Chapter Thirty Four

7.9K 226 4
                                    

I am Mpchi says: Nakapag-update din and gah! Nahihilo ako xD Haha.

***

Nakatingin lang ako sa harap ng computer ko. Tinitingnan ko ang file na s-in-end sa akin ni Jona tungkol sa bagong proyekto o advertisement pero wala doon ang atensyon. Nakatingin lang ako, tapos.

After eight years, muli kong nakita si Yuya. Na-miss ko siya ng sobra. After all this years, siya pa rin ang taong gusto ko.

"Yong pabango ko," sagot niya sa akin that time.

Lihim akong napangiti. Alam ko naman talaga iyong pabango na iyon e. Paborito ni Naoyuki iyon sa babae. At dahil Wonderstruck ang gamit niya, paborito ko na rin iyon.

"Ah..." 

Iyon lang ang nasagot ko pero pinagsisihan ko iyon ng sobra. Pumatlang kasi ang isang nakakailang na katahimikan.

Nakaramdam ako ng kaba. Nagpawis pa nga ang kamay ko e. Pero syempre, pagkakataon ko na ito. Ang tanga ko kapag pinalagpas ko pa ito.

At hindi ako tanga.

"K-kumusta na?" nahihiyang tanong ko.

"Okay lang," pormal niyang sagot. "Ikaw?"

"Well, I'm doing great." And thank God naitago ko ang kaba sa pinapormal kong boses. And me? Doing great? How I wish I really am doing great.

"I see."

At muling namagitan sa amin ang isang nakakailang na katahimikan. Hindi ko ma-appreciate ang ganda ng langit sa mga oras na iyon dahil sa kaba.

"I--"

"So--"

Napatingin kami sa isa't isa at napatawa dahil nagkasabay kami sa pagtawa.

"Ikaw na mauna," paubaya niya sa akin.

"No, you go first," tanggi ko naman.

"Ikaw na nga. Period."

Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Napahawak pa ako sa tiyan at naluluha na rin ako sa pagtawa.

Nang maka-recover na ako, tinaasan niya ako ng kilay at sabay tanong ng, "Tapos ka na?"

Tumawa muna ulit ako ng kaunti bago nagsalita. "Sorry. May pa-period period pa kasi e. Parang bata." Napatawa ulit ako ng kaunti. "Anyway, you go first."

"Fine," sagot niya na may halong inis. Bigla niyang inilahad ang kamay niya sa harap ko. "So, friends?"

So, friends?

Natigilan ako. Nag-echo sa utak ko ang dalawang salitang iyon na dahilan ng milyong sakit na nararamdam ko. Nasaktan ako na friendship na lang ang kaya niyang ibigay sa akin.  Bago pa siya makahalata ay binago ko na agad ang ekspresyon ko at pilit na ngumiti. Tinanggap ko ang kamay niya.

"Friends," nakangiting sagot ko kahit na nasasaktan ako.

Siya na rin ang unang bumitaw sa amin at tumanaw sa paligid. He sipped on his red wine bago muling lumingon sa akin.

"Ano nga pala iyong gusto mong sabihin?" tanong niya.

"Ah, ayon," kabadong sagot ko. "W-wala iyon."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala? Kung binabatukan kaya kita diyan?"

Lihim akong napangiti sa naging response niya. Para kaming hindi naghiwalay. Para kaming noong high school kami. Para kaming noong mga araw na komportable kami isa't isa.

Sa totoo lang, gusto kong magalit sa kanya. Alam kong umalis siya hindi lang dahil sa halik. Alam kong mas malalim pang dahilan pero ano pa nga ba ang halaga kung uusisain ko ang nakaraan?

"O? Hindi ka na nakasagot," sabi niya na nakapagpagising sa akin.

"Ah. I-I..." want us to be together again. Ayan talaga ang sasabihin ko dapat kanina pero napangunahan ako ng friendship niya.  "I-I... I am happy to s-see you again.." 

"Thank you. Ako rin."

Napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala. You mean, he is also happy to see me?

And that makes my heart gone crazy...

Lalo pa noong ngumiti siya.

Then the wind breezes gently and like a broken player, paulit-ulit kong nakikita sa balintataw ko ang maganda niyang ngiti. Hindi ko rin makalimutan ang epekto noon sa akin. It is something soothing.

At doon nagtapos ang pag-usap namin. Dahil sa isang ngiti niya, natulala ako at hindi ko na namalayang nakaalis na pala siya.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok ang sekretarya kong si Jona.

"Sir, may meeting po kayo with Mr. Yamada in five minutes."

"Thanks, Jona, for reminding me. You can now back to your post."

Yumuko naman ito bago umalis. Inayos ko naman ang mga papeles na nasa table ko at pinatay ang monitor ng kompyuter ko.

Mabilis ko namang tinungo ang conference room.

*

"I know your company will be the perfect advertising company to help us promote our product here in the Philippines," sabi ni Mr. Yamada. "I actually send my son with our stars to direct the whole commercial."

Binabasa ko ang proposal ni Mr. Yamada habang nakikinig. Chocolate candies ang produkto nila na ipo-promote sa Pilipinas.

I keep on scanning the file when something caught my interest. Napangiti ako ng bahagya.

Nag-angat ako ng tingin at tumango kay Mr. Yamada. "Ok, we'll do this."

"Oh, thank you. Thank you," pasasalamat nito habang yumuyuko sa akin.

Nagpaalam na itong aalis kaya naman tumayo ako at nagpaalam na rin. In a month, dapat matapos na namin ang project na ito.

Pagkaalis ni Mr. Yamada ay muli akong napatingin sa proposal na hawak ko at binasa ito ng medyo may kalakasan.

"Ui Fuwa... Yuya Ichinose..."

Silang dalawa ang endorser ng chocolate candies ni Mr. Yamada.

Kung ganoon, bakit kasama nila si Shou?

Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko at muling natuwa dahil makakasama ko sa trabaho si Yuya for a month. Hindi lang ang project kung ma-accomplish.

Pati ang pagpapaibig si Yuya.

Crown 1: The Four AcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon