CHAPTER 08- Fight Back

6.6K 236 15
                                    

CHAPTER 08- Fight Back

"SIGE na, Marco! Please..."

Kuntodo ang pag-iling na ginawa ni Marco. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinamsam ang baril at ang gamit nito sa paglilinis niyon. Nagpunta siya sa kanyang kwarto at hanggang doon ay sumunod ako sa kanya. Nakita ko na inilagay niya sa drawer ang baril. Pagharap niya sa akin ay nagulat siya nang makita niyang nakasunod pala ako sa kanya.

"O, bakit nandito ka pa? Pumasok ka na nga, Jak!" Pagtataboy niya sa akin.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka pumapayag na turuan mo akong gumamit ng baril." Umupo na nga ako sa may bungad ng pinto sabay halukipkip. Mukha na akong bata na nagta-tantrums nito pero wala na akong pakialam.

Ang baril lang ang naiisip ko na bagay na makakatulong sa akin para mapaghiganti ang aking daddy. Tutal naman ay sarado na ang kaso, pwes, ako na ang hahawak sa batas. Hahanapin ko ang totoong pumatay sa daddy ko at ako mismo ang papatay sa kanya. Ang tagal na hindi sumagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Ngayon lang talaga ulit at mukhang mas matindi ang nararamdaman ko ngayon. Noong bata pa kasi ako ay takot ang nararamdaman ko nang makita ko mismo ang pagpatay sa daddy ko. Iba na pala ngayong may isip na ako. Galit. Iyon ang nararamdaman ko. Gusto kong gumanti. Gusto kong pumatay!

Nilapitan ako ni Marco at tumayo siya sa harapan ko. "Para ka namang bata, e." Kakamot-kamot sa ulo na turan niya. "Tumayo ka na diyan. Hindi kita tuturuang gumamit ng baril lalo na at hindi ko alam kung saan mo gagamitin ang baril. Baka mamaya, barilin mo pa iyong nambu-bully sa'yo sa school."

"Hindi ko babarilin si Rupert, Marco. Iba."

"Ah... So, may babarilin ka nga talaga! Hindi talaga kita tuturuan! Tumayo ka na diyan!"

Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila patayo pero kumapit ako sa may gilid ng pinto. Imbes na ako ang mahila niya ay siya ang nahila ko paibaba. Nawalan siya ng balanse at hindi ko naman hiniling pero natumba si Marco at dumagan ang parteng pagkalalaki niya sa mukha ko. Dahil nakasuot lang siya ng basketball short ay damang-dama ko ang pagkalalaki niya sa mukha ko!

Ilang segundo kong ninamnam ang moment na iyon.

One... Two... Three...

Three seconds.

At nagmamadali akong tumayo. "Ano ba 'yan?! Kadiri naman! Kadiri!!!" Kunwari ay naiinis na sabi ko habang pinupunasan ng kamay ko ang aking mukha. Kailangan kong ipakita na nandidiri ako sa nangyari dahil baka magduda si Marco sa pagkatao ko. Mahirap na. Baka isumbong niya ako kay Mama Chang.

Tumayo na rin si Marco at mahina akong binatukan. "Aba! Hindi naman mabaho itong ano ko, ah! Pumasok ka na nga!"

"Pwede bang ikaw na lang ang pumasok sa akin?" Naitutop ko ang aking kamay sa aking bibig nang kusang lumabas ang mga iyon sa aking bibig.

"Anong sabi mo?"

"Ah, wala! Ang sabi ko, aalis na ako. Pero hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako tinuturuang gimamit ng baril!" sabi ko at nagtatakbo na ako palabas ng apartment ni Marco.

Jusko! Sana naman ay hindi niya narinig iyong sinabi ko kanina. Nakakahiya!

-----***-----

MUNTIK na akong mapamura sa sobrang gulat nang may bolang bigla na lang tumama sa likuran ng ulo ko. Naglalakad ako no'n sa hallway para pumunta sa library. May kailangan kasi akong i-research sa English class namin. Ayoko namang mamaya pa gawin dahil may free time pa naman ako. Wala kasi iyong adviser namin sa isang class kaya isang oras akong walang gagawin.

Napatingin ako sa bola ng basketball na nagpagulong-gulong palayo sa akin. Feeling ko ay naalog nang husto ang utak ko. Hinmas-himas ko pa iyon habang nakangiwing lumingon sa kung sinong tarantado ang bumato sa akin. Ang nakangising si Rupert ang nakita ko. Hay! Sino pa nga ba ang ibang gagawa sa akin ng ganito kundi siya lang naman. Wala nang iba. Talagang natutuwa siya kapag nasasaktan niya ako ng pisikal.

"Bakit nakatingin ka? Type mo talaga ako, 'no! Bakla!" Pang-aasar pa niya.

Naiinis na ako. Matagal na akong nagtitimpi sa pambu-bully niya sa akin. Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ko siya nilalabanan.

Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. Kinuha ko ang bola at malakas na ibinato iyon sa kanya. Hindi siya naging handa kaya sapol siya sa mukha. Na-distirt nang sandali ang mukha ni Rupert nang tamaan siya nang bola.

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. "Gago ka!" aniya. Dinuro niya ako at malalaki ang mga hakbang na nilapitan ako.

Akmang susuntukin niya ako pero inunahan ko siya. Sinuntok ko si Rupert sa mukha at napaatras siya.

"Bakit mo ako sinuntok?! Lumalaban ka na?! Ha?!" Tinulak-tulak pa niya ako.

Natumba ako at napaupo sa sahig. Isang sapak pa ang natanggap ko mula kay Rupert. Nang mga sandaling iyon ay wala na ang takot ko sa kanya. Marahil ay natabunan na ang pagiging duwag ko dahil sa kagustuhan kong patayin ang taong pumatay kay daddy.

Inupuan ako ni Rupert sa bandang tiyan ko at isa pang suntok ang pinakawalan niya. Tinamaan ako sa nguso. Alam kong dahil sa pag-atake niyang iyon ay dumudugo na ang bibig ko. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Gumalaw ang kamay ko para abutin ang kuwelyo sabay hila. Isang suntok ang pinatama ko sa mukha niya. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na iyon. Umigpaw ako para siya naman ang mapunta sa ilalim. At nang mangyari iyon ay sunud-sunod na suntok ang pinatama ko sa mukha niya.

Sunud-sunod. Walang tigil.

"Para lahat 'yan sa pambu-bully mo sa 'kin, Rupert!" galit na galit na sigaw ko.

"Ayoko na-"

"Ayaw mo na?! Gusto ko pa!"

"Tama na, Jak-"

"Ilang beses kong sinabi sa iyo iyan, Rupert! Pero kahit kailan hindi mo ako pinakinggan!"

Patuloy pa rin ako sa pagsuntok. Hanggang sa inawat na kami ng mga estudyante na kanina ay nanonood lang sa pag-aaway namin ni Rupert.

Nang mailayo na ako kay Rupert ay doon ko lang na-realize kung gaano kalaki ang pinsala na nagawa ko sa mukha niya. Halos hindi na siya makagalaw at duguan na ang mukha nito. Humihingal na tiningnan ko siya.

"S-sorry na... H-hindi na kita ibu-bully..." Nanghihinang turan ni Rupert.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kung alam ko lang na ito lang pala ang makakapagpalambot sa kanya, matagal ko na siyang binugbog. Pero mukhang may problema pa akong dapat harapin, dahil sigurado ako na ilang minuto lang ay ipapatawag na kaming dalawa ni Rupert sa guidance office.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon