CHAPTER 05- Bro Date
MAY mga bagay talaga na mas maigi na nakatago na lamang. Katulad na lang ng nararamdaman ko para kay Raphael. Marami kasing pwedeng hindi magandang mangyari kapag sinabi ko ito sa kanya. Pwedeng ang halos dalawampung taon na friendship namin ay magwakas dahil doon. Pwede rin na layuan niya ako at pandirihan.
Hay... Siguro nga ay forever nang nakatago ang sikreto kong ito.
"Pare, mahal mo raw ako. 'Yan ang sabi mo raw nang minsan ay malasing tayo..."
Napatigil ako sa kantang tinugtog sa jeep kung saan nakasakay kami ni Raphael. Papunta kasi kami ng SM Lucena. Gagala. Kakain na rin siguro o kaya ay manonood ng sine kapag may magandang movie. Bonding para sa kanya, date naman para sa akin. Assuming ko din, 'di ba? Hehe!
Sana katulad no'ng lalaking kumakanta si Raphael. Iyong kahit malaman niya na gusto ko siya y hindi pa rin mawawala 'yong pagkakaibigan namin.
Pagkababa namin ng jeep ay sumakay naman kami ng tricycle. Isang sakay na lang ito at nasa mall na kami. Pero dahil may nakasakay na sa loob ay sa back ride na lang kami pumwesto.
"Bro, kumapit ka. Baka mahulog ka diyan." Paalala ni Raphael bago umandar iyong tricycle.
"Kumapit naman ako, bro. Pero nahulog pa rin ako sa'yo..." Wala sa sarili na tugon ko.
"Ha? May sinasabi ka ba?"
Bigla akong namutla nang ma-realize ko ang sinabi ko. Mabuti na lamang at umandar na iyong tricycle kaya hindi niya narinig.
"W-wala. Ang sabi ko... nakakapit naman ako." Palusot ko.
"Okay. Mamaya nga pala ay dumaan tayo sa Pizza Hut. Gusto ni Mama ng pizza, pasalubungan ko daw siya."
"Sige, walang problema."
Ito ang normal na araw namin ni Raphael.
Gagala.
Magba-bonding.
Magkukulitan.
Magkukwentuhan.
Minsan naman ay nag-iinuman.
Tipikal na magkaibigang lalaki lang.
-----***-----
NAKABABA na kami ng tricycle at naglalakad na papunta sa entrance ng mall. Tanghaling tapat kaya sobrang init. Masakit sa balat ang sikat ng araw. Halos stumakbo na nga kami ni Raphael.
Pagkapasok namin sa mall ay nagtaka ako nang mapansin ko na nakatitig siya sa mukha ko. Kung makatingin naman itong si bro, o. Akala mo ay may gusto sa akin. Kinikilig tuloy ako. Hehe! Pero, bakit nga ba siya nakatingin sa mukha ko. Bigla tuloy akong na-conscious.
Dahil parehas kaming gutom ay kumain muna kami sa isang fast food sa mall.
Habang nagpapababa ng kinain ay napansin ko na naman na nakatingin siya sa mukha ko.
Kumuha ako ng tissue at ginawa iyong parang bola at ibinato ko kay Raphael.
Napapitlag siya. "Huh! Bakit mo ako binato?" tanong niya.
"Eh, kanina ka pa kaya natitig sa mukha ko. Bakit? Crush mo na ako, 'no?!" biro ko.
"Gago. Hindi ako bakla!"
Ouch.
"Joke lang naman, bro. Seryoso mo. Bakit ka ba kasi nakatitig sa mukha ko? May problema ba? May dumi ba ako sa mukha?"
"Para kasing may pula-pula sa pisngi mo..."
"Pula-pula? Dito?" sabay turo ko sa kaliwang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
BRO
RomanceThis is your ultimate BROMANCE experience! SEASON 1: Francis & Raphael (30 chapters/ Completed) #FraPh SEASON 2: Baste & Efren (12 chapters/ Completed) #BasFren SEASON 3: Jak & Marco (18 chapters/ Completed) #JaKCo