Chapter 46 ~ Why..

45 0 0
                                    

Author's Note:

Please play the song :) I will by Chelsy (Ao Haru Ride soundtrack)

Chapter 46 ~ Why..

Miah’s POV

“Zander!”

Nakita kong nakayuko at hindi umiimik si Zander.

“Anong nangyari?! Nasaan si Pat!” ang sabi ko sa kanya habang niyuyog-yog ko siya. Nanginginig ako sa balitang natanggap ko ngayon.

Hindi ko inaasahan na gagawin ni Pat iyon.

“Zander please magsalita ka.. Kamusta si Pat?”

Umiiling lamang si Zander.

May biglang lumabas mula sa isang kwarto.

“Zander!” sigaw ng isang babae.

*slap!*

“SIMULA NGAYON, HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAKITA SA ANAK KO! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAGLASLAS!” umiiyak na sabi ng isang babae habang ang isang lalaki naman ay pinipigilan ang babae sa pagsuntok at pagsampal kay Zander.

Nandoon lamang ako sa tabi. Umiiyak. Walang alam sa mga nangyayari.

Pumasok ako sa loob ng kwarto. Doon, nakita kong nakaupo lamang si Patricia. Nakatulala.

“Pat!” bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Mabuti naman at ok siya. Ang nasabi lang ni Zander sa akin, naglaslas si Patricia. Nakita na lamang siya ng kanyang yaya na duguan. Hindi ko kayang mawala ang bestfriend ko. Saglit lang ang panahon na nagkasama kami, pero sobrang bait niya sa akin. At hindi ko kayang-

“Umalis ka.”

“H-Huh?” Ta-tama ba yung narinig ko? Sabay bitaw ko ng pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang may mali kay Pat.

“Bingi ka ba?! Sinabing umalis ka!!” sigaw ni Patricia habang inaalis niya ang mga hawak ko sa kanya.

Nagsimula nanaman akong umiyak.  “Pat, bakit? Anong nangyayari sa iyo? Bakit galit na galit ka? Ok lang naman tayo di ba?” ang sabi ko.

“Ok?! Ano ka bulag?! Sa tingin mo, ok lang ako?!” sarkastikong sabi niya.

“Kung ganun, anong problema?!” ang sabi ko.

“IKAW! IKAW ANG PROBLEMA! SANA IKAW NA LANG ANG NAMATAY! SANA, IKAW NA LANG ANG PINATAY KO!  SANA, HINDI NA LANG KITA NAKILALA PARA HINDI KA NAGUSTUHAN NI ZANDER!”

Nakikita ko mula sa mga mata niya ang mga luha, ang kinikimkim niyang galit sa akin.

“Zander?! Siya ba ang dahilan?! Yun bang kumalat na pictures namin kaya ka nagseselos?!”

“OO!”

“Pero, Pat, set-up lang ang lahat! Alam mo naman na hindi ko siya mahal!”

“Yun na nga eh! Ikaw ang mahal niya, pero wala kang pakialam sa kanya, kaya siya nalulungkot! Mahal ka niya! Pero sinasaktan mo siya! Ako, ako na lagi ang nagpapatahan sa kanya, palagi ko na lang siyang nakikitang malungkot.... simula noong mamatay si Michelle. Sobrang nasaktan si Zander. Ako ang umaalalay. Ako na lang lagi.. Mali ang desisyon kong magkakilala kayo! Kahit na nasa tabi niya ako, ikaw ang nakikita niya! Ni hindi niya akong magawang tignan!  SH*T KA! UMALIS KA NA! HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN!”

Wanna Bet? COMPLETE (Book 2 of I'll Bet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon