Chapter 25

99 1 0
                                    

"Honey, wake up. Mag-breakfast ka na" gising ni Jr sa kaniyang asawa. "Yes..." antok na tugon nito. Tinabihan niya ito at hinalikan sa noo. "Napuyat ka nanaman ng mga libro mo." sabi ni Jr na may halong pagtatampo sa boses, "Ano ka ba, it's my happiness." his wife replied while pouting. "How about me?" he asked. "Hmm, you're my honey!" she exclaimed then hugged him tightly.


Bumaba sila sa kitchen, naghanda ni Jr ng almusal para sa kaniyang asawa. Ilang taon na kaming kasal pero hindi parin siya kumukupas. Isip ng asawa. He's still the sweetest guy she met. Umupo siya sa stool at naisipang ikwento sakanya ang panaginip niya, "Honey, I kept dreaming about this... Weird island," she said as she took a bite from her french toast.


"Gabi-gabi mong napapanagipan yan ah. Why don't you write a book about it?" he suggested. Tama sya, since writer na naman ito at benta na ang mga stories nito, she should write something different. Something surreal.


"Tinawagan mo na ba sila?" she asked him. "Yes, I did. Tinanong nga kung bakit di ikaw ang tumawag, sabi ko tulog ka pa," he said then chuckled.


"Nakakamiss siya, ano?" she said while hugging him. "He's like the best kid ever."her husband answered. "Sige na, maliligo na ako. Baka ma-late pa tayo." she said while untangling herself from him. "See you in a bit, Mr. Jose Romulo Ramos!" Cath yelled from the stairs. "Sure thing, Mrs. Catalina Ramos!" Jr yelled back.


Samantala, sa bahay ng mga Jimenez ay naghahanda na rin ang mag-asawa. Maya-maya kasi ay dadating ang kanilang mga kaibigan at magkikita-kita sila sa airport. Ito na lamang ang panahon na magkikita at magkakasama sila matapos ang mahabang panahon.


"Did they call, wife?" tanong ni Jb sa kaniyang asawa. He's a manager and his company makes furnitures. While his wife, helps him with his business and do her responsibility as his wife. "Yes, they did. Si Jr ang tumawag, tulog pa raw si Cath." sagot ng asawa.


"Parang madalas tanghaliin ng gising kapatid mo ah, baka buntis na yun." pabirong sabi ni Mr. Jimenez. "Gagi! Busy yun sa pagiging writer!" she said as she hit him playfully. "Eh, ang baby naman natin kamusta?" biglaan niyang tanong. Napapitlag ang kaniyang asawa at napatingin sa kanya.


"Don't lie Mrs. Jimenez." he said as he kissed her lips. Yes, she is three weeks pregnant. "Fine," anito sabay irap. "It was supposed to be a surprise!" she exclaimed. Hindi sila makapaniwalang magkakaanak na sila.


"I just hope nakilala niya ang tito niya." Reya said as she remembered someone. "We'll see him later, sunduin muna natin ang iba tapos dun na tayo dumiretso." Jb said as he kissed his wife's forehead.


Sa airport ay naunang nakarating ang mag-asawang Jimenez na sinundan ng mag-asawang Cath at Jr. Nagyakapan sila at hindi maikaila ang saya na nararamdaman nila sa muling pagkikita. Masyado kasing naging abala ang mga ito sa kanya-kanya nilang trabaho.


Maya-maya pa ay dumating na si Alicia na naging isang wanderlust, kasunod si Mark na kasama niya sa mga paglalakbay. "Ali! Oh my gosh! Look at you, you're so pretty!" Reya shrieked. Natawa naman ang dalaga. "Kamusta na kayo?" tanong ni Cath sa magkatabing Mark at Ali. Nagtinginan ang dalawa at dahang-dahang itinaas ni Ali ang kaliwang kamay nito.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon