"Dito na po ako." Sabi ko nang makarating ako sa bahay.
"MAGSAING KANA BEBANG! DALI! GUTOM NA AKO! GUMAWA KA NG PARAAN PARA MAGKAROON TAYO NG ULAM NGAYONG GABI." Sigaw ni tyang sakin.
"Huh? Ako po?" Tanong ko.
"AY HINDI! YANG PANGIT MONG ANINO NALANG!" Pambabara niya sakin.
"Wala naman po akong pera pambili ng ulam natin." Sabi ko pa.
"TANGA MO TALAGA! KAYA NGA MAGHANAP KA NG PARAAN DIBA? KUNG KAILANGANG IBENTA MO 'YANG PANGIT MONG KATAWAN GAWIN MO! TANGA MO TALAGA!"
"Tyang--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw uli si tyang Corazon (Ang unang aswang. LOL!).
"OH BAKIT? MAGREREKLAMO KA? MAGREREKLAMO KA? HA?" Duro niya sakin.
Napayuko nalang ako.
"Hindi po tyang." At tumalikod na ako kahit labag sa loob ko.
"HUWAG NA HUWAG KANG BABALIK DITO HANGGA'T WALA KANG DALANG ULAM!" Pahabol niyang sabi.
Umalis ako ng bahay na naka-uniform pa.
"Saan naman kaya ako maghahanap ng ulam?" Tanong ko sa sarili ko.
Napakamot tuloy ako ng ulo ko.
"Anong gagawin ko ngayon?" Naiinis kong tanong.
Nagbakasakali na ako sa mga carinderia na baka may tira-tira silang ulam. Kaso ang susuplada ng mga may-ari. Eh wala nga kasi akong pera.
Pati sa mga kapitbahay namin lumapit nadin ako kaso ang daming sinasabi tapos sa huli wala daw silang ulam na maibibigay.
Kainis naman oh! Ibebenta ko na ba ang katawan ko? Omo! Magkano ba kita sa isang gabi? Aysh! Shatap brain. Sabay takip ko ng katawan ko. Yung V card ko. Oh no! Sa future husband ko lang ito ibibigay at hindi kung kani-kanino lang na unggoy sa kanto.
Kaya umuwi nalang ako. Bahala na. Bahala na talaga.
"ANG WALANG KWENTA MO TALAGA! DIBA ANG SABI KO GUMAWA KA NG PARAAN! AT WAG NA WAG KANG UUWI NA WALA KANG DALANG ULAM!" Sabay hampas ng malakas ng sinturon sakin.
Dapat talaga ginawan ko nalang ng paraan.
"Tyang! Masakit po! Tama na po. Tama na po." Pagmamakaawa ko habang nakataas ang dalawang kamay para ipangharang.
Ayaw tumigil ng luha ko.
"ANONG I-UULAM NATIN NGAYON? WALA! KASI TANGA TANGA KA! WHAT THE PAKENG SHITTING UGLYING BEBANG!"
"Ano po?" Naguguluhan kong tanong habang humihikbi.
"NOTHING MIND! WAG MONG INIIBA ANG USAPAN! ALAM KONG MAGALING AKONG MAG-ENGLISH! DI MO AKO KATULAD NA BOBA! ANG BOBA-BOBA! NAKAKA-INIT KA TALAGA NG ULO BEBANG!" Sabay hampas niya ulit ng sinturon sa akin.
"Tyang! T-tama n-na!" Humihikbi kong sabi.
"ANONG TAMA NA? WALA KA KASING KWENTA EH! IKAW ANG MALAS SA BUHAY KO! IKAW! IKAW!" At inuntog niya ang ulo ko sa dingding na ikinahilo ko.
"KAYA AKO NAGHIHIRAP NGAYON DAHIL SAYO! SIMULA NUNG DUMATING KA SA BUHAY KO!"
Iyak padin ako ng iyak. Nalalasahan ko na nga ang luha ko eh. Patagal ng patagal tumatamis ang lasa ng luha ko. Luha pa ba tong nalalasahan ko?
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF BEBANG
Roman pour AdolescentsMeet Bebang. An ugly and black girl who's being bullied by others na nawawalang anak pala ng isang mafia boss at isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa. Simula nang malaman niya na anak siya ng isang mafia boss, pinangako niya sa sarili niya na...