Chapter 34 ~ Konting pabor lang naman oh..

168 3 0
                                    

Chapter 34 ~ Konting pabor lang naman oh..

Nandito na kami sa bahay. Bukas, may pasok nanaman. Pumunta na ako ng kwarto ko. Si kuya naman, diretsyo na sa kwarto niya at nag-iimpake. Hay, ako at si manang nalang ulit ung nasa bahay. Bakit pa kasi may company chu-chu blah blah pang kailangang magmerge sa company namin?

Di bale na nga lang. Sabi naman din ni kuya babalik din naman agad siya kung maayos niya ung bussiness deal.

*ding dong* *ding dong*

Hmm?

“MIAH!! MAY TAO!!”

“OPO!!”

Hay, naku naman, obvious naman na tao kuya.. sige subukan mong hayop ang magdoorbell..

Pumunta na ako sa may monitor para tignan kung sino..hala? Sana huwag naman si Zander.. oh please LORD!!

“MIAH!!! (T___T)”

O__O “pa.. Pat! Anong meron?!”

“MIAH!! Kasi naman si Zander wahh!! (T__T)”

“Oh, anong nangyari?”

“kasi.. ganito.. kahapon.. teka, pwedeng pumasok??”

“Ay.. oo nga pala.. sige.. wait lang ha?”

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan, bigla kong nakita si Patricia walang tigil sa pag-iyak.. ngek, kala ko ba matapang ito?

“Miah...*sniff*”

“oh, upo ka nga muna sa sofa..”

Nung makaupo na kaming dalawa, nagsimula na rin magkwento si Pat kung bakit pumunta siya rito.

“Miah, kasi di ba nga nung nandun tayo sa clinic, may eksena di ba? Tapos edi hinabol ko naman si Zander.”

“oh? Ipaalala ba naman.. sige, tapos?”

“kasi, syempre kinocomfort ko siya.. tapos sinabi niya na gusto ka na pala niya.”

(O___O) gu-gusto na rin pala ako ni Zander? Pero, papano na si Pat..

“Pat, baka nagbibiro lang si Zander.. hehe... baka ang narinig mo ayaw niya sa akin kasi di ba nga, pinagtabuyan ko na siya?”

“hindi eh.. talagang rinig ko na gusto ka niya.. Miah... gusto mo rin ba siya?”

“ha? .. ano kasi.. HINDI syempre! Mahal mo siya di ba? Hindi ko naman kayang agawin sa iyo si Zander..”

“May problema pa nga eh.. ung company kasi nila, nabalitaan ko na magmemerge sila sa iba pang company. Hindi pa daw alam kung anong pangalan ng company na iyon. Ang sabi rin nila, para daw mangyari iyon, pwedeng magkaroon ng engagement.. Ipapakasal na si Zander.. (T__T)”

“WHAT?! E-ENGAGEMENT?! Te-teka.. biglaan naman iyon..nag-iisip ang mga magulang ni Zander?! High school palang siya ah!”

“Ewan ko ba kina tito at tita.. sinusubukan ko naman kasi silang tawagan at kausapin. Pumunta pa nga ako sa kanila, pero hindi nila ako pinapansin. Sabi din nung manong guard nila, galit sila sa pamilya namin..ang dahilan daw kung bakit bumabagsak na ung company nila ay dahil sa company namin.. May mga employees daw kasi si Papa na hindi nabantayang nangunguha ng pera at ibinebenta pa ung iba naming stocks sa iba pa naming kalaban na companies... dahil rin magkasyoso ang company namin ni Zander at Clarence, apektado silang dalawa.. pero naagapan agad nila Clarence ung nangyari kaya di sila masyadong naapektuhan. Ung company lang talaga ni Zander.. sila ung higit na naapektuhan.. huhuhuhu.. (T__T) anong gagawin ko Miah..”

“Hi-hindi ko rin kasi.. alam.. wala akong alam sa business..”

“Paano na iyan? Hindi rin ako kinakausap ni Zander. Ayaw niyang sagutin ung mga calls ko.. gusto ko rin sanang magpaliwanag sa kanya..”

Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon