"Tyang?" Tawag ko kay mamang nang matapos kaming kumain.
"OH BAKIT NANAMAN? HIHINGI KA NG PERA? BWISIT KA! WALA KA NA NGANG TINUTULONG DITO SA BAHAY HIHINGI KA PA NG PERA? ANG KAPAL NG MUKHA MO."
=_________________=
Ang OA talaga ni mamang.
"Tyang! Magpapaalam lang po sana ako na lalabas kami ng kaibigan ko mamaya." Malambing kong sabi sa kanya. Aba! Kailangan sa buhay 'yan. XD
"BAWAL!" Walang pakundangan niyang sabi. Expected ko na 'to e.
Bigla namang may kumatok sa pintuan.
"Tao po." Naku po. Si Three nandito na. Kinakabahan ako sa magiging asal ni mamang.
"SINO NAMAN 'YAN?" Galit na tanong ni mamang at pumunta sa pintuan.
"Ako po pala si Three. Kaibigan ni Bebang." Pagpapakilala ni Three kay mamang.
"Ikaw ba ang makakasama lumabas nitong si Bebang? Pasok ka. Pasok." Wow. Nakaka-speechless ang pagiging mabait ni mamang. Gusto kong pumalakpak. Actually napapalakpak na ako.
"Bakit ka pumalakpak dyan? Mukha kang tanga." Mahinang sabi ni mamang.
"Hindi mo naman sinabi sakin na pogi pala 'tong kaibigan mo at mayaman pa." Bulong sakin ni mamang.
"Ipapaalam ko po sana si Bebang. Niyaya ko kasi siyang makipag-date sakin. Pwede ho ba?" Awe. Feeling ko ang ganda ganda ko talaga. Syempre feeling lang 'yun. Nagrereact ka e. Ikaw na maganda.
"MAKIPAGDATE? Ah... eh... pasensya. Akala ko kasi gagawin mong chaperon itong si Bebang e." Pilit na ngumiti si mamang.
"Naku hindi po. Yayayain ko po talaga siyang makipagdate sa akin." Depensa ni Three.
"Osige."
Homaygad!! Osige daw? Pumayag si mamang? Uwaaaah! I wanna cry na talaga. Ang bait talaga ngayon ni mamang. Sana forever na 'yan mamang.
"Wag po kayong mag-alala ibabalik ko ng buo dito si Bebang." Natutuwang sabi ni Three.
"Kahit 'wag na." Biglang sagot ni mamang na ipinagtaka ni Three.
"Ah... ibig kong sabihin ano... uh.. ah basta 'yun." Sabay tumalikod na si mamang.
"Narinig mo naman diba? So, tara na?" Sabay lahad niya ng kamay sa akin.
"Hep. Kita mong hindi pa ako nakabihis. Tingnan mo nga itong suot ko oh." Sabay turo sa nakapambahay ko pang damit na may butas pa sa kili-kili.
"Ako na bahala."Hinila niya ako palabas ng bahay at isinakay sa magarang kotse niya.
Dinala niya ako sa mall at pinilian ng damit. Sobra nga makatingin sa akin 'yung mga sales lady.
"Sir ambait nyo naman po sa katulong niyo. Binibilhan niyo pa po siya ng damit." Sabi nung isa sa mga sales lady.
"She's my girlfriend. Don't you dare insult her." Naiinis na binalingan nito ang sales lady.
"Tara na nga babe. Sa iba nalang tayo bumili ng damit mo." At hinila niya ako paalis. Ang hilig nito sa hilaan. Mukha bang lubid 'tong mga kamay ko para hilain niya ako ng hilain?
"T-teka po sir." Pigil ng babae sa amin pero hindi na ito pinansin pa ni Three.
"Ayan bagay sayo." Puri sa akin ni Three nang makalabas ako ng dressing room.
"Kailangan ko ba talagang suotin ito?" Nag-alalangan kong tanong sabay tingin sa kulay puting floral dress na suot ko.
"Oo. Mas maganda ka nga sa damit na 'yan e."
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF BEBANG
Fiksi RemajaMeet Bebang. An ugly and black girl who's being bullied by others na nawawalang anak pala ng isang mafia boss at isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa. Simula nang malaman niya na anak siya ng isang mafia boss, pinangako niya sa sarili niya na...