Chapter 11

137 7 1
                                    

Sabay kaming pumasok ni Three kaninang umaga. Gaya nga ng sabi niya kagabi, susunduin daw niya ako. Pagkagising ko nga kanina tinanong agad ako ni mamang kung may tinake-out daw ba ako kagabi. Niratratan na naman ako nung sinabi kong wala.

"Bebs!" Masiglang tawag sakin ni Miles.

"Oh. Mukhang good mood tayo ngayon ah. May nangyari ba?" Sabay lagay ng notebook ko sa bag. Kakatapos lang kasi ng klase namin ngayong umaga.

"Eh kasi naman Bebs, nagkatitigan kami tapos kinausap niya ako. Kyaaah! Finally napansin niya na ang beauty ko." Kilig na kilig niyang sabi with matching malakas na hampas sa balikat ko.

May kaibigan ba kayong ganito kiligin? Haruu. Kawawa ka naman. Ginawang tambol ang balikat mo.

"Nino ba?" Takang tanong ko.

"Yung crush ko na ikinukwento ko sayo lagi. Yung dahilan kung bakit ako lumipat dito." Paliwanag niya.

"Ah oo. Nakuha mo na ba ang number niya?" Excited ko namang tanong.

"Hindi e." Sabay bumusangot ang mukha niya.

"Alam mo kung ako sa posisyon mo habang nagtititigan kami, kikindatan ko siya tapos magfa-flying kiss ako sa kanya tapos didilaan ko ang sarili kong labi para matakam siya sa akin.Parang ganito oh." Dinemo ko naman kung paano. Mukhang nandiri pa nga siya sa ginawa ko e.

"Ang totoo niyan ginawa ko na ito dati. Alam mo kung anong response sakin nung nakatitigan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ano?"

"Edi pinakyu niya 'ko. Ang saklap. Akala niya siguro baklang rapist ako." Seryoso kong sabi.

"Hahaha. Tama na nga 'yan. Halika na't kumain na tayo." Aya nito at bigla nalang akong hinila palabas ng classroom. Yung mga tao ngayon puro hilaan ang alam.

Nilibre nanaman niya ako ng lunch. Kahit ilang beses akong tumanggi sa offer niya na ilibre ako lagi padin siyang nananalo sakin. Kaya no choice ako kundi ang magpalibre nalang.

"Sa susunod nga. Wag mo na akong ilibre please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Tumigil ka nga dyan Bebs." Sabi niya habang ngumunguya ng pizza.

"Sobrang nakakahiya na sayo. Saka baka kung ano pang sabihin ng ibang tao sakin. Ang pangit ko na nga, ang pangit pa ng tingin sa akin ng ibang tao. Wag ganun." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Eh. Wala akong pake sa iniisip nila. Ang mahalaga busog ka at alam kong mabuti ang kalooban mo." Sabay sinubuan niya ako ng fries.

Sa gitna ng pagkukwentuhan namin ay biglang dumating si Yami. Remember her? The demonic slash Queen Bee of this school.

"Look who's here. A Goddess and the ugly poor gold digger duckling." Pambungad niya sa amin at napayuko nalang ako dahil alam kong lalaitin niya na naman ako ng todo todo.

"Hi Miles. You know what? Hindi maganda sa paningin na magkasama kayo nitong pangit na 'to." Sabay turo ni Yami sa akin. Ramdam ko 'yun kahit nakayuko na ako.

"Excuse me?" Halata mong may pagtataray na sa boses ni Miles. Di ko makita ang itsura niya ngayon dahil nga sa nakayuko ako.

"Alam mo bang tinitake advantage kalang nitong babaeng pangit na 'to. Siguro nga sa loob-loob niya ay tuwang-tuwa siya kasi may nauuto siyang kasing yaman mo."

"Shut up!" May gigil na sa boses ni Miles.

"Gold digger siya. At alam kong alam mo 'yon. Pineperahan kalang ng pangit na 'yan. Kaya kung ako sayo, wag kanang magtitiwala dyan kay Bebang. Tingnan mo nga ang itsura niyan oh. Mukhang bulldog na holdaper." Medyo sumasakit na ang mga salitang binibitawan ni Yami. Below the belt na masyado ang pinapakawalan niyang salita.

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon