Chapter 13

41 3 0
                                    

ALICIA LOZANO'S POV

Ang hirap ng ganito, laging may hindi pagkakaintindihan sa grupo. Sa pag-aaway na katulad ng kanina lalong mapapatagal pa yung paghahanap namin dun sa mapa at susi. Nakakapagtaka lang dahil hindi halos pumapasok sa kubo si Reya, lagi nga lang sila magkatabi ni Jb, eh.


Abala ang lahat. Sina Mark, Jay at Jr ay masinsinang nag-uusap, habang naisipan naman nina Jack at Sheng na mangolekta ng mga bato para bumuo ng S.O.S. They could be a perfect couple. Hihihi. While the others were inside the hut and Cath was still nowhere to be found.


"Anong iniisip mo?" Kinilabutan ako dahil sa mainit na hiningang tumama sa aking tenga nang bumulong ang pinakanakakairitang nilalang na nakilala ko. Nilingon ko siya at inirapan, tinawanan niya lang ako at tumabi sa akin. Muli akong kinilabutan nang nagtama ang aming mga balat. I felt goosebumps all over me and my chest was thumping wildy.


Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko eh baka nasapok ko na siya sa mukha. This guy is really getting on my nerves! Bwisit talaga! Kung hindi lang siya---- kung hindi lang siya gwapo! Teka, no wait,  I didn't say anything!


Hinawakan niya ang noo ko at tila hinilot, "Nakakunot na naman kasi," he smiled. I feel like melting because of his stares. "Makakaalis din tayo dito, Ali. Always think in a positive way." His sudden approach made my heart warm. Ngayon lang niya ako kinausap ng ganito. I was stunned and speechless. Kaya imbis na maayos na respond ang maibigay ko ay tinawanan ko sya, which is very rare.  "Nilalagnat ka ba?" Nagtataka kong tanong at tiningnan siya ng masinsinan.


Tumawa siya ng malakas at sinabing, "You're so cute, Ali, seriously speaking." bago tumayo. It felt like something's inside my stomach making me giddy. Kinikilig ba ko?! "Joke. Cute size," he added while walking away, then he ran. Definitely not!


"Bwisit ka, Yujin!" I shouted while running after him. He deserves a punch in the face! Nahinto ako sa pagtakbo when I saw a small rock flying to Jr's direction. I think he was talking with Mark and Jay about the map and the key. Nalipat ang tingin ko kay Jack na may dalang mga bato na ilang layo lang sa likod ni Jr, kasama si Sheng. The rock hit Jr's head.


"What the fck!" Lumingon si Jr at nakitang tumatawa si Jack at Sheng. He was so furious. "Jack, ano ba?!" Napatingin kaming lahat sa direksyon ng gulat na si Jack. "Di mo ba kayang ilugar yang kalokohan mo?" Dagdag ni Jr.


Nakita kong napanganga lang si Jack sa tinuran ng kanyang kaibigan, "Dude, what are you talking about?" halata sa mukha nito ang pagtataka. Jr walked away after saying, "Stop acting like a kid."


Halata sa mukha ni Jack ang pagkainis, "What did I do?" narinig kong bulong niya kay Sheng. Nakita kong umiling si Sheng na may pagtataka rin kagaya ko.


When I was about to face Yujin, my eyes caught a figure near Jack and Sheng. A smirk was plastered on her face. May was smirking.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon