Chapter Thirty Three

7.7K 209 12
                                    

O...kay? Sa pagkakatanda ko ay ni-ready ko na ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. But now, I'm acting strange.

Kasalukuyan akong nakatanaw mula sa balcony ng bahay nina Eon. Rinig ko ang tawanan nila sa baba pero that doesn't make me join them. Kailangan ko ng time para makapag-isa. Kanina pa kasi nkabuntot sa'kin si Shou. Si Ui naman ay kahit papaano ay masaya sa company ng mga kaibigan ko.

Yan na naman...

Pumasok na naman kasi sa isip ko si Naoya. Ito ang problema ko. Kailangan kong makapag-isa para makapag-isip muna ng mga paraan para mawala ang epekto niya sa'kin.

Ininom ko ang hawak kong red wine na para bang tubig lang iyon. Hindi ko rin alintana ang paghilab nito sa kalamnan ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Why am I acting like this - na para bang isa akong teenager having jittery feeling whenever he is near?

Gosh! I'm twenty-six years old!

Wait! That's not the case! Shit! It's my reactions..

Dapat talaga ay patigasin ko na ang damdamin ko sa kana. Actually dapat ay mtigas na ito dahil eight years na rin ang nakakalipas; eight years ko siyang kinalimutan.

At ang eight years na 'yon ay nasayang lang ng isang araw naming pagkikita.

Napatingin ako sa ibaba nang mapansin kong may dalawang tao ang lumabas. Hinihila ng una ang nagpupumiglas na huli. At kung hindi ako nagkakamali'y sina Ronel at Ronald 'yon.

Nakita ko silang tumigil sa tapat ng maliit na fish pond sa bandang dulo ng garden. As far as I can I see, they seen like arguing. I can tell through their movements.

Uminom muna ulit ako sa aking red wine bago ako umalis doon. Baka kasi mapansin pa ako ng dalawang iyon.

Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng hallway ng second floor bago makita ang hagdan paakyat sa rooftop. Umakyat ako, not paying much attention sa mas lumalakas pang tawa ng mga tao sa baba. Sa ngayon, all I want is to be alone.

Bumungad sa akin ang malawak na espasyo ng rooftop na pinamulatian ng mga magagandang ilaw galing sa iba't ibang establishimento. Dumiretso ako sa porch area ng rooftop para hindi ako masyadong mahamugan.

Uminom ulit ako sa red wine na dala ko. Saka tumingin sa paligid ng may ngiti sa labi. Siguro naman dito ay makakapag-isip na ako ng maayos.

"Alone?"

Or maybe not.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng kilalang kilala kong baritonong boses. There he is, oozing with charisma and self-confidence.  At ang sinungaling kong tunay  kung itatanggi ko pang apektado ako ng presensiya niya lalo pa't ang gwapo niyang tingnan sa blue polo shirt na suot niya na aninag ko ang kapirasong bahagi ng dibdib niya. Doon palang sa kapirasong iyon, alam kong maganda ang pangangatawan niya kahit pumayat pa siya.

Damn!

"What are you doing here?" tanong ko na halatang hindi sinagot ang tanong niya. Iniwas ko na rin ang tingin ko sa kanya. Pinagkakanulo na kasi ako ng puso ko at kung hindi ako nagkakamali ay pati ang mukha ko. For sure, I'm blushing.

Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin. Naamoy ko ang pabangong gamit niya na muntik ko nang maging dahilan ng pagkabaliw ko.

"Nagpapahangin," kalmadong sagot niya. "Ikaw?"

"Same thing." Nilingon ko siya. "Is that Polo Blue you are wearing?"

Nagulat ako sa tinanong ko pero damn! There's no turning back. Aba, panindigan ko na. Iniwas ko na lang ang tingin ko at ibninaling ang atensyon sa paraang eroplano.

"Yes," kalmadong sagot nito. "Mabango ang pabango mo pero hindi ko alam kung ano yan."

Tumingin ako sa kanya. "Wonderstruck by Taylor Swift."

"Huh?"

"Yong pabango ko.."

***

I am Mochi says: Putulin ko na muna ha? Kasi naman e! Minsan na nga lang mag-update, tinamad pa akong mag-type. Actually, tapos ko na to sa notebook ko e :3 . Pati yong mga side stories patapos na rin. Haha. Tamad lang talaga ako xD

Crown 1: The Four AcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon