CHAPTER 06- Affected Much

7.5K 252 11
                                    

CHAPTER 06- Affected Much

WALANG pasok ngayon kahit Friday dahil may seminar kasi ang mga teachers. Ayos kasi long weekend. Makakapahinga ako from school at sa pambu-bully ni Rupert. Hehe!

Ako na naman mag-isa dito sa bahay pero hindi naman ako naiinip dahil magka-video call naman kami ni Samantha sa Skype. Nasa salas ako at nakaupo sa sofa habang nakataas ang dalawang paa ko sa maliit na lamesa. Ayun, todo-kwento siya sa about sa Canada. Ganoon lang ang usapan namin hanggang sa makarating sa love life. Tinanong niya ang tungkol sa feelings ko kay Rupert. Malakas ko lang na tinawanan si Samantha sa tanong niyang iyon. “Alam mo, Samantha, sa ginagawang pambu-bully ni Rupert sa akin wala na akong nararamdaman sa kanya kundi takot at pagkaasar!” sabi ko pa.

“Pero, okay ka lang ba, Jak? I mean, wala na ako diyan. Wala nang magtatanggol sa’yo…”

“Actually, may bagong nagtatanggol sa akin.”

“What? Talaga? Sino?” excited na usisa niya.

“'Yong bagong boarder namin… Si Marco,” medyo kinilig ako nang sabihin ko ang pangalan ni Marco.

“Bakla ka! Kinikilig, oh! Feeling ko… may something diyan sa Marco na iyan. Umamin ka!”

“Hmm. Crush ko lang naman siya. Ang OA mo naman! Tinakot niya kasi si Rupert na kapag binully pa ako ay yari si Rupert sa kanya. Saka mabait si Marco at alam mo ba, ang sabi niya, mag-bro kami—“

Napalingon ako sa pinto nang makita ko na papasok si Mama Chang. Nagpaalam muna ako kay Samantha dahil sinenyasan ako ni Mama Chang na kakausapin niya ako. Iyon pala ay uutusan niya akong magdeposit ng pera sa banko. Oo nga pala, katapusan ngayon ng buwan kaya iyong mga kinita namin sa buong month ay idedeposit na. Tinatamad sana ako pero hindi naman pwede bukas at Sabado, sarado ang banko.

“Sige po, Mama Chang. Ako na ang bahala dito. Bumalik na po kayo sa eatery.”

“Okay, anak. Ingatan mo 'yang pera, ha!” aniya.

“Oo naman po!”

“Sige na, babalik na ako sa eatery. Bye!” Hinalikan muna niya ako sa pisngi bago siya umalis.

After no’n ay naligo na ako at nagbihis. Paglabas ko ng bahay ay ini-lock ko muna ang pinto. Naglalakad na ako papunta sa gate nang makita ko na papalabas si Marco ng unit niya. Nakabihis din siya na parang may pupuntahan. Nang makita niya ako ay kumaway siya sa akin habang nakangiti.

“Saan punta mo, bro?” tanong niya sa akin nang magtagpo kami sa labas.

“Bro?”

“Haaay… Makakalimutin ka ba? 'Di ba, mag-bro na tayo?”

“Ah! Oo nga. B-bro…”

Sorry naman. Hindi ko pa kasi siya sanay tawagin na “bro”. Siguro kung baby, honey o kaya mahal, pwede pa. Joke lang. Haha!

“So, sa’n punta mo?”

“Sa banko. Magde-deposit ng pera.”

“Gusto mo bang samahan kita?”

“Okay lang naman. Kung okay lang sa’yo.”

Ayos! Chance ko na ito para makasama si Marco. Baka mag-date este kumain pa kami sa labas after kong makapag-deposit ng pera. Dapat talaga ay para-paraan din ako kung minsan para naman magkaroon kami ng moment ng lalaking ito.

“Okay lang naman. Papunta rin naman ako sa banko. Metrobank ka rin ba? Magwi-withdraw kasi ako ng pera.”

“Oo. Magsabay na nga lang din tayo.”

