paggawa ng hut ay pangunguha ng pagkain. Nakalimutan nila na nasa isla sila at hindi sila magkakakilala. Ito na ang pagkakasundo na sinasabi ng rebulto. Mula naman sa hut ay tinatanaw sila ni May. "Gosh. Sana gumaling na'to." sabay tingin sa sugat niyang palihom pa lamang.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon