Chapter 6

61 4 0
                                    

Pasikat pa lang ang araw ngunit abala na ang lahat -- abala sa pagtatalo.

"Alam mo, ang kulit mo! Dito na nga sabi dapat yan." Iritadong puna ni Hilary kay Kun dahil sa kanila nakatoka ang pag-aayos ng tulugan nila. "Osige, oh ayan! Ikaw maglagay. Tss," padabog na ibinaba ng binata ang mga bitbit nitong nga kawayan.

"Ali name mo diba?" Tanong ni Yujin sa dalagang may bilugang mata na parang laging nagtataray. Nakatoka rin sila sa pag-aayos ng tulugan. "Oo, bakit?"
"Cute mo," sabi ni Yujin. Namula ang mukha ng dalaga dahil sa akala niyang papuri. "Cute size." Dagdag ng binata sabay halakhak. Nakatanggap siya ng irap mula kay Ali ngunit tinawanan niya lang ito ulit.

"Hoy," turo ni Reya kay Yujin "kesa nang-iinis ka jan, ikabit mo 'tong mga 'to sa labas. Oh, aangal ba?" Utos niya. "Beast mode," bulong ni Yujin.

"Hoy, narinig ko 'yon!" Sigaw nito sa nagmamadaling si Yujin. Napangisi si Jb na nag-aayos ng magiging higaan. "Anong nginingisi-ngisi mo jan?" Bulyaw nito kaya napabalikwas ang binata. Muntik nang matawa si Reya sa reaksyon ng binata ngunit pangangatawan niya ang pagiging masungit niya ngayon, kulang siya sa tulog kaya gaganti siya. Umiling   lang si Jb at lumabas. Naabutan niya roon ang kaibigang si Jay at iyong babaeng may maiksi at kulot na buhok na gumagawa ng apoy. Silang dalawa ang nakatoka sa pagluluto para sa agahan.

"Mali naman eh, ganito oh!" Masungit na turo ni Jay sa nakakunot-noong si Prey. Lumabi ito dahil hindi siya sanay sa ganitong mga gawain. Napangiti ang binata at napailing.


"So maghihiwahiwalay tayo?" Tanong Jr sa mga kasama niyang nakatoka para sa paghahanap ng pagkain para mamayang hapon at gabi. "Oo, mas mabilis ang ganito." Sagot ni cath.

"Okay, magdalawang grupo tayo. Kayong dalawa," turo ni Mark sa kanina pag nagbabangayang sina Jack at Sheng. Nanlaki ang hugis almond na mga mata ng dalaga, "With this pervert? No freaking way! Kakain na lang akong buhangin."

Napatawa ng malakas ang tatlong binata at sabay sabay na sinabing, "Talaga?"

Pulang-pula ang mukha ni Sheng, "Halika na nga!" At lumakad na para maghanap ng mga punong may bungang edible.

Jr, Cath and Mark decided to look for trees with nest. Sure kasing mga eggs doon, and they need protein. As for May, she was left at the hut. Puro sugat pa kasi siya. "They can be a cute couple," biglang bulalas ni Mark na sinegundahan ni Jr. Nasa likod sila ng naglalakad na si Cath, parehas silang napatingin sa dalaga. "Anong pangalan mo?" They both asked in chorus. "Cath," was her answer. She adjusted her eyeglasses as she ponted at the tree. "There! I saw a nest." sabay na napatingin sina Jr at Mark sa puno.

Cath volunteered to climb the tree she loved adventures so much, especially the ones in the books she read. Maliliit din kasi ang sanga ng mga puno at mukhang marupok, baka hindi kayanin ang isa sa mga binatang kasama niya. Wala nang nagawa sina Mark at Jr dahil nagmadaling umakyat si Cath. "There! We're lucky guys! These eggs are alot!" sigaw ni Cath habang inilalagay ang mga itlog sa front pocket ng kanyang hoodie.

Noong nakababa si Cath ay agad niyang napansin ang nawawalang libro na kanina lang ay naka-ipit sa kanyang kili-kili. "Nakita nyo ba yung libro ko?" palinga-linga niyang tanong. "Ayun! Yun yata yung nalaglag kanina eh." turo ni Mark sa librong di kalayuan sa puno. "Thank God! I treasure that book so much!" inilapag ni Cath ang mga itlog sa damuhan at pinuntahan ang libro. When she grabbed the book, she felt something devouring her foot. Isang kumunoy. "Oh my....." paimpit na sabi ni Cath. Luckily, she's got Mark and Jr to the rescue.

"You know what? You're cute." bulalas ni Jack na nagpahinto sa dalaga. "Hindi ka lang pala manyak, breezy ka pa!" pagsusungit niya."Ako, si Joaquin Enriquez III, breezy? Oh no darling." He said proudly. "I don't know your name so.. may I call you mine?" Then he winked.

"May pangalan ako, it's Sheng. So will you please shut up and just help?" She hissed at him. Hindi niya alam kung bakit pero asar na asar siya kay Jack lalo na sa aura nito.

"As you wish," sagot ng binata. Nagkasundo ang dalawang aakyat si Jack sa puno upang ito ang mamimitas habang si Sheng ang taga-salo. "Dalawa 'to, ha," sigaw ni Jack. Agad iyong sinalo ni Sheng nang makarinig siya ng kaluskos mula sa malapit na bushes. "Omg, Joaquin!" She called out. Nagpapanic na bumaba si Jack sa puno kaya't na-miss niya ang isang sanga. As cliche as it seems, parang nagslow mo ang lahat habang nahuhulog si Jack papunta kay Sheng.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon