Tiningnan ko lang ang papalayong taxi na sinakyan ni Yuya. Siguro ayaw niya ako makita ngayon.
Anong siguro?! Baka ayaw kamo niya talagang makita!
Ang tanga ko rin kasi, e. Dapat ay nag-stay na lang ako sa tabi ni Yuya. Nang makita ko kasi si Yza sa parking lot ay agad ko siyang kinausap. We talked a lot that I forgot Yuya. Then all of the sudden, she kissed me. Shocked ako, yes! Pero I couldn't deny na nagustuhan ko rin iyon. Noon pa man ay iniisip ko na kung ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ni Yza. Kaya naman sinagot ko ang halik niya...
Which I regret so much. Dahil nang marinig ko ang boses ni Yuya, my heart skipped a beat. Nang makita ko ang hurt expression niya, my heart is like tightly squeezed by something and I felt the want to comfort him. Nang pumasok sa utak ko na ako ang dahilan niyon, the wants to comfort him became worse. At nang iwan niya ako, I want to kill myself.
"Naoya, 'wag mo na siyang habulin," sabi ni Yza before clinging on my arms.
"Don't touch me! Leave me alone!" singhal ko sa kanya.
She flinched. "Y-you'll leave me because of that fag? Isa lang siyang bakla!"
"Don't talk things about him like that! Dahil ang sinasabi mong isa lang bakla..." sabi ko, giving emphasize to 'lang.' Tinitigan ko siya sa mata. "...ay ang taong mahal ko!"
"N-Naoya, I--"
"Just go, Yza. Bago ko kalimutang may pinagsamahan tayo."
Kusa na rin siyang umalis. Ako nama'y ginamit ang aking kotse papuntang Crown, praying na sana'y nakauwi na rin ng maayos si Yuya at sana ay hayaan niya na rin akong magpaliwanag. Pagdating sa Crown ay nagmamadali akong bumaba ng kotse at pumunta ng dorm namin.
Pagdating ko sa dorm ay nakita kong bukas ang pinto. Expecting Yuya, I excitedly entered our room just to find out there's no Yuya inside the room.
Something crossed my mind kaya naman patakbo kong tinungo ang cabinet namin. I sighed in relief when I saw Yuya's clothes.
I waited for him. Hanggang sa katulugan ko na ang paghihintay.
Kinabukasan ay maaga akong binulabog ng isang katok. Mabilis ko itong tinungo at binuksan. Pero ang excitement na nararamdaman ko'y agad ding nawala.
"O, bakit, Rommel?"
"Pinapatawag ang mga Aces ng principal," sagot naman nito.
"A, ok," tinatamad kong sagot.
"Bakit ka gan'yan, p're?" Bigla itong ngumiti ng nakakaloko. "'Wag mo masyadong pinapagod si Yuya, a!"
Sasagot pa sana ako nang umalis na ito sa harap ko habang tumatawa.
Sana nga gano'n...
I took a quick bath , then nagsuot ng lime green polo shirt, black slacks at green converse.
Pumunta ako sa principal office. I saw the expressionless Arjhay, ang halatang kulang sa tulog na si Ronald, at ang nakangiting si Drake. Wait! Nasaan si Trevor?
"Nandito kayo para sabihin na gusto kong pangunahan niyo by a speech ang closing ng intramurals,"sabi ng principal. "And kung mapapansin niyo, si Drake na ang bagong Ace ng Clubs. Nag-drop out na si Trevor."
Nagulat ma'y hindi ko na pinahalata. Pagkatapos ng walang kabuhay-buhay na sinabi ng principal about the intramural week na tumagal ng halos dalawang oras, umalis na rin ako do'n.
"Hi, Naoya," bati sa'kin ng isang babae, smiling seductively.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hi, Naoya..."
"Hi!"
"Naoya!"
"Hi, handsome."
"Hi, cute little thing."
Naiinis na ako sa pagbati ng lahat. Puro seductive ang dating, some was showing their legs and cleavages. I was like, "What the hell?! May Yuya na ako!"
"Hi," bati sa'kin ni Julia, hooking her arm.
"What do you think are you doing?!" singhal ko sa kanya na may sapat na lakas para makakuha ng atensyon. Rude kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Hiwalay na kayo ni Yuya, right? Tama lang iyon dahil hindi naman kayo bagay. Isang baklang--"
Napasinghap ang marami sa ginawa ko. Hindi ko rin akalaing masasampal ko siya. Pero hindi ako nagsisisi. Hindi na magandang biro ang lumalabas sa bibig niya. Hindi kami maghihiwalay ng YuBabes ko!
Pero paano kung mapagod na sa'kin si Yuya?
Tinalikuran ko na siya. Mabilis kong tinungo ang dorm namin. Pagpasok ko ng building ay sinalubong na ako ni Rommel. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Naoya, si Y-Yuya..."
"Nasaan siya?!" sigaw ko that made him flinched and the people around us avoid my gaze.
Mabilis kong tinungo ang kwarto namin. Para akong nanghina nang makitang nakakalat ang mga gamit ko at wala ng gamit si Yuya... Iniwan na nga niya ako.
BINABASA MO ANG
Crown 1: The Four Aces
RomanceHighest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano niya pakikibagayan ang lahat lalo na ang apat na lalaking dahilan ng magulo na niyang buhay?