CHAPTER 11- Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

6.7K 237 9
                                    

CHAPTER 11- Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

MASARAP pala sa pakiramdam na iyong dating tao na inaaway-away ka ay kaibigan mo na ngayon. Hindi na ako kinakabahan sa pagpasok sa school na may bigla na lang sasapak sa akin o susuntok. Isa pa, ayoko rin naman na mag kaaway. Masyadong mabigat sa kalooban.

"Jak, bakit kasabay mong umuwi si Rupert? Parang hinatid ka pa niya, ah!"

Nagulat naman ako nang papasok na ako sa bahay dahil biglang nagsalita si Marco sa likuran ko. Paglingon ko sa kanya ay napansin ko na medyo seryoso ang mukha niya.

"Magkaibigan na kasi kami, Marco. Tinanggap ko na pakikipag-peace niya para naman wala na akong iniisip na kung anu-ano sa school. Okay na iyon, 'di ba?"

Kumibit-balikat lang si Marco. "Sabagay... Oo nga pala. Nag-set-up ako ng training area mo sa loob ng unit ko. May punching bag na doon para tuturuan kitang sumuntok at makipaglaban."

"Talaga?" Bigla akong na-excite sa sinabi niya. "Kailan mo ba ako tuturuan? E, iyong baril? Kailan?"

"Baril ka diyan! Fighting skills lang ang ituturo ko sa'yo. Ayokong matuto kang gumamit ng baril. Teka nga, may papatayin ka ba at gusto mong matutong gumamit ng abaril? Kung gusto mo, ako na lang ang papatay do'n."

"Ha? Kaya mong pumatay ng tao?" Medyo nagulat naman ako sa sinabi ni Marco.

Tumawa siya sabay gulo ng buhok ko. "Siyempre, joke lang! Sige na. Basta kapag may free time ka, punta ka lang sa unit ko. Pumasok ka na, madilim ang langit. Uulan iyan panigurado."

Tumango-tango na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Nagpalit ng pambahay at nagsaing. Nagbukas na lang ako ng de-lata para ulam ko. Hindi naman ako maarte sa pagkain. After kong kumain ay nagpunta ako sa salas, binuksan ang TV pero hindi ako nanood. Binuksan ko lang talaga. Nagbasa-basa ako ng notes namin. Mabuti na lang at wala kaming assignment kaya makakapag-aral ako kahit paano. Minsan kasi, may surprise quiz kami lalo na sa Math. Mabuti na iyong handa ako.

Kailangan kong mag-aral ng mabuti. Ito lang kasi ang alam kong paraan para makaganti sa pag-aalaga at kabutihan sa akin ni Mama Chang sa akin. Alam ko kasi na magiging proud siya sa akin kapag nagtapos ako sa high school nang may karangalan. Hindi ko naman target ang maging valedictorian basta may honors lang, okay na iyon.

Habang nagbabasa ako ng notes ay may narinig akong tunog na nanggagaling sa labas. Napatayo tuloy ako at dumungaw sa bintana. Umuulan pala. Isinara ko ang bintana. Makumusta nga si Mama Chang. Nakarating na kaya siya sa kanila sa Davao?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Okay naman daw siya. Kanina pa daw siya naroon. Hindi nga lang daw siya makatawag dahil masyadong busy. Naiintindihan ko naman dahil patay ang kapatid niya. Nagbilin si Mama Chang na mag-iingat ako.

"Kaya ko po ang sarili ko, Mama Chang. Sige po, tutulog na rin ako. Ang lakas ng ulan dito, e," sabi ko.

"Napanood ko nga sa balita kanina. May bagyo daw diyan sa atin. Naku, baka kapag kumulog ay matakot ka na naman, ha. Alam mo naman na takot ka doon..."

Napatingala tuloy ako nang wala sa oras. Tama siya, takot ako sa kulog. Ewan ko ba, dahil siguro umuulan at kumukulog nang patayin si Papa. "Tutulog na lang po agad ako para kapag kumulog ay hindi ko na maririnig. Good night po. Ingat kayo diyan."

"Sige. I love you, anak."

"I love you too, Mama Chang. Bye po..."

Pinutol ko na ang tawag at saka pumasok sa kwarto ko. Nakita ko na nakabukas ang bintana sa sa silid ko kaya lumapit ako doon para sarhan iyon. Ngunit isasara ko pa lang sana iyon nang biglang lumiwanag sa labas at sinundan iyon ng dumadagundong na kulog! Ubod lakas akong napasigaw at natumba. Isa pang kulog ang nagpasigaw ako. Nakabaluktot habang yakap ang sarili na napahiga ako sa sahig. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko iyon mapigilan.

Biglang bumalik sa alaala ko ang gabing pinatay si Papa ng lalaking may pakpak ng anghel na tattoo sa likuran.

Matagal ako sa ganoong posisyon. Ayaw gumalaw ng katawan ko dahil sa takot na lumulukob sa akin. Sa bawat kulog na naririnig ko ay isang sigaw ang kumakawala sa bibig ko.

Naalerto ako nang may marinig akong yabag ng mga paa na papalapit sa kwarto ko. Kinabahan ako. Pagtayo ko ay nakita kong humahangos na palapit sa akin si Marco.

"Jak! Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" nag-aalala niyang tanong.

"M-marco!"

Isang anghel... Iyon ang nakita ko nang dumating si Marco. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Anong nangyari, ha? Okay ka lang ba?"

"'Yong kulog kasi..."

"Takot ka sa kulog?"

Tumango ako.

"Gusto mo bang dito na lang ako matulog? Sasamahan kita?"

-----***-----

AWKWARD. Napaka-awkward lang na magkatabi kami ni Marco sa kama ko. Isang pulgada nga lang yata ang layo niya sa akin. Iyong tipo na konting galaw ko lang ay magdidikit na ang balat niya sa balat ko. Parehas kaming patihayang nakahiga at nakatingin sa kisame. Patay na ang ilaw at ang liwanag mula sa mga poste sa labas na naglalagos sa salamin na bintana ang tanging liwanag namin. Umuulan pa rin sa labas at manaka-nakang kumukulog pero hindi na ako napapasigaw sa takot dahil katabi ko naman si Marco. Feeling safe na ako.

"Takot din sa kulog ang kapatid ko kaya kapag kumukulog, tinatabihan ko siya sa pagtulog. Parang ganito..." aniya.

"Gano'n ba? Salamat nga pala, ha. Baka namatay na ako sa takot kung hindi ka dumating."

"Ang lakas kasi ng sigaw mo, akala ko kung napaano ka na. Mabuti na lang talaga at hindi mo nai-lock iyong pinto kaya nakapasok agad ako."

Naramdaman ko na gumalaw siya. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumagilid siya paharap sa akin habang nakaunan siya sa sarili niyang braso. Naging uneasy ang pakiramdam ko dahil feeling ko ay tinitingnan niya ako.

"Jak..." tawag niya.

"Hmm?" tipid kong react.

"Curious lang ako. Bakit mo gustong matutong gumamit ng baril. Okay lang ba nasabihin mo sa akin? Malay mo naman, ma-convince mo ako dahil sa rason mo."

Natigilan ako saglit.

Dapat ko na bang sabihin sa ibang tao kung bakit? Na gusto kong hanapin ang pumatay sa daddy ko at patayin ito? Humarap ang ulo ko sa direksiyon ng mukha niya at nagsalita. "May tao akong gustong patayin, Marco." Seryosong sagot ko sa kanya at bumakas ang pagkagulat sa mukha niya.

TO BE CONTINUED...

BROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon