Chapter 10

51 3 0
                                    

Hilary immediately thought of a way to save Prey. Mabuti nalang at alerto siya sa mga ganoong klaseng bagay. Maraming klase ng halaman ang matatagpuan sa isla. Sa dami ng halaman nasa gubat ay napili niya ang pinaka-mabisang halamang-gamot. It maybe Hilary's ability, na mapakapang-gamot. Agad niya itong dinala sa hut at inutusan si Jay na magpakulo ng tubig at ilagay ang mga halaman.


Nag-tipon ang lahat sa paligid ni Prey na walang-malay. Takot na takot ang lahat dahil abala pa si Hilary sa paggawa ng gamot. Si Jay ang naging alerto upang masagip si Prey. Naghihingalo na si Prey at ang tanging naisip ni Jay na i-CPR ang dalaga. "Wait! Make way! Kailangan niya ng oxygen." sigaw ni Jay pagkatapos niya itong i-pump sa itaas ng dibdib ng dalaga. Pagtapos nito ay ginawa na niya ang susunod na step, nag-buga ng hangin si Jay sa bibig ni Prey. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa mag-kamalay si Prey at huminga ito ng sobrang lalim. Bumalik sa dati ang kalagayan ng dalaga ngunit tulog ito at tila ba inaapoy ng lagnat.


Maya-maya pa ay pumasok na si Hilary dala-dala ang mga pinakuulang halaman at itinapal ang mga ito sa mga bahaging nalason ng nilalang na umatake sa kanila. Maatim na naghintay ang lahat sa labas ng hut, hindi mapakali at hindi magkandamayaw ang lahat. "Ikaw may kasalanan nito eh!" sita ni Sheng kay Reya, "Kung hindi ka bumitaw edi sana walang nangyaring ganito!" dugtong pa nito. Inawat siya ng ibang kasama, "Walang mangyayari kung magsisisihan tayo." malamig na pahayag ni Cath.


Napanganga si Reya sa mga sinabi ni Sheng. Naisip niya na, Oo, kasalanan ko nga ito. Tumulo ang kanyang luha, saktong lumabas si Hilary. "Ayos na." sabi nito habang mangiyak-ngiyak. Hindi niya inakalang magagawa niyang mag-ligtas ng taong nasa bingit na ng kamatayan. "Ayos na siya. Medyo nilalagnat, pero ipagdasal nalang natin na tuluyan siyang gagaling." puno ng pag-asang sabi ni Hilary.


Natahimik silang lahat ngunit halata sa mga mukha nila na medyo nakampante na ang kanilang mga damdamin. Walang nagsasalita. "Babantayan ko muna si Prey sa loob." request ni Ali. Papasok na siya sa loob nang pigilan siya May, "Huwag na, ako nang bahala. Mas mabuti sigurong mag usap-usap muna kayo." sabi nito sabay pasok sa hut.


Natuon ang atensyon nila kay Cath na pilit isinasalba ang libro nitong basang-basa. Sinundan ni Jr ang dalaga na ngayon ay nasa tabi na ng apoy. "Catalina, please. Libro lang yan." medyo inis na sabi ni Jr. Maatim na tinignan ni Cath si Jr, nagpipigil ng galit na lalo pang magpapalala sa sitwasyon. "Hindi ito basta libro lang, Jr." pabulong ngunit pagalit na sabi ng dalaga. Naluluha na si Cath kaya't tumingala siya. "Pamana sakin 'to ng mama ko. Itong libro LANG na sinasabi mo, yan nalang yung bagay na nagpapaaalala sakin sa nanay ko." sambit nito at tuluyan nang naiyak.


Nataranta si Jr at hindi niya akalaing ganoon pala kahalaga ang librong iyon. Wala siyang masabi kaya't unti-unti ay hinila niya si Cath patungo sa kanyang bisig at pilit niyang ipinaramdam sa dalaga na hindi ito nag-iisa. Hindi naman tumanggi pa ang dalaga at hinayaang makita ng binata ang kahinaan niya.


Sa tapat naman ng hut ay nakaupo sina Mark, Ali, Jack, Sheng, Jb at Reya na balisang-balisa. "Sorry. Kasalanan ko 'to." nakayukong sabi ni Reya. Nakaramdam ng pagka-guilty si Sheng ngunit hindi ito umimik. "Don't be. Ang mahalaga, gumaling si Prey." wika ni Mark. Nilapitan ni Ali si Reya. She comforted her, "Reya, it's not your fault. Okay?" sabi ni Ali habang hinihimas ang likod nito.


Dapit-hapon na nang makabalik sina Kun, Yujin at Hilary mula sa paghahanap ng mga halamang-gamot and fortunately, they found some. Agad silang nagsi-balikan sa hut at nakampante noong makitang gising na si Prey na kinakausap na si May. Maputla parin ito at mukhang nanghihina kaya't naisipan ni Hilary na tapalan muli ito ng halaman.


Agad na nilapitan ni Jay si Prey, "Are you okay now?" ani nito. Tumango si Prey habang nakangiti ng bahagya bilang pagsang-ayon. "Prey, I'm sorry." paumanhin ni Reya. "No, it's not your fault." sagot ni Prey. Nakasisigurado na silang maayos na ang lahat -- pwera sa kalagayan ni Prey na hindi pa ganoon kagaling at sa ilangan sa pagitan nina Reya at Sheng. "Okay, guys listen up." sabi ni Jb. "We need plan B. Hindi basta-basta itong isla na ito." ani pa niya.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon