December 16
Isang napakasaya at memorable na araw para sa akin. Isang araw na masasabi kong maswerte ako.
Currently, nasa New York kami at ito ako ngayon sa tapat ng isang simbahan. It showered a little in the morning. Buti na lang ay agad namang tumigil yon.
Wala rin namang aberyang nangyari these weeks. Everything is perfect: from the sunflower used as decorations (which is bawal mawala), the venue is filled of yellow and white (which is the motif by the way) and the whole place feels so magical. Everything goes smoothly; everything goes according to plan.
Lahat din ng mahahalagang tao sa buhay ko ay nakadalo sa espesyal na araw ko.
Si Mom at Dad na tinanggap ang pagkasino ko. They are the coolest parents ever.
Si Tetsuya-nii-san at ang bunso naming si Aya na masaya ako na naging mga kapatid ko kahit hindi kami masyadong nakapag-bond.
Si Kuya Alec na kahit ampon e, mahal ko bilang kuya ko.
Sina Runo, Xio, at Ronel na nagpasaya, nagpatawa at nagpaiyak sa akin noong high school days namin at masasabi kong hanggang ngayon.
Si Memphis na kahit minsan lang ngumiti e, naging mabait sa akin.
Si Eon at Jigo kasama ang kanilang anak na kahit busy ay dumalo.
Si Eos at Drake na dumalo rin kahit na busy rin sa pagpaplano ng kasal nila.
Si Bliss at Xerun na dumalo rin kahit na hindi ko sila ganoon ka-close.
Si Julia at Hebe na busy sa kani-kanilang trabaho pero nagawang isingit ang araw na ito sa schedules nila.
Si Rommel at Ronald na napilitan lang pero heto't nakangiti at gwapong gwapo ang dating.
Si Trevor at Arjhay na kasama ko sa seven years ko sa Japan, which is thankful ako na natagalan ko ang kalandian nilang dalawa.
Si Yna kasama ang asawa at mga anak niya. Naging dahilan man siya ng paghihiwalay namin noon, ang nangyari nama ang naging dahilan para tumatag ang pagmamahal na nararamdaman namin noon.
Si Ui na dumalo rin kahit na may tampo sa akin dahil kinain ko ang ice creams niya noong isang araw.
Si Kyuri na naging kaibigan ko rin dahil Swiftie rin siya.
Si Shou na matagal nawala dahil nahanap na raw ang taong gusto niya, nag-isip lang daw siya ng moves.
At syempre ang mga magulang niya mismo.
Nag-umpisa nang tumugtog ang organ, hudyat para mag-umpisa na ang entourage. Bigla akong nakaramdam ng kaba at saya. Sumenyas sa akin ang coordinator. Nag-umpisa na akong maglakad.
Gusto man naming maging pribado ang araw na ito ay hindi namin magawa. Naging star-studded kasi sa dami ng celebrities na um-attend. Dahil ito sa sinabi ni Naoya sa interview three months ago.
"So, Naoya, anong masasabi mo sa mga kumakalat na balita? People say that you two only act, na ginagamit mo lang si Yuya para matakpan ang totoong katauhan ng fiancee mo. What can you say about that?"
"Well, yes, umaarte kami," sagot ni Naoya.
Tumigil ang mundo ko at nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Nakaramdam din ako ng paninikip ng dibdib.
Umasa pa man din akong sasabihin na namin sa lahat. Ano ito? Laro lang?
"You mean totoo ang kumakalat na balita?" tanong ni Nika.
"Paniwalaan niyo ang gusto niyong paniwalaan," sabi ni Naoya na ikinatingin ko dito. "Sige na, umaarte kami just to satisfy your questions and doubts. But I'm telling you, five years, ten years, twenty years or even fifty years, hindi kami magsasawang umarte. Batikusin at talingkuran man kami ng lahat, aarte at arte pa rin kami. We'll act like lovers because we really are lovers. Baka nga lang kayo magsawang manood."
Natawa ang dalawang host sa sinabi niya. Ako nama'y natulala sa kanya. Does it mean inamin na namin sa lahat indirectly?
"It only means that Yuya is your fiancee, Naoya. Right?"
"Yes," sagot ni Naoya na ikinagulat ng ibang audiences. Ngumiti si Naoya. "Actually we love each other for nine years."
Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang iabot ni Dad ang kamay ko sa gwapo kong groom.
"Ingatan mo ang anak ko a? I trust you, Naoya," bulong pa ni Dad na tinanguan at nginitian ni Naoya.
Dinala ako ni Naoya sa altar at nag-umpisa na ang seremonya. Pumikit kami habang nakaluhod sa pew.
Maraming sinabi ang pari bago kami ng exchange ng vows.
"You may now kiss your partner."
Isang sentence na nag-seal ng katotohanang mag-asawa na kami.
*
"Ayu!"
Narinig ko ang yabag ng mga paa pababa ng hagdan. Maya maya pa'y pumasok na sa kusina si Ayu.
"Good morning, pops," bati nito sa akin.
"Morning," sabi ko habang inihahanda ko ang almusal namin. "Kumain ka na at parating na mamaya lang si TJ."
Umupo na rin agad ito sa upuan nito.
"Good morning, hon," bati ng gwapo kong asawa. "Kumusta ang umaga mo?" tanong niya saka lumapit sa akin at hinalikan ako.
"Ok lang naman," sagot ko sa kanya. "Kumain ka na."
Maya-maya pa'y may bumusina sa labas. Mabilis ko itong sinilip sa bintana. Nakita ko ang kotse nina TJ.
"Ayu, nandyan na si TJ."
Mabilis na tumayo si Ayu, pumunta ng kwarto para siguro kunin ang gamit nito. Nang makababa naman ito'y hinatid ko ito palabas.
Sumakay ito sa backseat, sa tabi ni TJ. Tiningnan ko kung sino ang nasa driver's seat.
"Wow!" bulalas ko sa sobrang gulat. "Himala ata na ikaw, Trevor ang maghahatid sa dalawang to. Nasaan si Arjhay?"
Bumuntong-hininga ito. "Ayon, nag-stay sa bahay para alagaan si Treyden. Agang nagising e."
Tinawanan ko lang siya ng bahagya.
"Sige, hatid ko na itong dalawa."
"Sige!"
Hinintay ko muna itong mawala sa paningin ko bago bumalik sa bahay. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay biglang may humalik sa akin. Narinig kong bumungisngis si Naoya.
"Seriously? Ang aga aga mong mangmanyak, hon," sita ko dito.
"Ito namn," sagot niya sa akin. "Naglalambing lang e. Alis na nga pala ako."
"Sige, galingan mo sa trabaho ha?"
Binatukan niya ako. "Baliw! Ginawa mo naman akong bata."
"Oo na!" natatawa kong asar sa kanya. "Umalis ka na nga."
"Ang sweet mo talaga," sarkastikong sabi niya na nakangisi. "Bye, hon."
"Bye."
At iyon nga, umalis na siya. Narinig ko ang pag-start ng engine ng sasakyan niya. Binuksan ng isa sa maid ang gate.
Ngayon, masaya ako sa piling ni Naoya kasama ang anak naming si Ayu. Tumigil na ako sa show business at nanatili na lang sa bahay. Pero I tried to be productive and here, nagsusulat na ako ng mga pocketbooks. Nine years na rin kaming nagsasama ni Naoya.
At masasabi akong swerte ako. Swerte ako dahil minahal ako ni Naoya.
BINABASA MO ANG
Crown 1: The Four Aces
Lãng mạnHighest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano niya pakikibagayan ang lahat lalo na ang apat na lalaking dahilan ng magulo na niyang buhay?