"Where's my book?" ulit na tanong Cath. Nagkatinginan ang lahat. "Iniwan mo sa tabi ng bonfire." sagot ni Jr. "It's not there." nag-aalalang sambit ng dalaga. "Joaquin, nasayo ba?" sita ni Sheng kay Jack na nagulat at sumagot ng, "What? Bakit sakin mapupunta yun?" Napairap si Sheng, "You're the one who suggested to use her book kanina, diba?" inis na sabi ng dalaga. "Stop eyeing on me. I don't have it." nakasimangot na wika ni Jack.
"Baka may naglagay na sa loob ng hut." sabi ni May. Cath immediately barged inside the hut with Prey behind her, "Tutulungan kita maghanap." sabi ni Precy. They searched for Cath's treasured heritage together. Matapos ang ilang sandaling paghahanap ay nakita nila ito, and it was mixed with Reya's stuff. Filled with rage, Cath went out of the hut then confronted Reya. "Bakit nasayo 'to?" tanong ni Cath na pilit pinapakalma ang sarili. "What? Anong ibig mong sabihing nasakin yan?" gulat na tanong ni Reya.
Nasa kanila ang attention ng lahat, "Reya, nakita kasi namin sa gamit mo yung libro." pagpapaliwanag ni Prey. "H-hindi ko alam. Hindi ko naman ginagalaw yan eh." kalmadong saad ni Reya. Napapikit ng mariin si Cath. "Eh bakit nga nasa gamit mo? Ano yon, magic? Bigla-bigla mapupunta sa gamit mo?" Cath was out of control, kung gaano siya ka-kalma at katahimik ay siyang kabaligtaran pag ito'y nagalit.
"Wait, wait. Calm down." pag-awat ni Jb. "Ano ba kasing meron jan sa librong yan at nagkakaganyan ka?" tanong ni Jb kay Cath. Sandaling nagkatitigan ang dalawa, bigla na lamang umiyak si Cath. Tila ba pagod na pagod ito at gulong-gulo. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. "Kaya ba ayaw mong ipagalaw yung libro kanina kasi nasayo?" tanong ni May kay Reya. Agad itong nataranta at napayuko nang hindi makapag-paliwanag, "Hindi... Hindi ko alam." saad ng dalaga.
Tumahan si Cath, "Excuse me." anito sabay layo sa kanila. Hindi maintindihan ng lahat ang nangyari. Lalo silang naguguluhan. Susundan pa sana ni Mark si Cath ngunit pinigilan siya ni Prey, "Hayaan mo muna siyang makapagisip-isip. Baka napapagod lang yun." saad ng dalaga. "May point si Prey, she needs time to think." dagdag ni May. Sumangayon ang lahat ngunit hindi maalis sa mukha ni Reya at ng iba pa ang pag-aalala.
Naisip ni Jr na oo nga't mahalaga ang libro dahil nga pamana ito ng ina ni Cath ngunit bakit ganoon na lamang kalabis ang pagaalboroto niya. Bakit kailangang magalit ito, samantalang nariyan na naman at nahanap na niya ang libro. Ano ba talaga ang meron sa librong iyon at ganon na lamang ang pag-papahalaga ni Cath dito? Nagsisimula na siyang mainis sa inaasal ng dalaga dahil sa tingin niya, ito ay napakababaw. Pilit binuksan ni Jr ang pang-unawa niya dahil alam niyang kailangan siya ng dalaga upang maging sandigan, na sa kahit anong oras ay handa naman niyang gawin.
Kinagabihan ay nagtipon-tipon na sila para sa hapunan at para na rin pag-usapan ang lahat-lahat. Gabi na nga ngunit hindi pa rin nila napapansin ni anino Cath kaya't nagsimula na silang mag-alala ng sobra. Nasa tabi ni Jb si Reya na kanina pa walang imik. Unti-unti niyang hinawakan ang kamay nito at nginitian upang makampante ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Ile Magique
FantasySeven boys trapped in a magical island with nothing but their clothes and hopes on. Seven girls were delivered by a totem, hoping that the girls would be their way to escape. A taglish story that is fixed by destiny.