I am Mochi says: UPDATE! Sorry ngayon lang, Enjoy na lang dito. Hindi ganon kahaba pero okay na xD
***
"What's with sudden decision?"
Napatingin ako sa taong nagtanong sa'kin. Nakasandal siya sa hamba ng pinto habang nakatingin din sa'kin. Medyo seryoso rin ang itsura nito.
"Job." Binalik ko ang tingin ko sa ref at binuksan ito. "For a commercial," dagdag ko habang kumukuha ng orange juice.
"In all places, why Philippines?" tanong niya ulit. "Hindi ka ba nangangamba na magkita kayo, Yuya?"
Napatigil ako sa pag-inom. Bakit hindi ko agad naisip na baka nga magkita kami? Ready na ba ako if ever?
Tinuloy ko muna ang pag-inom. Nang na-satisfy ko na ang uhaw ko ay inilapag ko na lang baso sa mesa at tumingin sa kanya.
"Malaki ang Pilipinas. Hindi kami basta-basta magkita, Trevor."
Tama. Si Trevor ang kausap ko ngayon. Halos walong taon na kaming laging magkasama pero masasabi kong walang namamagitan sa'min dahil may karelasyon ito.
Second week ko palang sa Japan at nine days palang ang nakakalipas nang ako'y operahan, hindi inaasahang magkikita kami ni Trevor sa isang amusement park. Simula no'n ay siya na ang lagi kong kasa-kasama. After three months and so, umamin siya na gusto niya ko pero sinabi ko sa kanyang hindi ko maipapangako na maibabalik ko ang nararamdan niya. After two months (which means five months na kaming magkasama), tinanggap niya na hanggang kaibigan lang kami. After seven months, masasabi kong naka-move on na siya dahil nahanap na niya ang taong mahal niya. Bilang isang kaibigan naging masaya ako para sa kanya.
"Malaki man, posible pa rin kayong magkita," katwiran niya.
"Alam kong hindi 'yon maiiwasan. Pero pupunta ako ng Pilipinas dahil sa trabaho ko, hindi para sa kanya," katwiran ko rin.
Napabuntong-hininga siya. "Fine." Tumayo ito ng tuwid saka umupo sa katapat kong upuan. "Alam na ba ni Kuya Alec ang pag-alis mo?"
Si Kuya Alec naman ang taong inampon namin. Siya ngayon ang namamahala ng kumpanya simula nang naisipan ng mga magulang ko na mag-stay na lang sa bahay three years ago. Actually dapat ako ang pagha-handle-in ng kumpanya pero tinanggihan ko ito at pinasok sa mundo ni Tsuya-nii-san: ang showbiz. Naging madali ang lahat sa'kin dahil sa pangalan ni Nii-san. At dahil din sa propesyon ko, mas lalong naging protective ang dati nang protective na si Kuya Alec. Inaalam niya ang lahat ng gagawin, projects at pupuntahan ko na para raw sa kaligtasan ko.
"Hindi pa. Siguro mamaya na lang."
"Sama kaya kami sa iyo ni Bhie?"
"Sama saan, Dhie?"
Sabay kaming napalingon ni Trevor sa bagong dating. Tumayo si Trevor at hinalikan ito sa labi bago akbayan.
"Saan ba pupunta si Yuya?" tanong ulit nito.
"Sa Pilipinas," nakangiti niyang sagot.
"Pupunta kang Pilipinas, Yuya? Kailan?" baling nito sa'kin.
"Next week," sagot ko rito. "So sama ka, Arjhay?"
Tama, si Arjhay ang karelasyon ni Trevor. Nagkita ang dalawa seven years ago. Hindi ko alam kung saan and the rest is history.
BINABASA MO ANG
Crown 1: The Four Aces
RomantikHighest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano niya pakikibagayan ang lahat lalo na ang apat na lalaking dahilan ng magulo na niyang buhay?