Naglakad lang kami nang kaunti at nag-abang ng jeep. Pumara na kami nang makakita na kami ng jeep. Kinilig na naman ako nang magkatabi kami sa upuan. Magkadikit ang aming mga balikat at binti. Naka-shorts kami parehas kaya skin to skin kami. Kulang na lang talaga ay manginig ako sa kilig! Biglang nagpreno ang jeep kaya naman automatic akong napahawak sa hawakan at ganoon din si Marco. Saktong iyong kamay niya ay napahawak sa hinawakan ko. Kaya ang kinalabasan ay nakahawak si Marco sa kamay ko.

Napatingin ako kay Marco pero nakatingin lang siya sa unahan. Parang wala siyang balak na alisin ang pagkakadaiti ng kamay niya sa kamay ko.

Diyos ko! Para kaming magka-holding hands nito, e!

Dumukot si Marco ng pera sa bulsa niya pero hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa kamay ko. Nagbayad siya para sa aming dalawa. Hindi na ako nakaimik dahil masyado akong nao-overwhelm sa pagkakahawak ng mga kamay namin. Hala… Sana ay huwag na kaming makarating sa bababaan namin. Sana ma-traffic pa kami kahit dalawa o tatlong oras pa. Sana huwag nang matapos itong biyahe na ito dahil—

“Para po!”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang pumara na si Marco. Bumalik na ako sa realidad. Tumingin sa akin si Marco at sinabi niyang bababa na kami. Nauna na akong bumaba sa kanya at hindi ko na siya hinintay. Diretso na agad ako sa pagpasok sa banko. Masyado na kasi akong affected sa presensiya niya. Baka makahalata na siya na gusto ko siya. Mahirap na. Baka kapag nalaman niya na alanganin ako ay isumbong niya ako kay Mama Chang o hindi kaya ay iwasan na niya ako. Malay ko ba kung homophopic siya. Mukhang hindi naman pala dahil maganda ang pakikitungo niya kay Mama Chang.

Kumuha na ako ng number at finill-up-an ang deposit slip. Napapitlag ako nang magdikit ang braso namin ni Marco. Nagfi-fill up naman siya ng withdrawal slip. After no’n ay umupo na kami, magkatabi.

“Okay ka lang ba, Jak?” biglang tanong ni Marco. “Ang lakas ng aircon dito pero tagaktak ang pawis mo.

“Ha?” Wala sa sarili na napahawak ako sa noo ko at doon ko lang na-realize na pinagpapawisan nga ako. Nagmamadali na kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang aking mukha, leeg at batok. Ganito talaga ako kapag nate-tense. Oo, tense ako dahil malapit lang si Marco. At hindi lang basta malapit kundi sobrang lapit!

“Okay ka lang? May masakit ba sa’yo?”

“Ha? Wala! Ano lang—“ Nakita ko na number ko na kaya tumayo na ako.

Hay, salamat… Malalayo muna ako kay Marco. Baka abawasan itong tensiyon na nararamdaman ko.

Pagkadeposit ko ay number naman ni Marco ang sumunod. Umupo muna ulit ako para hintayin siya. Kailangan kong kumalma. Kalma, Jak… Kalma. Si Marco lang 'yan… Okay?

Palihim pa akong huminga ng malalim.

Nakita ko na patapos na si Marco kaya tumayo na ako sa pagkakaupo. Hanggang sa makarinig ako nang tila nagkakagulo sa may likuran ko. Pagtingin ko sa likuran ay natakot ako nang makita ko na may tatlong lalaki ang pumasok sa banko at armado sila ng mga malalaking baril. Agad na pinaputukan ng isa ang guwardiya sa ulo.

Lahat ay nagsigawan sa nangyari. Binalot ako ng takot mabuti na lang at agad akong nilapitan ni Marco.

“Dapaaa!!!” sigaw ng isang lalaki.

Muling nagpaputok ng baril ang isa sa mga lalaki. Nang marinig ko ulit ang putok ng baril ay bigla akong natulala at nanginig. Bumalik sa isipan ko ang isang tagpo sa buhay ko na ayaw ko nang balikan… Ang gabi kung saan isang lalaki ang bumaril at pumatay sa tatay ko.

TO BE CONTINUED…

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon