I am Mochi says: Maikling update.. Para lang masabing ongoing pa :P
***
Nagising akong masakit ang puwetan ko. Pinilit kasi ako ni Naoya na gawin namin ang ginawa namin kagabi. Syempre, ayoko hanggang sa hinalikan niya ang earlobe ko at batok. Alam mo 'yong feeling? Nag-init ako, dre! 'Yon pala 'yong meaning niya sa nag-iinit siya.
Then boom!
Bumigay ang lola at nakatatlo 'ata kaming round. Ayoko talaga, 'no? Halata ba?
So, ito ako sa auditorium for our last rehearsal ng play. Mamaya na kasi ang play at nae-excite ako. By the way, hindi ko na nga pala kaaway si Bliss since 'mabait' naman daw ako. Iyon naman ang kinagalit ni Julia. Inaagaw ko na raw ang lahat ng kanya. Aba! Kung magsalita! I-check niya kaya kung kanino nakapangalan ang condo niya! Baka naagaw ko na rin. At hindi niya naman pag-aari sina Naoya at Bliss at the first place. Everyone owns no one.
Kahit na hirap pa akong maglakad ay pinilit ko pa ring pumunta sa huling practice ng Theatre para sa play namin na gaganapin na mamaya. Actually, this day ay masaya ako. Naimbitahan kasi akong mag-perform sa Intrams sa Friday. Kakanta raw ako para sa closing.
Actually, kinakabahan na ako para sa play namin mamaya. Baka kasi malimutan ko ang script ko or matapilok ako. Pwede ring pumiyok ako sa kanta ko. Konting polishing na lang daw at okay na ang performance namin kaya anaman todo ang ensayo namin.
*
Naoya's POV
Puno ng tao ang quadrangle dahil na rin sa malapit nang mag-umpisa ang 'The Goddess's Love.' Syempre, nandito na rin ang mga kaibigan namin ni Yuya para manood sa play na isa siya sa main cast. Proud ako na ako ang boyfriend n'yan!
"The play will start in a minute."
Tumahimik naman ang lahat nang malamang mag-uumpisa na pala ang play.
*
Third Person's POV
"Ken, halika't maghanap ng mga makakaing hayop sa gubat," aya ni Kean na ginaganapan ni Xerun. "Malapit na ang tag-lamig at alam nating mawawalan ng halaga ang iyong mga itinatanim."
Tumango na lamang ang tahimik na si Ken na ginaganapan ni Arjhay.
Sabay silang pumunta sa loob ng isang gubat. Halos kalahating oras na rin silang naglalakad pero wala pa rin silang matagpuang hayop na maaaring kainin. Nagpasyahan nilang maghiwalay ng daan.
Kahit kabado'y pinasok ni Ken ang gubat at naghanap ng hayop. Inikot niya ang pasikot-sikot ng gubat. Hanggang sa nakita niya ang isang babaing natutulog sa lilim ng isang puno. Agad niya itong nilapitan at pinagmasdan ang mukha. Nahulog naman agad ang kanyang loob dito dahil sa angkin nitong ganda,
Unti-unting nagmulat ng mata ang dalaga. Nakita niya ang isang pares ng mata ana nakatingin sa kanya. Isang pares ng mata na parang hinihigop siya.
"A-ah... Pasensya na. Hindi ko gustong gisingin ka," hinging paumanhin ni Ken.
"Ayos lamang iyon. Ako nga pala si Taha. Ikaw? Ano ang pangalan mo?" tanong naman ng babaing nagngangalang Taha.
"Ken. Ken ang ngalan ko."
Nagkwetuhan ang dalawa hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras at pagabi na pala. Pero hindi ito naging dahilan para maghiwalay na sila bagkus ito pa ang naging dahilan para magkasama pa sila ng matagal. Madali namang nagkagaanan ng loob ang dalawa.
Lumipas ang isang linggo at naging mas malapit ang dalawa sa isa't isa.
Nakita ito ng isang babae na malaki ang inggit kay Taha, si Noh. Tiningnan lang niya ang gagawin ng dalawa hanggang sa ang dalawa ay naghalikan. Iyon ang naging hudyat para umalis siya sa lugar na iyon at tunguhin ang tahanan ng mga Diwata ng lupa at agrikultura.
"Mahal na Diwata ng Lupa, may mahalaga po ako sa inyong sasabihin."
*
"Ah!"
Napatigil ang lahat dahil isang malakas na sigaw galing sa backstage. Agad naman kinabahan si Naoya dahil ang boses na iyon ay kay Yuya. Agad siyang napatayo at tumakbo papunta sa backstage habang sinisigaw ang ngalan nito.
Pagpasok sa loob nito'y nakita niya na puro dugo ang sahig. Kinabahan siya na baka may nangyaring masama kay Yuya. Naglakad siya papasok, dahan-dahan. Hanggang sa naabot ng pandinig niya ang isang iyak. Mabilis na tinungo niya ang pinanggagalingan niyon at nakita ang umiiyak na si Yuya.
BINABASA MO ANG
Crown 1: The Four Aces
Storie d'amoreHighest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano niya pakikibagayan ang lahat lalo na ang apat na lalaking dahilan ng magulo na niyang buhay?