CHAPTER 02- Marco

7.7K 244 9
                                    

CHAPTER 02- Marco

OKAY. Bakla ang guardian ko pero takot akong mag-out. Na-explain ko na iyan. Ayokong ma-disappoint sa akin si Mama Chang. Alam ko naman na maiintindihan niya ako if ever mag-out ako pero alam ko na malulungkot siya at ayokong ako ang maging reason para magkaroon ng negative feeling ang taong kahit hindi ko kadugo at inalagaan ako at itinuring na tunay na anak.

Sabado ng araw na iyon. Siyempre, walang pasok. Nakatambay lang ako sa labas ng bahay namin. Hawak ko ang cellphone ko at nag-fe-Facebook. May mini garden kasi doon na ginawa si Mama Chang. Kapag may free time kasi si Mama Chang ay kung anu-ano ang ginagawa niya sa bahay. Mahilig kasi siyang mag-design-design which is maganda naman kasi gumaganda ang bahay namin kahit hindi malaki.

Ako lang mag-isa dito sa bahay dahil nasa eatery si Mama Chang. Siya ang nagluluto doon. Gusto ko mang tulungan siya doon ay siya naman itong ayaw. Dito lang daw ako sa bahay at mag-aral. Kaya naman daw niya ang trabaho niya doon at may mga tao naman siya na kaya siyang tulungan. Ang bait-bait talaga ni Mama Chang. Hindi ko talaga naramdaman na nawalan ako ng nanay at tatay dahil pinunan niya nang maayos ang role na iyon para sa akin.

Medyo nakaramdam na ako ng pagka-bored sa pagfe-Facebook nang may mapansin akong lalaki sa labas ng bahay namin. Parang may hinahanap siya dahil nakatingin siya sa apartment namin. May dala siyang isang travelling bag. Hmm... matangkad iyong lalaki. Medyo maputi at medyo malaki rin ang katawan. 'Yong parang isang beses sa isang linggo kung mag-gym. Gwapo kung sa gwapo. Pinoy na Pinoy ang features ng mukha niya. Medyo natulala pa nga ako sa pagkakatingin sa kanya dahil nakaka-attract ang mukha niya.

Hanggang sa mapatingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Bigla akong nag-iwas at itinutok ulit ang mata ko sa screen ng aking cellphone. Nahuli ba niya ako? Nahuli niya yata akong tinitingnan siya! Baka kung anong isipin niya. Nakakahiya!

"Totoy!"

"Ha?" Napaangat ulit ako ng mukha ng tawagin ako ng lalaki.

At ano ang tinawag niya sa akin? Totoy? Mukha ba akong bata?

Medyo nainis ako sa tinawag niya sa akin. Ayoko kasi na pinagkakamalan akong bata.

Sumenyas siya sa akin na lapitan ko siya.

Siyempre, nilapitan ko naman siya. "Bakit po, manong?" Sinadya ko talaga na tawagin siyang manong. Bilang ganti sa pagtawag niya sa akin ng totoy. Pinagmukha niya akong bata, pagmumukhain ko naman siyang matanda. Gantihan lang. Hehe!

"Manong talaga? Twenty-six pa lang ako, totoy..."

"Hindi na rin po kasi ako totoy. Fifteen na ako. Bakit nga po pala? May kailangan po ba kayo?"

"Ano kasi... Sino bang may-ari ng apartment na iyan?" tanong niya sabay turo sa apartment namin.

"Kami po. Iyong nanay ko," sagot ko.

"May bakante pa?"

Luminga-linga ako at ipinakita ko talaga sa kanya na nakatingin ako doon sa sign board namin sa tapat ng apartment na "Apartment for Rent".

"Ah... siguro wala. Trip lang namin na ilagay iyong sign board na iyon!" sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Loko ka! So, meron nga?"

"Oo nga, manong!"

"Manong?!" pinanlakihan niya ako ng mata.

"Ah, eh... kuya. Kuya na lang!" At nag-peace sign ako sa kanya. "Gusto mo po bang i-check iyong unit?"

"Hmm... oo naman. Kaya nga uupa ako, 'di ba?"

Aba... At gumaganti ang lokong ito sa akin, ha. Pero naaaliw akong makipag-usap sa kanya. Parang close na close na agad kami kung magbarahan. Hehe!

Tumango ako. "Sandali lang, ha. Tatawagan ko lang si Mama Chang. Siya kasi nakakaalam ng tungkol diyan sa apartment..." Pagkasabi ko no'n ay tumalikod muna ako sa lalaki at tinawagan si Mama Chang.

"Hello! Jak! Bakit?" sa boses pa lang ni Mama Chang sa kabilang linya ay obvious na aligaga na naman siya. Marami kasi talagang tao sa eatery kapag weekend. Ewan ko ba kung bakit.

"Mama, hindi ko po kayo masyadong maintindihan! Ang ingay-"

"Maingay talaga dito! Bakit ka napatawag? May problema ba?"

"Wala naman po. May gusto po kasing tumingin no'ng bakanteng unit ng apartment. Uwi po muna kayo dito para makausap siya."

"Naku, Jak... Hindi ako pwedeng umalis dito ngayon. Ang daming tao! Nakakalurkey! Ikaw na lang ang kumausap. Basta sabihin mo, three thousand ang kada-buwan. Tapos may deposit at advance. Kuha mo?"

"Pero, Mama-"

"Jak, kaya mo 'yan. Sige na... Busy lang dito ang Mama Chang mo."

Huminga ako ng malalim. Wala naman akong choice kundi ang sundin na lang siya. Saka minsan lang naman niya ako utusan, hindi ko pa ba pagbibigyan? "Sige po, 'ma... Bye..." sabi ko.

"Anong sabi?" tanong niya pagkaharap ko sa kanya.

Kakamot-kamot na lang ako sa ulo. Medyo kinakabahan kasi ako dahil first time ko itong gagawin. "Halika. Ako na ang magto-tour sa'yo sa unit namin. Hindi kasi pwede si Mama Chang." Binuksan ko na nag gate at lumabas ng bakuran namin.

Naglakad ako papunta sa apartment. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bakanteng unit nang maisip ko na wala nga pala sa akin ang susi. Nasa loob ng bahay. Pagharap ko sa likod ko ay nabunggo ang mukha ko sa dibdib ng lalaki. Ang tangkad pala niya. "Aray! Sorry!" Natatarantang turan ko. Nataranta ako dahil sa amoy ng pabango niya. Lalaking-lalaki kasi ang amoy niya. Bakit kasi sobrang lapit niya sa akin?

"Bakit?" tanong niya.

"Dito ka lang. Kukunin ko lang sa bahay ang susi. Teka, ano nga palang pangalan mo?"

"Marco Servando."

"Okay, Kuya Marco... Diyan ka muna-"

"Ikaw, anong pangalan mo?"

"Ha?"

"Pangalan mo!"

"Ah! Pangalan... Ako si Jak Mabini."

Obvious ba na natataranta ako? Hindi naman siguro. Hindi na ako nakakilos matapos kong sabihin ang pangalan ko sa kanya. Basta nakatayo lang ako sa harapan niya at nakatingin sa mukha niya.

Nang pumitik siya sa harapan ng mukha ko ay doon lang ako parang nagising mula sa pagkakatulog. "Akala ko ba kukunin mo 'yong susi?" aniya.

"Ah, oo nga! 'Yong susi. Sige, diyan ka muna, ha!" Nagmamadali na nilisan ko ang lugar na iyon dahil baka kung ano pang katangahan ang magawa ko.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon