Chapter Thirteen

13K 370 19
                                    

I am Mochi says: Update!! Wooh!! Tapos na ako sa first quarter ng story ko!! :)

Dapat kagabi pa 'to kao nag-brown out XD

Please do leave some comments~

Sa right si Ronel -->

***

     Pagkatapos ng usapan namin ni Naoya, dumiretso na agad ako sa dorm namin. Sabi ko sa kanya, bukas ko na sasagutin 'yong offer niya. Nagdadalawang-isip pa rin kasi ako. If I accept it, that means I'll staying at his place bilang isa sa Ace ng Clovers. Madali na rin akong mapagtsitsismisan dahil parang ang bawat Ace dito, walang privacy. If I don't accept it naman, I'll regret it for my whole life. Naguguluhan na ako!

     Gusto mo naman, 'di ba? Grab lang ng grab! Sayang naman.

     Shut up, mind! Lalo ka lang nagpapagulo.

     Chance na 'yan o! Papakawalan mo pa ba? Hihintayin mo pa ba si Julia na unahan ka?

     'Di ba, sabi ko manahimik ka? Ano ba sa word na manahimik ang hindi mo alam?!

     "Uhm... Yuya, ok ka lang?" tanong ni Runo habang kumakain ng Gummy Bears at hawak ang pink nitong bear.

     "O-ok lang. Ba't mo natanong?" Kumagat ako sa hawak kong Goya dark chocolate.

     "You're talking to yourself, Yuya. Kanina pa," sabi ni Xio habang nasa bibig pa ang kutsara. Kumakain siya ng ice cream.

     "And we were thinking kung may sira na ba ang precious brain mo," dagdag pa ni Ronel na nakain naman ng Cracklings. At napaka-straight forward niya talaga. Alam nga ni Arjhay na crush siya ni Ronel kasi sinabi ng huli sa kanya. Lakas ng loob!

     "Alam mo bang sintomas na 'yon? Should we bring you to a psychiatrist?" tanong ni Xio.

     "Adik ka?! Intrapersonal communication 'yon ang tawag do'n, 'no?! Intrapersonal!" sabi ko sa kanila.

     "Whatever," sabi na lang nila at bumalik sa ginagawa. Xio was watching Koreanovelas sa laptop niya; Runo was watching animés entitled Clannad and guess what? Paiyak na siya.. Lastly, si Ronel na nagbabasa ng librong entitled The Teahouse Fire written by Ellis Avery.

     Well, alam ko na desisyon ko! Sasabihin ko na sa kanya!

*

     Monday. Excuse lahat ng kasali sa Theatre Club para sa audition. We're currently waiting for the lead actor na magiging isa sa judge. Halos nasa forty rin kaming mga mag-o-audition at ang makukuha lang ay lima. Isipin mo nga 'yon! Mahihirapan talaga kami makapasok sa play at kaya maraming magta-try ay dahil sa ang mga kasali ay exempted na sa incoming periodical exams sa MAPEH, Filipino at Social Studies.

     Bale dalawang lalaki at babae ang kukunin nila. Kahit hindi masyadong maraming exposure, mapasama lang ako! Hindi na 'to para lumimot, para 'to sa exemption!

     Many people gasped. Anong meron?! Paglingon ng ko'y nanlaki ang mga mata ko. Si Arjhay!

     "'Yan na pala ang lead actor eh," nakangiting sabi ng Art Club president.

     "Mag-ready na kayo!" sigaw sa'min ng Creative Writing Club president.

     Nag-ready na kaming lahat. Pang-sixteen pa ako. Pinanood ko lang ang mga kumakanta every now and then, at masasabi kong ang gagaling nila kasi may emotions silang naipapakita while singing. Hindi ko mapigilang humanga at the same time, kabahan.

     Pinalitan ko na rin ang kantang kakantahin ko. Maya-maya'y tinawag na ang pangalan ko. Hirap pa akong umakyat sa maliit na entablado. Alam n'yo na kung bakit, 'di ba? Medyo kumikirot pa kasi eh.

Crown 1: The Four AcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon