PROLOGUE

515 32 11
                                    

Naranasan mo na bang ma-bully? Yung tipong araw-araw kang pinagtitripan at pinapahiya sa harap ng madaming tao? Yung sasaktan ka hindi lang pisikal pati emosyon mo paglalaruan din nila? Ako oo. Immune na ako dyan. Kasalanan ko bang maging pangit? Tipong hindi nawawalan ng tigyawat sa mukha(ang landi kasi ng pimples ko eh), maitim, dry ang buhok, at pandak. Nahiya na nga si Bakekang sa kapangitan ko e.



Ako nga pala si Chetara Ruiz a.k.a Bebang. Ang layo ng palayaw sa totoo kong pangalan noh? Hindi daw kasi bagay sa itsura yung totoo kong pangalan. Kaya tinatawag nila akong Bebang. Hustisya nasan kaba? Ba't nagtatago ka sa pangit na tulad ko? Juicecolored! Ang mga tao kasi masyadong mapanghusga sa pisikal na kaanyuang tinataglay mo. Ang makata ko na ba masyado? Sorna nga.

Neways, bata palang ako iniwan na ako ng tatay ko sa tiyahin kong bungangera. Halos lahat ng tao nilalait, inaalipusta, at tinatapak-tapakan lang ang pagkatao ko. Ni isa walang nakikipag-kaibigan sa akin. Kesyo pangit daw ako, kesyo baka madamay sila sa panlalait sakin at kung anu-ano pang dahilan. Lahat na ng paraan ginawa ko na para gumanda, tipong pang-mahirap lang. Katulad mg paglalagay ng honey sa mukha, puti ng itlog, at kung anu-ano pang mga paraan. Kaso wala talaga e. Tadhana ko na talaga siguro ang maging pangit. Di ko kasi afford ang mga facial chuchu na yan.

Nawala lahat ng paghihirap ko simula nang malaman kong anak pala ako ng isang Mafia Boss na isa din sa pinaka-maimpluwensyang tao dito sa bansa. Nagbago ang buhay ko dahil dun. Kaya pinangako ko sa sarili ko na lahat ng taong inalipusta't inapi ako ay magbabayad. Matitikman nila ang tamis ng aking paghihiganti. Ang paghihiganti ni Bebang.

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon