CHAPTER 3

202 15 26
                                    

Maaga naman akong pumasok kinabukasan. Nagluto nadin ako ng umagahan ni tyang habang tulog pa siya. Ayoko kasing maratratan na naman ng mala-shot gun niyang bunganga. Panira ng araw eh.

Mag-aalas syete na nang makarating ako ng school. Mangilan-ngilan palang na estudyante ang nakikita ko. Habang wala pang klase at maaga pa naman, i decided na tumambay muna sa field kung saan ako tumatambay tuwing hapon. Ewan ko ba. Feel kong tumambay ng umaga eh. Wag kang KJ.

Nang makarating ako sa field, agad akong umupo sa gilid ng puno kung saan may mauupuan kang bench.

"Ang sarap talagang mapag-isa." Eto na naman ako, kakausapin ang sarili ko. Sanay naman na ako eh.

"Pero mahirap din. Kasi naman Bebang bakit ang pangit mo?" Sinapak ko ang sarili ko, sinuntok ko din, pagkatapos tinadyakan ko tapos nilaslas ko ang leeg ko. Tigok!

De joke lang oy.

Para namang kaya kong kitilin ang sarili kong buhay. Takot ako kay papa Lord noh.

"Ang hirap ng walang nasasabihan ng mga hinanakit mo sa buhay." Bigla naman akong nalungkot.

"Baliw ka ba?"

O_O

>___>

<____<

May nagsalita? Wala namang tao ah. Waaaaah! Mamang help.

Napayakap nalang ako sa sarili ko. Baka totoo yung sinasabi nilang may kaluluwang ligaw daw dito na nagpaparamdam.

"Baliw ka nga."

O.O

Nagsalita siya ulit.

"Sino ka? Waaaaaah! Pasensya na kung nagambala ko ang pananahimik mo. Promise di na ako babalik dito." Takot na takot kong sabi.

"Hahaha!" Maliit siyang tumawa.

Waaah. Baka may balak siyang masama sakin? Baka rereypin ako ng multong to. Oh no. Ayoko magkaroon ng anak na multo.

Naiihi na ako sa takot.

"You're so pathetic." Rinig ko ulit na nagsalita siya.

Englishero ang multo? Ay angtaray. Baka naman kano to.

Bigla namang may nahulog na sapatos sa ulo ko.

"Aray! Ang sakit nun ah. Sinong may gawa nun?" Agad naman akong napatingala.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Omg! Omg! Omg! Omg! Omg! Omg! Omg! Ay ano ba Bebang? Shanggala naman oh.

Kasi naman si Bienne pala yung nasa taas ng puno. Oo si Bienne nga.

Yung mga mata niya lalong sumingkit kasi natatawa siya. Alam nyo bang first time kong makita siyang tumawa? Waaah! Ang pogi lalo.

"Alam mo bang ang tanga mo?" Sabi niya na parang natatawa pa.

"Ano? Ako tanga? Aray ko naman." Nakasimangot kong sabi.

"Pagkamalan mo ba naman akong multo? Tsk. Bubblehead!" Ang liwanag ng mukha niya. I mean basta yun. May kakaiba sa mukha niya. Parang ang saya niya.

"Malay ko bang ikaw pala yan. Alam mo bang tinakot mo ako ng husto? Muntik pa akong maihi." Paninisi ko sa kanya at tumawa lang uli siya.

Siguro iniisip niya na ang fc ko.

Bumaba naman siya sa puno. Buti naman noh? Ang sakit kaya sa leeg tumingala.

"May sasa--" Sabay pa kaming nagsalita. Awkward tuloy bigla.

"Ikaw na muna." Sabi ko.

"Hindi. Ikaw na mauna." Sabi naman niya.

"Hindi-hindi. Ikaw nalang mauna." Sabi ko.

"Ikaw na." Pagpipilit niya.

"Uh.. ano.. uhm.. t-thank you pala kasi dahil sayo tinigilan ako ng mga kaklase nating sumasapak sa akin." Nahihiya kong sabi.

"Baka iniisip mong pinagtanggol kita? Ayoko lang ng maingay kaya ko ginawa yun." Sabi niya.

"Salamat padin. Ano nga pala ang sasabihin mo?" Tanong ko.

"Ma--"

"Bebang!" Naputol ang sasabihin ni Bienne nang bigla akong tinawag ni Three.

"Oy Three." Bati ko.

Napalingon naman siya sa kasama ko. 

"Dude! You're here too. Magkakilala kayo?" Tanong ni Three.

"No!" Agad niyang sagot at umalis na.

Bakit parang biglang uminit ang ulo niya? Akala ko pa naman friends na kami. T^T

"Dude, saan ka naman pupunta?" Tanong ni Three pero hindi man lang nag-abalang lumingon si Bienne at sagutin ang tanong ni Three.

"He's always like that." 

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ko.

"Yep. Di lang magkakilala. Magkakilalang-magkakilala." Sagot niya.

"Talaga? Talagang-talaga? Ang swerte mo naman."

"Bestfriend ko yang si Bienne. Magkakilala na kami since we were kids." Paliwanag niya.

"Paano mo pala nalaman na nandito ako?" Pacute kong tanong.

"Try out na the next day. Kaya gusto kong magpractice ng maaga dito sa field tapos nakita kita kaya pinuntahan kita dito."

Ang feeler mo Bebang. Bakit ka naman niya pupuntahan? Tsk. Ang asyumera ko talaga! Sa pangit kong ito, malabong magustuhan ako ng gwapong nilalang na kaharap ko ngayon.

"Ah kaya pala." Tanging nasabi ko.

"Oy Three! Kailangan ko ng pumunta ng classroom ko. Baka kasi malate ako. Bye!" Nagpacute pa ako pero tingin ko nagmukha lang akong bangus.

"Manuod ka ng try out namin ha." Pahabol niyang sabi.

"Oo ba! Sige na. Kailangan ko ng umalis." Sabay takbo ko. Kaso dahil nga malas ako nadapa pa ako.

>///////<

Tumayo naman agad ako at nag-peace sign kay Three habang nakatalikod bago ako tumakbong muli. Nakakahiya. Waaah. Nakakahiya! Nakakahiya!

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon