I am Mochi says: Natagalan.. Karaming school works eh. Kainis.
Picture ni Yuya sa right -->
***
Naiinis na ako kay Naoya. I mean, kanina pa. Simula kasi ng sinabi kong si Arjhay ang partner ko ng buong galak, nainis na si Naoya. And when Ronel asked kung may kissing scene, I said yes. Lalo tuloy akong hindi pinansin. Joke lang naman 'yon eh! 'Di ko nga alam kung meron eh...
Magkahawak man kami ng kamay sa mga oras na ito dahil lunch na, hindi pa rin niya ako kinakausap at salubong ang mga kilay. Humingi na nga ako ng sorry for a hundred times, ginamit ko na rin ng puppy eyes technique with matching pouting, I even kissed him on cheeks for four times pero wala pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Akitin ko kaya siya? Sasayaw ako ng Careless Whisper sa harap niya with kagat-labi pa.
Nakakahiya 'yon! Nasa cafeteria pa naman din kami ngayon.
Kung bigyan ko kaya siya ng torrid kiss?
Kaso maraming tao eh!
Wala na! Sasabog na 'ata ang utak ko sa pag-iisip. Naiirita na ako! At ito namang kumag na 'to, tuloy-tuloy ang kain. Parang wala ako dito...
Inikot ko ang paningin ko. Marami ang nakatingin sa'min - sa'kin to be exact. Many of them were glaring daggers at me. Kung nakakamatay lang ang tingin, chopchop victim na ako. Masaya namang nagbibiruan ang iba naming kasama except Ronel who was very uneasy in his seat. Yumuko na lang ako at kumagat sa hawak kong Goya. Naiilang na rin ako sa pagkakahawak ni Naoya kasi halata namang we're not in good terms eh. Kaya naman tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo. Paalis na ako nang magsalita si Hebe.
"Saan ka pupunta, Yuya?"
Huminga muna ako bago sumagot. "A place where I can breathe."
Nakakadalawang hakbang palang ako nang may tumawag sa'kin.
Hinanap ko agad kung sino iyon at nakita si Arjhay on a table near the threshold with Julia, Bliss, Jigo and Xerun. The two girls were frowning while the two boys were smiling genuinely at me. Lalapit na sana ako when someone grabbed my wrist, turned me around and kissed me. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Syete ka, Naoya! Hindi man lang ako nakabwelo. I saw from my peripheral vision na nakatingin sa'min ang mga tao sa cafeteria with a shock expression. I slowly closed and answered his kiss by opening my lips. Agad naman niyang pinasok ang dila niya. He snaked his arms around my waist as I snaked my arms around his neck. Tumingkayad pa ako for a better access. I don't know how long that kiss was pero hiningal kami nang matapos kami sa'ming live show.
"That was hot!"
Napalingon kaming dalawa kay Xio na nakangisi.
"Do that in your room, not here, low form of animals," narining ko pang bulong ni Ronel.
"Anong low form of animals?!" bulong ko rin sa kanya pagkaupo ko sa tapat niya. Grabe! Pagkaka-low form ba!
"Sa Kingdom Animalia, only low form of animals do that kind of things. Kissing someone in front of many people? Low form!" sabi naman niya.
Umismid na lang ako at nag-cross arms. Bahala na siya sa buhay niya. May kumalabit naman sa'kin at nakita ang nakangiting si Naoya. He leaned forward and bit my earlobe before whispering, "Nice show, YuBabes. Later. Tonight." Humiwalay siya at ngumiti ulit.
Ako naman si tanga na agad namula. Mamaya raw? Tatanggihan ko ba? Syempre, hindi. Ay este!-- Ang landi ko naman.
BINABASA MO ANG
Crown 1: The Four Aces
RomanceHighest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano niya pakikibagayan ang lahat lalo na ang apat na lalaking dahilan ng magulo na niyang buhay?