Chapter 17 ~ Clarence's feelings

195 2 2
                                    

Chapter 17 ~ Clarence's feelings

 Clarence’s POV

Sinubukan ko naman eh.. Pumunta ako dun..

*flashback*

*krriinn-*

 Incoming call: Pat

 “HOY! JAY! SUNDUIN MO NGAYON DIN SI MI-..”

Alam ko naman na may tatawag.. pero hindi siya ang inaasahan ko.. Nagkunwari akong kagigising.. na walang pakialam, pero ang totoo niyan, nag-aalala na din ako na baka hindi pa siya nakakauwi..

 “Ano.. *yawn* ayos ka din Pat, alam mong siesta ko eh.. sino ba ung Mi... bakit ko naman siya susunduin?”

Nagkunwari pa ako.. kilala ko kung sino tinutukoy niya.. si Miah, iisa lang din si Miah at si Sharlene.. Nakita ko na siya nung nasa garden pa kami, nung hinahanap ko siya. Nakita ko na ang itsura niya ng walang glasses at meron..

“Ahem! Ung model kong kadate mo kanina! Ung iniwan mo sa eco park!”

 "ah... si Sharlene ba? Hmm.. pabayaan mo na un, matanda na un para alagaan.. sige.. gud night...”

 *tooot* *tooot*..

Binaba ko na ung tawag.. Kung alam lang nila.. nandito ako sa ecopark ngayon.. hindi talaga ako umuwi, pinark ko lang ung sasakyan ko sa di kalayuan.. pero nung bumalik ako.. wala na si Miah kung san ko siya iniwan..

Ang sama ko.. Oo alam ko..

Hindi ko lang kinaya.. nalilito pa ako.. hindi ko alam kung ang pagmamahal na ito ay dahil.. nakikita ko lang si Miah bilang si Michelle..

Si Michelle ang una kong minahal. Masaya ako sa tuwing nakikita ko siya. Madali siyang mahalin dahil siya lang ang tumanggap ng buong pagkatao ko.. ang nagpabago sa akin.. Ngunit ang saya na iyon naglaho dahil sa sakit niya..

Tumawag sa akin ang papa niya at sinabing sa america na daw siya magpapagamot.. Pumunta ako sa kanya sa huling pagkakataon bago siya umalis papuntang America. Doon pinangako niyang babalik siya kaya huwag daw ako aalis sa school na ito..

Ngunit, nabigla ako sa tawag ng Papa niya. Hindi naging successful ang surgery ng tumor sa utak niya..

Inilibing siya sa America at dun ko nakita ung puntod niya..

Hindi ko kinaya ang mga nangyari.. Napansin ko na lang na iba na ang trato ko sa mga tao.. Ngunit ng makita ko ulit si Miah, parang bumalik ang sigla ko.. Ngunit, tanga lang talaga ako.. hindi ko kayang bitiwan ang mga nangyari sa amin ni Michelle.. Nagalit ako kay Mitz.. hindi ko nakontrol ang sarili ko..

Ang  totoo niyan, kasalanan ko naman.. hindi pa ako nakakalimot sa taong matagal ng wala..

“MIAH!!! MIAH!!!”

Nandito na pala si Zander.

“MIAH!!!”

 “MIAH!!”

 “*sob..* *sob*”

 “MIAH!!”

 “*sob* Za-Zan...”

 “Bwus*t! HUMANDA SA AKIN YANG CLARENCE NA YAN!”

 “Zander... WAAAHHH!!!!”

 “shh... huwag ka ng umiyak.. ok ka lang ba?”

 “zander... A-akala ko.. hindi niyo na ako tutulungan.. *sob*”

 “pssh.. pwede ba yun? Importante ka na sa akin eh.. oh, tama na.. nandito na ako.. huwag ka ng umiyak..”

 “Zander.. Thank u!! THANK U TALAGA!! T___T”

Masakit sa akin, masakit sa akin na kunin ka ni Zander. Hindi pa kita kayang protektahan sa ngayon Miah..

 “Halika na nga.. naghihintay sa kotse si Pat..”

 “ok..”

Nung gabing iyon, pinag-isipan ko..

 Ayoko na.. Nakakasawa ng mabuhay sa nakaraan... sa taong hindi mo na maibabalik pa. Pati si Miah na wala namang kinalaman sa mga nangyayari, nadadamay..

 ........

Kinabukasan, nakita kong magkasama sila ni Zander na pumasok. Pinagpalit din ng upuan si Miah.. Naiinis ako.. Hindi ko na kayang kunin niya ng tuluyan si Miah..

 Lumapit ako sa kanila.. kailangan naming mag-usap ni Zander.

“hoy!”

Biglang pumagitna si Pat..

 “hoy.. huwag naman na kau mag-away niyan oh.. Nasa school tayo..”

Hindi ko na pinansin si Pat.

“Zander, mag-usap tayo..”

 “Mabuti at sinabi mo din..”

Tsk.. kailangan ng matapos ang dapat tapusin..

........

*thugs!*

“PUT*NG IN* ka Clarence! Bakit iniwan mong mag-isa si Miah?! Huh?!”

 “hindi ko siya iniwan..”

*thugs!*

“sinungaling! Kung hindi mo pala siya iniwan, edi hindi dapat siya natatakot mag-isa nung sinundo ko siya!”

 “Sinubukan kong lumapit pero, bumabalik lang si Michelle sa tuwing nakikita ko si Miah!”

 “tsk! Pwede ba! Tumigil ka na! Gumising ka na! WALA NA SI MICHELLE! Naiintindihan mo ba ha?!”

*thugs!*

“haha.. alam ko naman eh, kaya nga ngayon, susubukan ko.. susubukan kong hindi na alalahanin pa si Michelle..”

 “Clarence.. pinagbigyan na kita.. Ibinigay ko si Michelle sa iyo, dahil ang akala ko, proprotektahan mo siya.. pero anong ginawa mo? Sa araw lang na paalis siya, dun ka lang dumalaw? Alam mo bang, ilang beses kong nakita at naramdaman ang lungkot niya? Alam mo bang masakit sa akin na nandun ako pero ang hinahanap niya ay ikaw?”

 “Sorry, hindi ko din kasi kayang makita siyang naghihirap.”

 “Tsk! Duwag ka! Sa pagkakataong ito.. hindi ko na hahayaang malungkot pa si Miah.. Oo, may hawig nga siya ni Michelle.. pero hindi ko siya itinuturing na siya si Michelle.. Pare, si Miah yan at hindi si Michelle.. ibang tao.. may pakiramdam siya.. at ayaw kong pati siya, masasaktan.. Hindi ko na gagawin ang pagkakamali ko.. hindi ko na siya ibibigay sa iyo..”

 “Huwag kang mag-alala.. iiwas ako.. iiwas ako sa pagkakataong ito, dahil ayaw kong madamay pa siya..”

Ewan ko kung anong sumagi sa isip ko, pero nung kasama ko siya sa date kahapon, sumigla ang pakiramdam ko, parang sa pagkakataon ding ito, ayaw ko siyang mawala ngunit masasaktan ko siya..

 “tssk.. sa tingin mo, ganun na lang kadali iyon?”

 “haha.. alam ko.. :) Nga pala, balak ko na ding itigil pa ang pustahan namin.”

 “P*TANG..!”

 “Siya naman ang nakipagpustahan at hindi ako..”

 “tsk..bahala ka diyan..”

Sa pagkakataong ito.. wala na ang pustahang ginawa namin ni Miah... iiwas ako, para hindi ko siya masaktan..

Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon