CHAPTER 4

196 13 11
                                    


Laking pasasalamat ko ng makabalik ako sa room na wala pang teacher. Agad akong umupo sa upuan ko.


Napatingin naman ako sa direksyon ng upuan ni Bienne at nakita ko siyang nakatulala habang nakikinig ata ng music, naka-headset eh.


Tumayo ako at parang nag-aalangang lapitan siya. Pero dahil maitim ang mukha ay este makapal ang mukha ko, nilapitan ko siya.


"Bienne." Mahinang tawag ko habang nasa gilid niya.


"May sasabihin sana ako." Dagdag ko pa.


"Oy! Bienne, may sasabihin ako." Kaso parang wala siyang naririnig.

Galit ata siya. Oh no! Galit sakin ang mylabs ko. Magkaibigan lang kami ni Three. Hindi kita ipagpapalit. Sayo lang ako Bienne.

Chos lang. ^_______^

Lumingon muna ako sa kaliwa bago sa kanan. Chineck ko lang kung may makakarinig ba ng sasabihin ko.


"Babe! Uwi kana. Di na ako galit." Mahina kong bulong kay Bienne bago humagikhik.



Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pading imik si Bienne. Nakatulala padin ito.


Alam ko na!


*Light bulb*


Bigla akong umupo sa kaharap niyang upuan ng nakaharap sa kaniya.


Mukha niya ---> O_O

Odiba? Effective.

Natakot lang naman siya sa itsura ko. Hahaha! Atleast nagising siya sa pagiging tulala niya.


"O_O" Si Bienne padin yan.


Kinaway kaway ko na ang kamay ko sa harap ng mukha niya. Pero walang epekto.


Omo! Na-trauma siya sa itsura ko? Ganun ba kasagwa at nakakatakot ang mukha ko?


"Oy! Bienne." Winagayway ko uli ang kamay ko.

"O_O" Siya.

"Hoy Bienne!" Tutusukin ko na sana ang mata niya kaso biglang kumurap.

"Wag ka ngang nanggugulat." He rolled his eyes.


Inirapan niya ako? Baka bakla 'to. Wag naman sana.


Napa-sign of the cross pa ako.


Binigyan naman ako ni Bienne ng what-are-you-doing look.


"^______^v" Ako.


"Diba sabi mo kanina may sasabihin ka?" Tanong ko.

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon