Chapter 44 ~ Saying goodbye and move on
Pat’s POV
“It’s all coming together.”
And again, nasasaktan ako. Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng room ko.
“Baby, are you ok?” my dad asked.
Hindi ko siya pinansin. Ayokong pumansin ng kahit sinong tao. Nararamdaman ko paring tumutulo ang mga luha ko.
Akala ko ok na lahat. Akala ko, ok na ako. Pero bakit ganito. Parang bumabalik yung sakit na naramdaman ko noong nandito pa si Michelle. Naiinis ako sa bestfriend ko. Parehas sila ni Michelle dati.
Nagkamali ba talaga ako? Purong selos na lang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Ang akala ko, ang gusto niya si Clarence. Pero ano yung mga nakita kong mga pictures? Bakit sila magkasama ni Zander at sweet na sweet?
Puno na ako sa nangyari noon na gusto ni Zander si Michelle. Ang tanga ni Zander para mahulog kay Michelle na alam niyang mahal naman ni Michelle ang bestfriend niya. Pero ngayon at mahal nanaman niya si Miah, nasasaktan ako ng sobra. Parang nagpa-ikot-ikot lang ang lahat.
Alam naman ni Miah na gusto ko si Zander di ba? Kung hindi kayang layuan ni Zander si Miah, sana inisip ni Miah na siya na lang ang umiwas. Bestfriend ko siya di ba? Pero bakit nagawa parin niya ang mga iyon?
Naiinis talaga ako kay Miah. Pareho sila ni Michelle.
Ok lang sana kung di seryoso si Zander. Pero si Miah ang pangalawang babaeng sineryoso niya kahit pa, hindi naging sila.
Paano na lang ako? Ako na lang lagi ang nag-iisa. Kapag may problema si Zander, nandoon ako para i-comfort siya. Ngayon at kailangan kong may magcomfort sa akin, kahit nandiyan sina Dad at Mom, parang di sila sapat. Gusto ko ring kahit minsan, macomfort rin ako ni Zander. Yung maramdaman ko man lang na nandiyan siya sa tabi ko.
Huminto ako sa iniisip ko nung marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ito.
“Hello?”
“Hello? Miah...”
Miah? Nagsisi-unahan ang peste kong mga luha ng mabanggit niya yung pangalan ng best.. hindi na pala.. ex-bestfriend ko na pala siya. Dahil isa siyang two timer. Nagawa niyang paikutin sa mga palad niya sina Zander at Clarence. Parehas sila ni Michelle.
“Hello... Za-Zander.. Si Pat ito.. Si Pat..” ang nanginginig at tago kong pagsasalita. Alam kong naglasing nanaman ang isang ito. Ganito siya kapag heart broken. At ganito ang mga eksena dati noong pinakawalan niya si Michelle. Yung mga panahong nagpatanga siya sa maling babae.
“Hahaha, Pat.. sorry.. ikaw pala si Pat..ang tanga ko talaga.”
Pinapakinggan ko lang yung boses niya. Alam kong umiiyak rin siya na katulad ko. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Hindi ko maiwasang hindi siya damayan. Pinapasan ko rin yung mga lungkot na nararamdaman niya. Bakit? Kasi mahal ko siya...
“Sorry ha, sorry Pat kasi, sa kagaguhan ng kompanya namin, nadamay pa yung kompanya ninyo. I’m soooooorrrrrryyyyyy... hahahah!”
Para siyang timang! Nagsosorry pagkatapos tatawa-tawa. Ang lakas na ng tama ng alak sa kanya.
“Freak! Umiinom ka nanaman! Sabi kasi sa iyo huwag kang umiinom kapag may problema. Pupuntahan kita. Nasaan ka ba?” sabi ko habang pinupunasan yung mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)
RomanceThis is the book 2 of I'll bet. Story po nila Clarence and Michelle ang I'll bet. If you are curious kung sino si Michelle at kung bakit patay na patay si Clarence, then basahin nio po muna ang I'll bet. Prologue: Both person was left by the other...