Magkakasama pa rin kami sa bahay nina Eon. Eleven na ng gabi pero ayaw pa kaming pauwiin ng mag-asawa. Hindi namin alam kung bakit.
"Hanggang anong oras ba tayo dito?" bored na tanong ni Hebe habang nakatingin sa hawak niyang baso ng juice.
Bigla namang humikab si Julia. Sa tabi nito'y tulog na sina Eos, Drake, Bliss at Xerun.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Annie kay Ronald habang nakayakap ang una sa huli.
"Maya-maya," medyo uneasy na sagot ni Ronald. Bigla naman siyang hinalikan no'ng babae.
Bigla akong napatingin kay Ronel. Blanko ang ekspresyon nito pero nakatingin sa dalawang naghahalikan.
Natigil lang dalawa nang walang paalam na tumayo si Ronel, his shoes made a stud sound. Mabilis itong naglakad palabas ng bahay.
Si Ronald nama'y parang sising-sisi sa nangyari.
"Sundan ko lang ang kapatid ko," sabi ni Rommel saka tumayo. "Baka kasi kausapin no'n 'yong mga halaman do'n, magmumukha siyang tanga." Tumingin ito kay Ronald, isang malamig na tingin. "Ayoko pa namang pinagmumukha siyang tanga." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mabilis na rin siyang umalis at sinundan ang kapatid.
After three or four minutes, tumayo ako. Pumunta ako sa gawi ng kusina dahil nakarmamdam ako ng uhaw. Kumuha ako ng isang pitset ng malamig na tubig sa ref at nagsalin sa baso.
Pagkatapos kong uminom ay ibinalik ko ang pitsel sa ref at tinungo ang lababo para doon ilagay ang nagamit kong baso.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" tanong ng isang malamig na boses. "Hindi tuloy ako nakapaghanda."
"Kanina ko lang din kasi nalaman," sagot naman ng isa.
Sinilip ko sila sa bintana. Nakita kong nakaupo ang dalawa sa may tapat ng pond. Nakahilig ang ulo ni Ronel sa balikat ni Rommel.
"Kung alam ko lang, sana--"
"Shh," pagpigil ni Ronel dito. "Ok lang. Wag mong sisihin ang sarili mo." Bigla itong tumawa ng mahina. "Akala ko kasi nakalimot na ako. Walong taon na ang lumipas pero tingnan mo, nasasaktan pa rin ako."
"R-Ronel..."
"To fall in love takes only a second, but to forget someone takes seems like a lifetime. It's illogical. Well, life is illogical."
Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Bakit? Dahil totoo ang sinabi niya na ang buhay ay ilohikal. Tingnan nga niyo't minahal ko si Yuya simula nang sagutin niya ako ng pabalang sa Crown Academy. Lumipas ang walong taon na wala siya pero mahal ko pa rin siya. At alam kong siya lang mamahalin ko.
Naiiling akong ngumiti. Pero agad din nangulila kay Yuya. Bumalik na lang ako sa sala.
"Andito na siya!" biglang sigaw ni Eon nang may parang may humintong sasakyan sa labas.
Mabilis itong tumakbo sa palabas ng bahay kasama si Jigo. Pumasok naman sina Rommel nang nakangiti. Konting paghihintay pa ay dumating ang isang taong hindi namin inaasahan.
"Xio!" sigaw ni Hebe na ikinagising ni Eos. Agad itong yumakap sa bagong dating.
"Xio!" Napakusot naman ng mata si Eos at nang makumpirmang totoo ang nakikita ay tumili ito. "Bakla!" Tumakbo ito kay Xio at yumakap.
May sinenyasan naman si Xio sa labas. Pumasok naman ang anim na lalaki. Halos magtitili naman ang mga babae dahil sa angking kagwapuhan ng mga ito.
Napatingin ako kay Rommel. Kita sa mukha niya na sobrang saya niya. Pero biglang nawala saya nito na aking pinagtaka. Pagtingin ko sa gawi ni Xio'y may nakaakbay na rito.
"Ey!" masayang bati ni Xio. Tinanggal nito ang pagkakaakbay no'ng lalaki at yumakap kay Ronel.
"Kumusta biyahe, Way?" tanong ni Ronel no'ng naghiwalay sila.
"Okay lang, Ey. Sana ay makauwi na rin sina Em at Ay para bonding tayo," sagot ni Xio.
"Wait!" sabat ni Hebe. "Ey? Way? Who's Em and Ay?"
"Ey means Akazawa; Way means Yu. Yong Em at Ay means Mochizuki at Ichinose, sina Runo at Yuya," sagot ni Ronel.
"Nga pala. I forgot." Lumapit si Xio sa mga kasamang lalaki. "This is my groupmates, guys. Justin, Lei, Yoru, Ran, Vann and Mik, these are my friends Eos, Hebe, Eon, Jigo, Ronel, Xerun, Drake, Bliss, Julia, Naoya and... Rommel," pagpapakilala niya.
Muling umakbay kay Xio 'yong Vann. "Hi."
Lumapit naman 'yong Mik kay Ronel. "Hi. You must be Ronel?"
"Y-yeah."
"Xio's right. You're cute."
Namula naman ang mga pisngi ni Ronel at napayuko sa hiya na ikinatikhim ni Ronald. Masamang tingin ang ibinigay ni Ronald sa dalawa.
"Okay ka lang, Ronald?" tanong ni Annie.
Here comes trouble!
BINABASA MO ANG
Crown 1: The Four Aces
RomanceHighest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano niya pakikibagayan ang lahat lalo na ang apat na lalaking dahilan ng magulo na niyang buhay?