Chapter 3

72 6 3
                                    

Kitang-kita ang gulat sa kanilang mga mukha sa puntong naglapit-lapit sila dahil sa malakas na pwersa. Lahat ay napatulala. Nang mag-sink in sa kanila kung anong nangyari ay nabalisa ang lahat maliban sa dalagang nakahiga sa kama na hanggang ngayon ay tulog pa rin at si Cath na nagmula sa coffee shop.  Hawak-hawak pa rin ang paborito niyang libro.

Hayoong naghi-hysterical si Prey na siyang nagshoshopping kani-kanina lang, umiiyak si Ali na kanina'y kumakain lang habang nagcecellphone, si Hilary na kaninang nagtuturo at si May na naggigitara ay nakatulala lang kagaya ng mga binata at si Sheng na nakatapis ay biglang nagwala.

"Kayo," sigaw nito habang nakaturo sa mga binata "Kidnappers kayo! Walangya kayo. I'm gonna kill you all!" Sinugod nito ang mga lalaki at pinagpapalo ng hawak niyang tabo at halatang iiyak na.

"Shut up, please!" Sita ng dalagang si Reya na walang kamalay-malay sa nangyayari dahil natutulog pa rin ito. Unti-unti ay gumalaw ito at dumilat, lahat ng atensyon ay nasa kanya. "Ahhh! Nasaan ako?!" Nakakariniding tili nito. Napatingin si Reya sa paligid at walang sumagot dahil hindi nga nila alam kung nasaan sila.

Then suddenly ay may nakakasilaw na liwanag ang kumuha ng atensyon ng lahat, "Kayo ay may misyon." Nagpatuloy ang rebulto sa pagsasalita gamit ang malalim at nakakikilabot nitong boses. "Makinig kayong mabuti sa aking sasambitin, huwag ninyong palalampasin." Lahat sila ay buo ang atensyon sa pakikinig. "Pagkakasundo ang susi, pag nawala ay mahirap mabawi." Wika ng baritong boses.

Tumigil ang lahat, kumalma at nag-isip. Anong trip ba 'to?  "Anong nangyayari? Sino kayo?" nagsalita si Cath na kanina pa walang imik. Mukhang ganon din ang tanong ng iba pa niyang kasama dahil sa mga mukha nila na hindi maipinta at gulong-gulo. Mukhang walang may nais na mag-banggit ng pangalan ngunit ilang minuto pa ay nagpakilala ang isa sa mga babae. "Ako si May Cardenas." Napatingin ang lahat kay May, at lahat sila ay may naramdamang kakaiba.

Matapos ang ilang sandali ay humangin ng malakas. Sheng shivered, nakatuwalya nga lang pala ito at tanging tabo lang ang dala.. Napatingin si Prey sa kanya at sa hawak nitong mga paper bags at inabot sa kanya. Sheng saw how Jack's eyes lingered on her body. "Manyakis," sabay irap. Napangisi si Jack sa inasal ng dalaga and somehow, he felt happy that their companion increased. Bonus pa kasi babae ang mga ito.

Ayaw man nilang magpakilala sa isa't isa dahil mahalaga ang tiwala, and they don't even know where these other people came from but after the nerve-wrecking incident minutes ago, all of them knew what their mission is - to escape the mysterious island even if they have no idea how.

Ile MagiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon