Nakakalungkot naman. Ilang araw na akong tahimik sa klase. Kasi naman si Miles nag-out of town sila ng pamilya niya. Ang gara ng buhay niya noh? Sana kasi mayaman nalang din talaga ako katulad ni Miles.
Dahil wala siya, ang lagi kong kasama ay walang iba kundi si Three na boyfriend ko. Ang sweet niya. Di siya nagkakamaling pangitiin ako lagi. Wala akong masabi sa mga effort na ginagawa niya para mapasaya ako.
Nung nasa canteen kami, ang sama na naman ng tingin sa akin ng mga tao sa paligid. Nakaakbay kasi sa akin si Three tapos sinusubuan ako. Si Three naman parang walang pakialam sa paligid. Sinabihan ko na siya na tanggalin ang pagkakaakbay sa akin pero ayaw niya. Kaya wala na akong nagawa. Ayun patuloy akong pinapatay sa titig ng mga estudyante sa paligid.
"Sila ba? Yuck! Pumatol si Three sa pangit na 'yan? Kakadiri." Rinig kong sabi 'nung babae sa kabilang table.
"Ginayuma niya siguro si Three." Sabi naman ng babaeng katabi niya.
"Ang kapal talaga ng mukha niyang landiin ang Three natin." Naiinis na sabi ng isa pa nilang kasamahan.
"Babe--"
"Shh. Wag ka munang maingay." Pagpapatahimik ko kay Three at tinalasan lalo ang pandinig.
Bigla namang tinakpan ni Three ang tenga ko.
"Teka." Tanging nasabi ko.
"Gusto ko boses ko lang ang marinig mo. Okay? Wag mo silang pansinin. Masasaktan ka lang." Seryoso niyang sabi sa akin sabay biglang kumindat.
Loko talagang lalaking 'to.
"Ang landi mo oy." Hinampas ko siya ng mahina.
"Pati ba naman dito sa canteen. Tss." Biglang may nagsalita sa likod namin.
Napatingin kami ni Three sa likod namin.
"Bro. Andyan ka pala. Masanay ka na nga kasi sakin." Nginitian nito si Bienne.
Habang si Bienne ay tumingin sa akin at inirapan na naman ako.
Omg. Pangalawang beses na 'to. Galit ba siya sakin kasi ako ang gusto ni Three at hindi siya? Bakla si Bienne?
O________OIt can't be. Aysh! Shatap brain. Kung anu-ano naiisip ng may fungi kong utak e.
"Dude watch this." Sabi ni Three kay Bienne.
Tumayong bigla si Three.
"Guys. I want to tell you something." Malakas na sabi nito na nakaagaw ng atensyon ng Lahat ng mga estudyante sa loob ng canteen.
"To make y'all shut up. I just want you all to know that Bebang is now my girlfriend. Understand that? Touch her and i will kill you." Sabay umupo ulit ito.
"Ano bro? Okay ba?" Binalingan nito si Bienne na walang imik na kumakain.
Pagkatapos sabihin iyon ni Three mas lalong lumakas ang bulong-bulungan sa loob ng canteen. Halos lahat sila nagulat sa sinabi ni Three. Kahit nga ako nagulat sa ginawa ni Three e. Kinilig na naman ako which means lumaki na naman butas ng ng ilong ko.
Ang sasakit nanaman ng mga sinasabi nila tungkol sa akin. Well, masanay nanga lang ako. Ang mahalaga mahal ako ni Three. Yiee ang landi ko.
Hinatid na ako ni Three pagkatapos naming maglunch. Nang wala na si Three ay hindi muna ako pumasok sa classroom. Naglakad lakad muna ako. Nagulat naman ako nang harangin ako ng limang babae at isa dun ay si Yami.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF BEBANG
Teen FictionMeet Bebang. An ugly and black girl who's being bullied by others na nawawalang anak pala ng isang mafia boss at isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa. Simula nang malaman niya na anak siya ng isang mafia boss, pinangako niya sa sarili niya na...