Chapter 40 ~ Forever by yourside

68 2 1
                                    

A/N: Hi! Wow, sobrang tagal ko ng di nakapagUD ulit.. Shout out po kay KRISTEL JOY LIVARA :D Siya nag-udyok na magUD daw ako.. hahaha.. Hinay lang sa kakiligan ha?

Chapter 40 ~ Forever by yourside

Pagkatapos ng kadramahan naming dalawa, parehas kaming nahiga sa may kama. Ung isa niyang kamay pinaglalaruan ko, habang ung isa nahihigaan ko. Buti hindi siya nangangawit.

Natutulog siya. Tinititigan ko lang ang mukha niya. Ang gwapo talaga! Ang swerte ko pa at nakahanap pa ako ng nilalang na ito.

Pero, kaya ko ba siyang pagtiwalaan? Paano na lang kung napipilitan lang pala siyang mahalin ako? Paano na lang kung arte lang ang lahat? Paano na lang kung panaginip lang ang lahat ng mga nangyayari? Paano kung bangungot ang lahat nang ito?

Hindi ko naman masisisi ang sarili ko para isipin ang mga ito. Ang bilis kasi ng mga nangyayari sa amin.

Normally, ayaw niya akong tanggapin. Ang init palagi ng ulo niya at ayaw pa niya akong makita dahil sa hawig ko si Michelle. Pero bakit kaya biglang nabaliktad ang mundo ko?

Ngayon na ayaw na niya akong umalis sa tabi niya. Ngayon, nasabi niyang gusto niya ako. Ngayon, masaya ako na kasama ko siya.

Ano bang nangyayari?

~Ringtone: When I’m with you by Faber Drive

Hmmm? Phone ko ba iyon?

Dahan-dahan akong gumalaw kasi baka, magising si Clarence.

Phone ni Clarence ung tumutunog. Unregistered number naman ung nakalagay. Sasagutin ko ba? Oo? Baka kasi emergency.

Pumunta muna ako sa may veranda ng room namin at sinara ung glass window. Baka kasi magising si Clarence, lagot ako sa kanya kung malaman niyang pinapakialaman ko ung phone niya.  

Nung nasa may veranda na ako,pinindot ko na lang ung answer button.

“Hello?”

Nag-aantay ako ng sasagot pero wala namang sumasagot sa kabilang linya.

Tinignan ko naman na ongoing parin ung call. Ano kayang problema neto?

Teka, baka koreano.. wait nga, ano na ulit ung hello sa Korea..

Ah! “Yoboseyo?”....

Sana naman sumagot ung nasa kabilang linya. Sayang naman kasi ung pantawag niya.

*tooot..tooot..tooot*

Ay, binabaan? So ganun... Tuwing sasagot ako ng tawag, walang iimik. Ano bang meron sa mga tumatawag. Hay naku.

“AY! KALABAW!”

Paano ba naman, pagkatalikod na pagkatalikod ko, nakita ko sa may glass door nandun si Clarence ang sama ng tingin.

Mataray nanaman ang drama ng lalaking ito. Naku naman..

“So-sorry, may tumawag eh, unregistered number. Akala ko sina mama or papa, baka kasi may emergency kaya sinagot ko na lang.”

“Unregistered number?”

“Oo.”

Kumunot ng konti ung noo niya. Inabot ko na sa kanya ung phone niya at tinignan ang number na tumawag kanina.

“Sino naman kaya ang tatawag, private sim ko ang gamit ko ngayon. Teka, naka-usap mo?”

“Nope.  Hindi nga umimik eh..”

“Is that so? Fine. Mamaya ko na lang aalalamin kung sino ung tumawag. Get ready. Were going to leave.”

Saka na siya tumalikod. Tignan mo to. Ang bossy kahit kailan!

Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon