CHAPTER 18- Together Again
NANG pumunta ako sa bahay nina Joey ay umuwi din ako dahil wala pala siya doon. Akala ko pa naman ay may makakakwentuhan ako ngayon. Mukhang matutuloy ng plano ko kanina na magkulong sa kwarto at basahin ang diary ni Tito Enrico. Well, hindi naman masama iyon. Nag-eenjoy naman ako sa pagbabasa. Medyo nagulat lang talaga ako na ganoon ang past niya. Akala ko kasi ay lalaking-lalaki siya kasi may asawa at anak siya.
At pagkauwi ko ng bahay ay diretso ulit ako sa kwarto para magkulong at magbasa...
July 27, 2000
Ito ang araw na hindi ko rin makakalimutan dahil sa unang pagkakataon ay isa sa mga kaklase ko na babae ang nakaalam ng sikreto ko. Si Thea. Nasa room ako no'n at wala pa ang teacher namin. Titig na titig ako kay Sebastian habang kausap nito si Maricar. Tama nga ang hinala ko na sila na. Last month pa daw, ayon sa tsismis. Bigla akong nilapitan ni Thea at sinabi niya na alam niyang bading ako dahil nahahalata niya na palagi akong nakatingin kay Sebastian. Tatanggi sana ako pero pinilit niya ako. Wala naman daw akong dapat ipag-alala kasi hindi niya ako ibubuko. Doon na kami naging magkaibigan ni Thea...
August 08, 2000
Birthday ni Thea at invited ang halos lahat ng kaklase namin. House party lang dahil wala daw ang parents niya. Siyempre, invited sina Sebastian at Maricar. Habang tumutugtog ang isang pang-party na kanta ay nakita ko silang sumasayaw. Nakaupo lang ako no'n sa sofa at mag-isa. Nilapitan ako ni Thea. "Selos ka, 'no?" tanong niya. Ang sabi pa niya, paano daw pala kung tulad ko ay bakla din si Sebastian pero katulad ko ay nagtatago lang. Paano daw kung gusto rin ako ni Sebastian dahil minsan ay nahuhuli rin nito iyon na nakatingin sa akin. "Paano ko naman malalaman iyon?" tanong ko. "Pagselosin natin..." sagot ni Thea.
Pagselosin? Oo nga, ano... Bakit ba hindi ko naisip ito noon kay Raphael? Mamaya pala ay gusto rin niya ako. Naglalaro lang pala kami ng taguan... taguan ng feelings! Hehe! Teka nga, masyado na akong assuming nito baka mamaya ay ma-hopia lang ako. Magbabasa na lang ako...
Nabigla ako nang bigla akong hilahin ni Thea patayo at yumakap sa akin. Bimulungan niya ako na magsayaw daw kami ng medyo parang magjowa kam. Halos magkayakap na kami ni Thea. "Tingnan mo ang tingin sa atin ni Sebastian,nakita mo ba? Nagseselos siya," bulong niya sa akin. Hinanap naman ng mata ko sina Sebastian. Hindi na sila nagsasayaw ni Maricar, bagkus ay nakaupo na sila. Busangot ang mukha ni Sebastian habang nakatingin sa akin. "Thea, tama na," sabi ko at inaya ako ni Thea na uminom. To make the story short, nalasing ako dahil hindi naman ako sanay na uminom. Nagsuka pa nga ako kaya naman pinapunta muna ako ni Thea sa kwarto niya sa itaas. Pero nagulat ako nang ilang minuto lang ay pumasok doon si Sebastian. Parang nawala bigla ang kalasingan ko dahil doon. Iyon pala ay dinalhan niya ako ng kape para daw mawala kahit papaano ang tama ko. Siguro nga ay maaring mawala ang tama ng alak ko sa pamamagitan ng kape, pero ang tama ko sa kanya ay hindi.
Aba nga naman at humuhugot si Tito Enrico, ha! Nakakakilig talaga. Pero, ayon sa observation ko, feeling ko ay may gusto na rin si Sebastian kay Tito. In denial lang talaga...
Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabasa ko nang biglang kumatok si Tito Enrico. Natataranta na itinago ko ang diary sa ilalim ng kumot at saka siya pinagbuksan.
"Bakit ang tagal mo yatang buksan?" tanong niya.
"Ah, ano po kasi... nasa banyo po ako. Sorry. Bakit nga po pala?"
"May naghahanap sa iyo."
"Sino po? Si Joey?"
"Hindi. 'Yong babaeng kasama nina Mama at Papa mo no'ng pumunta dito."
BINABASA MO ANG
BRO
RomanceThis is your ultimate BROMANCE experience! SEASON 1: Francis & Raphael (30 chapters/ Completed) #FraPh SEASON 2: Baste & Efren (12 chapters/ Completed) #BasFren SEASON 3: Jak & Marco (18 chapters/ Completed) #JaKCo