Chapter Twenty Seven

8.2K 232 7
                                    

I am Mochi says: Isang mabilisang update lang. Haha. Pauna sa pagpasok ng third quarter ng The Four Aces :)

Naoya -->

***

     "Good morning, sir," bati sa'kin ni Jona, ang sekretarya ko.

     "Morning."

     Pumasok na ako sa opisana ko. Agad akong upo sa swivel chair. Pinatong naman ni Jona ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Pagkatapos no'n ay agad na rin itong umalis.

     Pinirmihan ko na rin ang mga papeles na tungkol lahat sa mga kompanyang gustong magpagawa ng mga advertisements sa amin. Sa ngayon kasi ay isang sikat na advertising company ang YA Advertising Company na hindi ko rin inaasahang magiging gano'n kasikat for almost 3 years namin sa industriya.

     "Excuse me, sir," pagkuha ni Jona sa atensyon ko. Nakasilip lang ito sa maliit na uwang ng pinto. "Nandito po si Sir Rommel."

     "Ah. Papasukin mo siya."

     Saka naman nawala sa paningin ko ang sekretarya at saka masayang pumasok ang pinsan ko.

     "What brought you here?" nakataas-kilay na tanong ko sa kanya bago muling tinuloy ang ginawa.

     "Is that how you greet your cute cousin? Masungit ka pa rin and cold. Nagkaganyan ka na simula noong iwan ka niya..."

     Bigla naman akong napahinto sa ginagawa ko.

     Tama siya. Naging ganito ang pakikitungo ko sa iba simula nang mawala sa akin si Yuya. Kung saan-saan ko siya hinanap pero to no avail. Pero hindi ako sumuko. Hinanap ko siya for a month hanggang sa hindi ko namamalayang isang taon na pala. At ang isang taon na iyon ay naging dalawa hanggang maging tatlo then apat. For my whole college years hinanap ko siya pero walang Yuya na nagpakita. Tumigil ako sa paghahanap sa kagustuhan na rin ng mga taong malapit sa akin pero hindi kailanman nawala ang pag-asang babalik siya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang pag-asang iyon kahit apat na taon pa ulit ang lumipas.

     Oo, walong taon na nakalipas simula nang nawala si Yuya pero hindi naging dahilan ang haba ng panahon na wala siya para mabawasan kahit kaunti ang pagmamahal ko sa kanya.

     Sounds corny? Yes. Pero 'yon ang totoo. Never siyang nawala sa puso at isip ko.

     "Nga pala. May kung anong party ang gaganapin sa bahay no'ng mag-asawa, at imbitado ka," sabi ulit ni Rommel.

     At eight years na 'yon ay marami na ang nangyari tulad ng pagpapakasal nina Eon at Jigo. Happily married na ang dalawa for two years. Naging kaibigan na rin namin sina Bliss at Julia, na kasintahan na ngayon ni Xerun. Yes, naghiwalay sina Xerun at Eos. Pero engaged na si Eos kay Drake kaya naman parang wala lang kung naging sila.

     Napabuntong-hininga ako. "Sor--"

     "I don't take no for an answer, Naoya," putol sa akin nito. "Saka ano ka ba, pare? Minsan lang mag-aya 'yong dalawa kaya pagbigyan mo na."

     "Fine!"

     "Sabi mo 'yan a! Una na ako. May pictorial pa ako."

     Agad ring nawala sa paningin niya ang pinsan niya. Isa na kasi itong kilalang modelo. Iyon daw kasi ang gusto ng kapatid niya para sa kanya.

     Speaking of Rommel's brother, Ronel is now an actor sa Japan. Naging updated kami sa kanya dahil na rin sa kapatid nito. Nalaman rin namin na naging singer na si Runo sa Korea. Pero kay Xio at Yuya ay wala kaming balita...

     Hay... Nasaan na kaya si Yuya? Kumusta na kaya ang YuBabes ko? May iba na kaya siya?

Crown 1: The Four AcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon