CHAPTER 04- H.W.S.

24.3K 702 54
                                    

CHAPTER 04- H.W.S.

DALAWANG beses pa akong lumunok dahil baka dahil doon ay mawala ang tensiyon na nararamdaman ko ng oras na ito. Unti-unti ay may butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Binuksan ko ang aircon sa kwarto ko para lumamig. Napatingin ulit ako sa natutulog na si Raphael. Sh*t! Bakit gano'n 'yong nasa pagitan ng hita niya? Nakabukol.

Susundin ko ba ang nasa utak ko?

Wala naman sigurong masama kung susundin ko.

Hahawakan ko lang naman at wala akong gagawin.

Hindi rin naman niya siguro malalaman dahil tulog siya. Humihilik pa nga. Ibig sabihin, malalim na ang tulog niya.

Minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon, papalampasin ko pa ba?

Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid. Pinagmasdan ko ang mukha ni Raphael. Akala mo kung sinong mabait na anghel kapag tulog, e.

Inangat ko na ang kanang kamay ko. Hahawakan ko lang saglit, kahit sa labas lang ng boxers shorts niya. Dahan-dahan lang ang galaw ng kamay ko habang nakatingin ako sa mukha niya. Para makikita ko agad kung magigising siya.

'Ayan na. Konti na lang. Mahahawakan ko na...

Halos isang dangkal na lang...

TOK! TOK! TOK!

Agad kong binawi ang kamay ko. Gano'n na lang ang gulat ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Mabuti na lang at hindi nagising si Raphael.

"'Ma?" tawag ko.

Sigurado ako na si Mama iyon. Kilala ko kasi ang katok niya.

"Francis, okay na ba kayo diyan? Kapag gusto niyo ng extrang kumot o unan, sabihin niyo lang," aniya.

"H-hindi na po. Okay na kami dito."

"Sure ka?"

"Opo."

"Sige. Good night. Matulog na kayo."

"Okay po. Good night!"

Napabuga ako ng hangin. Istorbo naman kasi si Mama. Malapit na, e. Konting-konti na lang at abot-kamay ko na. Nakakainis!

Okay. Balik na ulit ako sa aking misyon.

Tulog na tulog pa rin si Raphael.

'Wag ka munang gigising, bro. Matulog ka lang diyan...

Huminga ako ng malalim at muli ay dahan-dahan kong inilalapit ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang pagkalalaki.

Konti na lang...

Malapit na...

Mukhang mahahawakan ko na siya-

AW! AW! AW!

Sh*t!

Napapitlag ako sa sobrang gulat nang biglang magtahulan ang mga aso sa labas. Parang nag-aaway pa yata ang mga aso. Naiinis na napamura ako sa utak ko. Konti na lang, e! Kanina, si Mama ang istorbo. Ngayon naman ang mga aso! Nakakahalata na ako, ah.

"Bro?"

"Ay kabayo!" Nagulat ako nang biglang magsalita si Raphael.

Nagising pala siya.

"Bakit gising ka pa?" nagtatakang tanong niya.

Natataranta na kinuha ko iyong unan at hindi ko malaman ang gagawin doon. "Ah, eh... ano... P-patulog na. Oo, tutulog na ako."

"Okay ka lang? Parang natataranta ka."

"Ha? B-bakit naman ako matataranta? Ikaw talaga, kung anu-anong napapansin mo!"

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon