CHAPTER 11- Chasing Cars

16K 539 25
                                    

CHAPTER 11- Chasing Cars

SIGURO nga hindi pa kayang tanggapin ng mga magulang ko kung ano ako ngayon. Masyado silang nabigla dahil sa ibang tao pa nila nalaman ang katotohanan. In shock pa sila. Marahil ay mas makakabuti kung susundin ko na lang muna sila. Ipapakita ko na lang sa kanila na walang masama sa kasarian na meron ako. Ipapakita ko na worth ko ang pagtanggap nila.

"Francis, pumasok ka na dito sa kotse." Narinig ko ang boses ni Mama sa tabi ko.

Binuksan na niya ang pinto sa may backseat para makasakay na ako. Si Papa lang ang kasama ko papuntang Laguna, siya lang ang maghahatid sa akin.

Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko. Umaasa ako na darating si Raphael para pigilan ako. Habulin at itakas ulit. Konting minuto pa... Ayoko pang umalis. O kung hindi man ay makita ko man lang siya bago ako umalis.

"Francis..."

"Sandali na lang po, Mama..."

"Hinihintay mo ba si Raphael? Ayokong makikipagkita ka pa sa kanya. Oras na malaman ko na nakikipag-communicate ka sa kanya, tatanggalin ko sa bakery natin ang tatay niya. Ayaw mo namang mangyari iyon, 'di ba?"

Napakagat ako sa labi ko sa sinabing iyon ni Mama. Syempre, ayokong pati ang pamilya ni Raphael ay madamay dito. Kung may magdudusa man ay ako lang dapat.

Tumango ako. "Sige po. Aalis na ako..." sabi ko.

Niyakap ako ni Mama at bumulong. "Balang araw ay maiintindihan mo rin kami ng Papa mo. Patawarin mo kami kung bakit namin ito ginagawa. Ang gusto lang naman namin ay ang makakabuti sa'yo. I love you, anak."

"I love you too, Mama." Napaluha ako pero pinahid ko agad.

Sumakay na ako ng kotse. Pagkaupo ko ay may hinugot ako sa bulsa. Ang bagay na matagal ko nang itinatago at matagal ko na ring balak ibigay kay Raphael. Dalawang singsing iyong na silver at parehas ang disenyo. Sa harap ay may nakaukit na "FRAPH". Francis at Raphael ang ibig sabihin. Wala pa kasi kaming friendship ring na dalawa kaya pinagawa ko ito noon pa. Nahihiya lang talaga akong ibigay dahil baka kung ano ang isipin niya. Kung nakatakas sana kami kanina, ang balak ko sana ay ibigay ito sa kanya sa Bicol kasabay ng pag-amin ko kung magkakaroon ako ng lakas ng loob. Pero, malabo na iyong mangyari dahil paalis na ako. Kung kailan kami ulit magkikita ay hindi ko na alam.

Pinaandar na ni Papa ang kotse. Binuhay din niya ang radio at isang pamilyar na awitin ang pumailanlang doon. Isang awitin na talagang paborito namin ni Raphael...

We'll do it all
Everything
On our own...

Nananadya ba talaga ang radio na ito? Bakit naman ito pa talaga ang tinugtog? Nakakaasar. Naiiyak tuloy ako dahil bigla kong naalala nang husto si Raphael. Lalo na ang mga memories namin together. Mami-miss ko ang bro ko. Sobra...

We don't need
Anything
Or anyone.

Tuluyan na ngang pumatak ang luha ko. Hinayaan ko lang. Mas okay siguro na ilabas ko ito. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nakabukas iyon at humahampas ang hangin sa mukha ko. Sige lang. Push ko pa ang pagmo-moment kong ito.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Maya maya ay nagulat na lang ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Ang buong akala ko ay guni-guni ko lang iyon pero nang maulit ay napadungaw na ako sa bintana ng kotse. Napakalaki ng ngiti ko nang makita ko si Raphael na hinahabol ang kotse namin.

"Francis!!!" sigaw niya habang kumakaway.

Ipinasok ko ulit ang ulo ko sa loob. "Papa, baka naman po pwedeng makausap ko muna si-"

"Hindi. 'Wag matigas ang ulo mo, Francis!"

"Please, Papa..."

Hindi na siya sumagot.

Ipinagpasalamat ko na lang na nasa loob pa kami ng subdivision kaya hindi pa niya pwedeng paandarin ng mabilis itong sasakyan.

I don't quite know
How to say
How I feel...

Dumungaw ulit ako. Humahabol pa rin si Raphael.

"Bro!" sigaw niya.

"Bro!" kumaway pa ako.

"Babalik ka, bro, ha! I-promise mo 'yan!"

Mas grumabe ang luha ko. "Oo, bro! Pangako!"

Halos madapa-dapa na siya sa pagtakbo pero hindi pa rin siya tumitigil.

Those three words
Are said too much
They're not enough.

"Mami-miss kita, bro! Hihintayin kita!!!"

Ngumiti siya. Ngumiti din ako.

Mas maganda siguro na bago kami maghiwalay ay ang ngiti ng isa't isa ang makikita namin. Babaunin ko ito hanggang sa magtagpong muli ang landas naming dalawa. Sigurado ako na mangyayari iyon. Hindi naman ganoon kalayo ang Quezon sa Laguna. Magagawan namin iyan ng paraan. Kami pa ba?

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

"Bro! 'Wag kang umiyak! Ang pangit mo!"

Napatawa ako. "Gago ka talaga, bro!"

Bigla kong naalala iyong singsing. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at sumigaw. "Bro! Bilisan mo. May ibibigay ako sa'yo!" In-strectch ko ang braso ko. Pilit kong inaabot sa kanya ang singsing.

Mas binilisan ni Raphael ang pagtakbo. Sa hitsura niya ay alam kong pagod na pagod na siya.

Palapit na siya nang palapit. Maaabot na rin niya ang singsing!

Sobrang lapit na!

Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life.

Hanggang sa hindi lang ang singsing ang maabot ni Raphael kundi pati ang kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan iyon habang sumasabay ng takbo sa kotse.

Parang nag-slow motion ang lahat nang magtagpo ang aming mga mata at kamay. Nagpalitan kami ng mga ngiti. Kahit walang salitang namumutawi sa aming mga labi ay alam kong parehas kami ng gustong sabihin. Magkikita kaming muli. Magkakasama kaming muli. Hindi pa ito ang katapusan para sa aming dalawa.

Dahan-dahan na lumuluwag ang pagkakakapit ni Raphael sa aking kamay.

Sabay ng pagbitiw niya ay ang pagkuha niya sa singsing. Tumigil na siya sa pagtakbo.

"Isuot mo 'yan palagi, bro!" sigaw ko.

"Oo, bro! Hihintayin kita. Promise!' sigaw din niya.

Let's waste time
Chasing cars
Around our heads...

Nang lumiko na ang kotse ay ipinasok ko na ulit ang ulo ko sa loob. Kahit papaano ay masaya ako na nagkausap kami ng bro ko bago man lang ako umalis.

Magkikita pa kami. Alam ko...

At nakangiting isinuot ko ang singsing. Tiningnan ko iyon na parang si Raphael ang tinitingnan ko.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon