Pagtapos ng maliit na pag-aaway nila Jack at Jr ay hindi na sila muling nagpansinan. Walang kaalam-alam sina Prey, Jb, Reya, Kun at Hilary sa nangyari dahil nasa loob sila ng kubo. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga katagang iniwan ng liwanag.
"May nakatanda ba sainyo nung sinabi nung liwanag?" tanong ni Jb. Naisip niyang mas masasagot ito ng mga babae dahil minsan ay puro hangin lang ang laman ng utak ng mga kabarkada niya. "I think I remember." sagot ni Hilary. "Weh? Baka nagiimbento ka lang ha." singit ni Kun. "Hoy. FYI, magaling ako sa mga memorization, ano!" sabi ni Hilary kay Kun sabay hampas sa balikat nito.
She knew this was different because she only hits someone she's comfortable with. She shook her head to erase the thought then tried to remember what the light said. "It said, the map is intractable..... It is as cold as ice and very hard to reach but can be easily tamed when you touch its softest part. The key comes with the map..... but it is unrecognizable and buried along with the secrets of the map." dahan-dahan nitong sabi na tila pilit inaalala ang mga kataga.
"Wow! Amazing!" bulalas ni Kun sabay palakpak. "That's exactly what it said!" Prey exclaimed. Napangiti si Jb, "That's great Hilary, you helped us big time. Now, wag mong kakalimutan yan ha. Keep that in mind." payo ni Jb sa dalaga. Tumango si Hilary at tinignan si Kun nang may pagmamalaki. "I told you." sabi nito sabay ngiti.
Nadako ang tingin niya sa kamay ni Kun na namamaga. Agad niya itong hinawakan at sinuri, "Hala! Anong nangyari dito?" tukoy nito sa kamay ng binata. "Wala, nahiwa lang sa talahib nung naghahanap tayo ng halamang-gamot." simpleng pahayag nito. "Baliw ka! Baka maimpeksyon 'to!" sabi ni Hilary sabay hila kay Kun papunta sa munting kusina kung saan naroon ang mga nakolekta nilang gamot.
Napangiti si Kun dahil bakas sa mukha ng dalaga ang pag-aalala nito. Napalingon naman siya sa silid na kinaroroonan nila kanina ng biglang tumili si Reya at humahalakhak si Jb, hinabol nito si Reya habang may hawak na patay na daga.
Samantala, nagalalakad-lakad si Yujin sa pampang at dinadama ang hampas ng alon sa kanyang mga paa. He looked around then saw Jack, Sheng and Ali having a chit-chat. Nakita naman niyang pumasok sa hut sina Jay, Mark at Jr sa hut kasama si May na kasabay naman ay ang paglabas ni Jb at Reya na naghahabulan.
Napansin niyang hanggang ngayon ay wala parin si Cath. Naisipan niyang hanapin na ito habang maliwanag pa. Kumuha siya ng mga bato at nilagyan ng palatandaan ang bawat area na dinadaanan niya. Dahil sa mga puno ay medyo dumilim at hindi niya maiwasang kilabutan sa aura ng gubat.
"Kasi naman yung Catalina na yun, dami-daming pupuntahan sa loob ng gubat pa." sambit niya sa sarili niya upang mawala ang kilabot na nararamdaman niya. "Pwede namang sa tabi siya ng pampang mag-drama, ay kaso baka na-trauma sa mga octopus." dagdag pa niya.
Si Yujin ang tipo ng taong masarap kasama, hindi siya basta-basta sumusuko at malakas ang kanyang fighting spirit kaya't siya ang nagsisilbing cheerleader ng barkada kapag pinanghihinaan ng loob ang mga ito. Tulad na lamang noong magpapatuli sila. Nauna siyang nakatapos kaya't pilit niyang pinapalakas ang loob ng anim pa niyang kaibigan na mukhang hihimatayin na noong panahong iyon.
Magpapahinga sana siya sa ilalim ng isang puno ngunit may biglang nahulog mula rito na siyang ikinagulat niya, "Ay gago!" sigaw nito at napatalon. Napatingin siya sa nahulog at nakita niyang si Cath iyon na na sinamaan syiya ng tingin. "Minura mo ba ko?" tanong nito.
Napailing si Yujin ng paulit-ulit, natutuwa siyang nakita na niya ang dalaga at mukhang maayos naman ito. Walang galos o kung ano pa man. "Tara na, hinahanap ka na nila eh." Aya ni Yujin sa dalaga. Tinignan lang siya nito sabay naupo sa ilalim ng puno. Napailing si Yujin at tinabihan ito. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Cath. "Aba edi nakaupo. Mukha ba akong naglalaba?" pabirong hirit nito.
Inirapan lang siya ng dalaga. "Bakit hindi ka bumalik kahapon? Nag-aalala kami sayo." Sabi ni Yujin. Hindi nanaman umimik si Cath. "Saan ka natulog?" tanong ng binata. Tumingala si Cath at sinundan ni Yujin ang tinignan nito, isang higaan na gawa sa mga dahon. Nakalagay iyon sa malapad na parte ng sanga ng puno. "E, pano ka kumain?" muling tanong ng binata. May iniabot naman na malaking bayabas si Cath kay Yujin.
"May problema ba?" tanong nanaman nito. Napahinga ng malalim si Cath kaya't inakala ni Yujin na nagalit ito. "Oo na, hindi na ko magtatanong." Sabi ng binata na mukhang rejected na tuta. "Meron." Maiksing sagot ni Cath. Napatingin si Yujin sa dalaga. "I.. I saw.. Nevermind. I wasn't sure." Mahinang sambit nito.
Napakunot ang noo ni Yujin, hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Magtatanong pa lamang siya ngunit biglang sumigaw si Cath, "Ahhhhh!" tili nito sabay dumamba kay Yujin. "Ahck! Aray gago! Ano ba! Nasasakal ako Cath!" agad na tumayo si Yujin at ipinasan ang dalaga sa likod upang makahinga siya ng maayos. Ayaw kasi nitong bumitaw sa kanya. "Takbo! Tumakbo ka ang daming palaka!" sigaw pa nito sabay sabunot at batok kay Yujin.
Imbis na masaktan ay natawa nalang ang binata at patakbong sinundan ang mga palatandaan na ginawa niya kanina. Masaya siya dahil sa wakas ay babalik na si Cath sa isla, maayos na ang gusot sa pagitan nila ni Reya at makukumpleto na silang muli.
BINABASA MO ANG
Ile Magique
FantasySeven boys trapped in a magical island with nothing but their clothes and hopes on. Seven girls were delivered by a totem, hoping that the girls would be their way to escape. A taglish story that is fixed by destiny.