Vote, Commnet, Share, Be a follower! Much Appreciated! =)
Chapter 27 ~ Invitation
Miah’s POV
Hindi ako makapaniwala..
Talaga bang patay na si Michelle?
Kaya pala ganun na lang ang nangyayari kay Clarence..
Kaya pala ganun na lang ang sakit na naramdaman nia..
Kaya pala, ganun na lang ang tingin niya sa akin..
Hinahanap niya ung Michelle na pinakamamahal niya..
“Anong nangyari bakit namatay si Michelle? Naaksidente ba siya?”
“hindi.. ang ikinamatay niya ay ung tumor sa utak niya..”
“Di ba, mayaman naman sila, bakit...”
“Sinubukan nilang ipagamot si Michelle sa America.. pero hindi naging successful ung operation. Hindi kinaya ng katawan niya... dahil nanghihina na si Michelle both emotionally and physically.”
“Anong ibig mong sabihin? Nasa kanya naman na si Clarence di ba? Bakit hindi niya kinaya?”
“Si Clarence kasi.. nung nalaman niya na may tumor si Michelle, hindi na siya nagpakita pa sa kanya.. hanggang lumala na ung kundisyon niya.. Pinilit na nga namin ni Zander na magpakita si Clarence pero ayaw niya..
Umiyak siya sa amin ng sobra.. Sabi niya natatakot daw siya.. Masasaktan lang daw siya pagmakikita niya si Michelle na nakahiga lang sa kama.. na wala ng sigla.. Ayaw niyang makitang nahihirapan si Michelle.”
“ganun pala ang tiniis na hirap ni Clarence.”
Ang hindi makita ang mahal mo.. dumadaan ang mga araw na wala siyang magawa.. ang hintayin na lang kung gagaling ang mahal mo.. tiniis lahat ni Clarence..
“tama.. kaya nga.. ganyan na siya.. simula nun, hindi na namin siya nakitang naging masaya.. Minsan, pinipilit na lang niya.. pero hindi parin napapalitan ung sakit na nararamdaman niya... hanggang ngayon.. Miah.. bilang kaibigan.. pakiusap.. ilabas mo na si Clarence sa past niya.. huwag mo na siyang hayaang malungkot.. please..”
“Pero.. ano namang gagawin ko? Bago lang ako sa buhay ni Clarence.. sa mga taong nakapalibot sa kanya..”
“Oo, tama ka nga diyan pero, alam mo ung nakakagaan sa pakiramdam simula nung makilala ka namin.. Sigurado akong ganun din ung naramdaman ni Clarence. Plus, may hawig ka ni Michelle, kaya naman..”
“un na nga eh.. paano ko kayang palitan si Michelle? Kung nakikita lang naman niya ako bilang isang taong.... matagal ng patay?”
Hindi naka-imik si Pat sa mga sinabi ni Miah.
“Pat, nandiyan ka pa ba?”
“.... Miah.. please... kung buhay pa din naman ang dati kong bestfriend, ayaw niyang matapos na lang sa ganito ang lahat.. please..”
“Pat, ayaw ko din namang maging kapalit ni Michelle.. hindi naman ako siya eh..”
“Naiintindihan ko.. pero, subukan mo lang.. kahit konti lang na mapasaya mo si Clarence.. kahit konti lang na subukan niyang kalimutan ung lungkot na nararamdaman niya.. please.. ikaw lang talaga ang makakagawa nun..”
Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko..
“MIAH!! Kakain na! Hoy! Lumabas ka na diyan sa kwarto mo!”
“Ay hipon! Opo hipon! Ay este, Kuya.. sunod na po ako! Sorry Pat, tinatawag na ako ng kuya ko.... thank u at sinabi mo—”
“Miah, kaya ko sinabi sa iyo ang nakaraan ni Clarence, ay para maintindihan mo siya.. pero hindi lang iyon ang lahat..”
“Wait you mean meron pa?”
“hmm.. hindi ko alam kung ano pang mga nangyari dahil may mga ilan na si Clarence lang ang nakaka alam...”
“Hmm.. ganun ba? Sige, thank u ulit Pat..”
“Sige.. ay nga pala.. natanggap mo na ung *toot* *toot*”
Hmm? Naputol.. ay.. baka naubos na ung load ni Pat.. haha! Sayang.. ano ba ung natanggap na sinasabi niya?
“MIAH! .. kakain na!”
“opo kuya! Eto na nga.. eh. Oh.. palabas na ng kwaro..”
“sino ba ung kausap mo.. bakit kailangan mo pang magsara ng pinto?”
“kaibigan ko lang po..”
“sus.. baka mamaya niyan.. KA-I-BIGAN na.. hindi KAI-BIGAN?”
“Kuya naman! Anong nakain mo bakit ganyan ka na?”
“hmm? Nagdadalaga na ang Hime namin.. hahha!!”
“tssk.. kain na nga lang tayo..”
Nasapian na yata kuya ko.. hindi naman kasi siya ganito..
Pagpunta ko sa kusina namin nandatnan kong may...
O__O
“WOW! BLACKFOREST CAKE!! GOLDILOCKS TO DI BA?”
"hindi, hindi, Yellow ribbon.. baka alam mo.. tsk.. hindi naman pansin di ba?"
"Eii!! BIRO LANG NAMAN ^__^v"
Wohho!! Favorite!! ^_^
“Kuya, hindi mo naman sinasabi eh.. birthday mo ngayon? Or sinagot ka na nung nililigawan mo?”
“Tangik! Hindi noh! Galing yan sa asawa ng Director..”
Ano daw? Ung asawa ng director..
“You mean kuya.. kay..”
“Mrs. Garcia..”
Omo.... sa mama ni Clarence?! Pero, bakit?!
“oh, kasama din sa cake na yan itong letter..”
hmm? Anong meron?..
*gulp* PATAY!! O__O
BINABASA MO ANG
Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)
RomanceThis is the book 2 of I'll bet. Story po nila Clarence and Michelle ang I'll bet. If you are curious kung sino si Michelle at kung bakit patay na patay si Clarence, then basahin nio po muna ang I'll bet. Prologue: Both person was left by the other...