Chapter 29 ~ A chance to be with...?

191 3 0
                                    

Chapter 29 ~ A chance to be with...?

Miah’s POV

“Hindi mo na lang sana ako pinigilan kanina.”

“Haha! Kung hindi ba, sinuntok mo na siya at dinala mo na lang ng ospital?”

Palabas na kami ng bahay ni Clarence.

“Hmm, siguro.. pero pwede na ring sa sementeryo na lang ang diretsyo niya..”

O__O A-ano daw? May balak ba siyang patayin si Clarence?

“Hahah! Grabe naman ang biro mo.”

“Hindi naman biro eh, sabihin mo lang at gagawin ko.”

O__O Hu-what?!!

“UY! HUWAG!!!!”

“hahahha! Ito naman, biro nga lang iyon..”

Ako kaya kinakabahan sa mga biro mo! >__<

"Nga pala, bakit ayaw mo paring alisin yang braids at salamin mo, kahit nasa school pa tayo?"

"Hmm? Kasi mas relax ako pagnakaganito. Idagdag mo pang magiging kamukha ko pa si Michelle."

“Ah,... ayos lang ba kung tanggalin ko na lang yang salamin mo? 

"eeh?"

Hindi ko napansin, tinanggal na pala si Zander ung mga salamin ko.

"That's more like it. ^__^"

SIOPAO naman oh.. ang cute ni Zander.. >///< Hanu ba yan, kanina lang, naiinis ako kay Clarence, ngayon kinikilig ako.. bipolar ba ako?

"Oh, tago mo muna."

Saka niya iniabot sa akin ung salamin ko.tinago ko nga muna un sa bulsa ko. Ayaw ko ng ilagay pa sa bag.. katamad eh.. haha!

"Kamustang pakiramdam mo?”

“Ah, okay na ako. Gumaan na din kahit papano.. Ayaw ko lang ung nangyari kanina, sa buong buhay ko kasi, ngayon lang ako napahiya ng ganun.. isama mo pa ung nakaka-inis na mukha ng Clarence na iyon!! Hay!”

“Sa tingin mo, bakit kaya niya ginagawa sa iyo ang mga ito?”

“hmm..? hindi ko alam, siguro dahil kaya ayaw niya sa akin?”

Sa totoo lang, wala din akong maisip na dahilan.

“Kahit na alam nating hawig mo si Michelle? Hindi ba dapat kabaliktaran pang nangyayari sa inyo ngayon? Hindi ba dapat mamahalin ka niya ngayon?”

Napaisip ako dun.. Tama nga si Zander. Bakit nga ba niya ginagawa ang mga ito sa akin?

“Hindi ko rin alam eh. Pero, ayos na rin un! Lumalabas kasi ung ugali nung Clarence na iyon..! Mas tumatagal--”

“Mas minamahal mo siya?”

“Hi-Hindi noh!!”

“Eh, bakit namumula ka?”

“Hindi ako namumula!”

“Padeny ka pa, halata na gusto mo siya..”

“Hindi nga sabi eh..!”

Hindi na ako pinansin, mas nauna pa siya sa paglalakad! Syempre hahabulin ko.. naman kasi eh..

“hoy!! Saglit lang!!”

“Ang bagal mo naman kasi, bilisan mo!”

Sinasabi niya habang nakatalikod siya.. Bakit naman kasi ang bilis naman maglakad ng lalaking ‘to!

Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon