Ngayon nga pala ang try out ni Four ay este Three sa volleyball.
"Mimi. Tara nuod tayo ng try out sa volleyball boys." Aya ko sa kanya,
"Sorry Bebs pero may pupuntahan pa ako ngayon eh. Ikaw nalang muna ha. Osiya mauuna na akong umuwi sayo. Bye Bebs." Sabay kiss niya sa pisngi ko at umalis na.
Pagkaalis ni Mimi ay agad akong tumungo sa field para manuod ng try out ni Three. Pagdating ko doon, agad akong umupo sa may bench malapit kina Three. Nang tumingin siya sa direksyon ko ay agad akong kumaway at kinawayan din niya ako pabalik.
Wala akong masabi sa sobrang galing ni Three maglaro. Naiinlove na ata ako. Kyaaaah! Ang pogi niya lalo.
Pagkatapos nilang maglaro ay agad silang nagkumpulan kasama ng babaeng coach ng volleyball. Napatingin naman sila sa direksyon ko at seryoso akong tinitigan ni Three. Anong meron?
Nagpaalam na sila sa isa't isa habang hinihintay ko siya na lumapit sa akin.
"Bebang hatid na kita pauwi." Pambugad sa akin ni Three. Pero teka. Ano? Hahatid niya daw ako? Omo.
"Wag na Three. Nakakahiya naman noh. Makaka-istorbo pa ako sayo." Sabi ko kahit labag sa loob ko.
"Ano ka ba naman Bebang? Ngayon kapa ba mahihiya? Friends na tayo diba? Kaya hayaan mo na akong ihatid kita sa inyo. Okay?" Hindi na ako nakatanggi. Dahil gusto ko din naman. OO na malandi na ako. Minsan lang may maghatid na pogi sa akin kaya lulubusin ko na.
"Sige na nga. Tara na." Aya ko at sabay kaming naglakad palabas ng gate.
"So, ano? Nakapasa ka ba sa try out?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.
"Ahh... Wala pang resulta eh. Sa susunod na linggo pa daw namin malalaman." Sagot niya.
"Ganun ba? Sigurado akong makakapasok ka. Ang galing mo kanina. Promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para mapatunayang nagsasabi ako ng totoo.
"Alam mo Bebang. Kahit hindi na ako makapasa sa try out, basta pasado ako sa puso mo. Okay na ako." Ramdam ko namang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Three. Kahit ang korni.
"Anong trip yan Three? May lagnat ka noh?" Kinapa ko naman ang leeg niya para icheck kung may sakit nga siya.
"Wala akong sakit. Ano ka ba? Kung may lagnat man ako, yakapsul at kisspirin mo lang gagaling na ako." Ramdam ko namang nakatitig siya sa akin habang binibigkas ang mga salitang yan. Habang ako, na-aawkwardan na sa nangyayari.
"Sira ka talaga. Tama na nga yan. Baka kagatin pa kita." Pag-iiba ko ng usapan.
"Osiya. Dito nalang ako Three. Wag mo na akong ihatid sa loob." At tumalikod na ako sa kanya.
"Teka lang Bebang." Hinila niya ako pabalik at biglang hinalikan
.
.
.
.
sa pisngi. Masyado kayong atat ah. Dadating tayo dyan. Hahaha!
"Three." Tanging nasabi ko at hinawakan ko ang parte ng pisngi ko na hinalikan niya.
"Sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko." Paghingi niya ng paumanhin.
"Wala 'yon. Sige mauna na ako. Bye Three." Ang awkward! Tumalikod na ako at naglakad papunta sa bahay namin. Lumingon ako ng isang beses pa para tingnan kung naka-alis na ba si Three pero laking gulat ko nang nadoon padin siya at seryosong nakatingin sa akin. Kumaway naman siya bago tumalikod at umalis.
Hinalikan niya ako sa pisngi. Waaah! May gusto na ba siya sakin? Meged! First kiss ko yun sa pisngi. Tapos pogi pa. Kyaaah. Pwede na akong mamatay. Ang OA ko na ba? Ekeshenemen.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF BEBANG
Teen FictionMeet Bebang. An ugly and black girl who's being bullied by others na nawawalang anak pala ng isang mafia boss at isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa. Simula nang malaman niya na anak siya ng isang mafia boss, pinangako niya sa sarili niya na...