Kinaumagahan bago pa sumikat ang araw, nagsi-bangon ang lahat. Excited silang lahat. "Reya! Gising na!" yugyog si Sheng sa nahihimbing na si Reya. "Ano baaaaa." ungol ni Reya sabay hawi kay Sheng. "Hagisan kita ng daga jan sige." pananakot ni Sheng kay Reya at agad itong napabalikwas ng upo. "Eto na ngaaaa!" sabi nito habang kinukusot ang mga matang antok na antok.
Nasa labas na sina ang lahat maliban kay Reya at Sheng. Lumapit si Mark kay Ali, "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" tanong nito. "Ah, oo. Medyo nahirapan lang ako makatulog kasi ang ingay ni Yujin. Naghihilik." bulong nito sabay ngisi. "Narinig ko 'yon, cute size!" pang-aasar ni Yujin na nasa likod lang pala nila. Napangiti naman si Ali, naramdaman niyang kumakabog nanaman ang dibdib niya. Nakatingin naman si Mark sa dalaga na tila nahuhulog siya sa mga ngiti nito.
"Okay guys, meeting!" sigaw ni Jb noong makalabas na sina Reya at Sheng. "Nai-suggest ni Prey na mag-iwan tayo ng mga palatandaan sa dadaanan natin para sakaling abutin tayo ng dilim e makabalik parin tayo sa hut." anunsyo ni Jb. Agad na sumang-ayon ang lahat.
"Si May na magsasabi ng arrangement natin habang naglalakad." sabi ni Jb sabay tingin kay May. Napatingin naman si Cath sa dalaga sa sobra kung makangiti. "So, one line tayo, okay? Mauuna si Jay, tutal siya ang pinaka-mature at calm sa lahat ng boys. Followed by Prey, and then Jr, Kun, Hilary, Reya, Yujin, Ali, Mark, Sheng, Jack and then Cath, Jb and I will stay at the end of the line dahil just like the leader sa harap, we're calm." sabi ni May. Wala nang tumutol dahil excited na silang makaalis sa isla,
As they walked inside the forest, the group on the middle dropped stones. Ito ang magsisilbing gabay nila pabalik sa hut. Habang naglalakad ay nakikiramdam si Cath kay May na nasa likod niya. Maybe she found out that she's the map pero hindi naman siya nag-aalala dahil nasa likod naman nito si Jb. Sigurado siyang walang mangyayaring masama sa kanya kung nasa likod niya ang pinaka-leader nila. Alam niyang mali ang daan na tinatahak nila, hinahayaan lang niya dahil gusto niyang mabisto si May.
Maya-maya pa matapos nilang lakarin ang ilang milya at napagod sila at nauhaw. Pagabi na rin at wala parin silang natatagpuang talon. Naisipan nilang bumalik, ngunit wala na ang mga batong iniwan nila bilang palatandaan. Cath knew it was May but she didn't say anything. Baka magkagulo pa. She knew what May's capable of doing.
"Hala! Paano na 'to? Paano tayo babalik?!" Sheng panicked. "Hey, calm down Sheng. We'll find a way." Jack calmly said. May immediately manipulated nature and changed it's paths. Maaari niyang ikulong na lamang ang mga kasama niya ngunit hindi niya magagawa ito hangga't nag-eexist si Lumière.
Nagpatuloy sila sa pag-lalakad at tanging ang liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing gabay nila. Until they found it. A cold water falling from the top of the falls. Alam na nilang ito ang dapat nilang akyatin. Inikot muna nila ang paligid ng talon hanggang sa may nakita silang parte nito na maaaring akyatan.
Sinimulan nila ang pag-akyat without knowing that Cath was abducted. Everybody was close to the top, nang mapansin ni Reya na nawala si Cath at may nakita siyang kumalukos sa di kalayuan. Sinundan niya ito. Nakaramdam siya ng kakaiba, at hindi ito magreresulta ng maganda kung hindi maaagapan.
"Reya! What are you doing?" sigaw nila kay Reya habang nakakapit sa talon. Ang iba ay bumaba na at sinundan si Reya. Napansin din nilang nawawala si Jb, May at Cath kaya naisipan na nilang sumunod. They knew something wrong was going on.
BINABASA MO ANG
Ile Magique
FantasySeven boys trapped in a magical island with nothing but their clothes and hopes on. Seven girls were delivered by a totem, hoping that the girls would be their way to escape. A taglish story that is fixed by destiny.