Unlike last night, seryoso na ang lahat sa paggawa ng balsa pantawid sa malawak na karagatan. Dahil nangagalahati na ang nagawa ng mga kalalakihan bago pa dumating ang mga dalaga ay matatapos na ito. Sinigurado ng lahat na matibay ang gagamiting balsa, hindi man ito kalakihan ngunit nakakasigurado silang magkakasya silang lahat at hindi ito agad matitibag or so they thought..
"Itali niyo 'to ng mahigpit," utos ni Jb kina Reya at Mark na ginawa naman ng dalawa. Si Jb ang nagsilbing leader kaya't chinecheck niyang mabuti ang mga gamit.
Palabas si Cath ng kubo dala-dala ang lahat ng mga pagkaing para sa kanilang pag-alis sa isla. Samantala ang mga kakalalakihan ay abala sa pagaasemble ng mga kawayan habang ang mga kababaihan ang nagtatali sa mga ito.
Katanghalian ay natapos ang balsa. Nagalak ang lahat sa pag-aakalang makakaalis na sila. Dahan-dahang inilusong nila Jay at Kun ang balsa sa tubig habang ang iba ay sumasakay.
Everyone was so thrilled by the thought of leaving. Finally ay makakauwi na sila at makakabalik sa dati nilang mga buhay.
Pagkalagpas sa lugar ng kanilang pinagliguan ay napansin ni Jb na namumutla ang katabing si Reya, hinawakan niya ang kamay nito dahil naalala nitong hindi marunong lumangoy ang dalaga. Samantalang tinanong ni Hilary ang nakapikit na si May, "Ayos ka lang ba?" Mukha itong may malalim na iniisp dahil sa nakakunot nitong noo. Napapitlag si May but she managed to smile and answer, "Oo, nahihilo lang ako."
Nagpatuloy sa pag-usad ang balsa nang bigla itong tumalbog dahilan ng pag-alog nito making everyone jump to the water. Bumaliktad ang balsa at biglang naghiwa-hiwalay ang mga kawayang matibay na tinali ng grupo.
Nagkahiwa-hiwalay sila at nagsikapitan sa isa't isa. Dahil magkatabi sina Reya at Jb ay agad nitong nailigtas ang dalaga. Nilangoy naman ni Jack ang maliit na pagitan sakanila ni Sheng at agad itong hinablot papunta sa kanya. Nakakapit sina Hilary at Jr sa kapirasong parte ng balsa habang hinahanap ang iba pa. Hindi naman magkamayaw si Cath sa paglangoy dahil may nararamdamam siya sa kanyang mga paa. Gayunpaman ay hinanap nya si Ali na katabi niya kanina.
Nakita niyang hawak ito ni Kun kaya't nakahinga siya ng maluwag. Samantalang biglang umahon sina Mark, Jay at Prey kasabay ang paglutang ng kanyang paboritong libro na agad niyang kinuha.
"Si May! Si May!" natatarantang sigaw ni Hilary. Walang lumutang na May kaya't agad na kinabahan ang buong grupo. Nagpalinga-linga silang lahat, nagbabakasakaling makita si May.
Sinisid ni Mark ang dagat at nagitla noong makita si May na nakapikit sa ilalim, sa pagaakalang nalunod ito, agad niya itong pinuntahan at sinagip. Pag-ahon nila ay hinila ni Mark si May patungo sa pampang. Hindi ininda ng binata ang layo ng lalanguyin niya, masagip lamang ang dalaga.
Sumunod na ang karamihan, ngunit na kasagsagan ng paglangoy nila'y biglang sumulpot ang ilang malalaking lamang-dagat na tila mga octopus. Hindi ito pangkaraniwan dahil kakaiba ang anyo nito. Kulay abo ang mga ito at may kaliskis. Kasinlaki ng ulo ng tao ang mga ulo nito at may mahahaba at matutulis na galamay.
Agad na lumangoy papalayo sina Jr, Ali, Yujin, Hilary at Cath habang nakarating na sina Kun, Sheng at Jack sa bungad ng pampang. Nahuhuli naman sina Reya, Jb, Jay at Prey.
Sa takot ni Reya ay napabitaw ito kay Jb nang makita ang mga nilalang na nagsulputan. Napasigaw si Reya ng makitang may papalapit sa kanya, "Oh my gosh! Help!" Agad na napalingon si Prey sa kaniya at buong tapang na sumunod kay Jb at Jay na kasalukuyang inililigtas si Reya.
They didn't notice the creatures' attack. Two creatures were aiming on Prey. All of a sudden, the monsters' tentacles were now groping on her back, sucking her blood and injecting poison in her system.
Jay came to the rescue, but he was too late because Prey was already pale and almost lifeless. Dali-dali niyang inihatid si Prey sa may pampang kasunod sina Reya at Jb. They looked at the ocean but the monsters weren't there anymore. They wondered why but they didn't bother anymore because Prey was almost dying.
BINABASA MO ANG
Ile Magique
FantasySeven boys trapped in a magical island with nothing but their clothes and hopes on. Seven girls were delivered by a totem, hoping that the girls would be their way to escape. A taglish story that is fixed by destiny.