CHAPTER 2

243 20 12
                                    


Bebang's POV

Nakita kong may nakalapag na pares ng uniform sa may pintuan ng CR. Tumingin muna ako sa labas, sa kaliwa at sa kanan kasi baka nalaglag lang ng may-ari. Tiningnan ko uli ang uniform. May papel na maliit na may nakasulat na "isuot mo yan".

Napatingin ako sa taas. Lord ang bait mo po talaga. Sabay yakap sa uniform. Lord thank you talaga sa blessing. At agad na pumasok ako sa CR at nagbihis.

Hanggang ngayon hindi padin ako maka-move on sa nangyari kanina. Sobrang thank you talaga sa nagbigay ng uniform. Baka naman kasi may secret admirer talaga ako. Hahaha.

Habang naglalakad ako sa hallway. Bigla nalang may tumamang bola sa ulo ko.

"Aray!" Ugh. Sino na naman ba may pakana nun? Pang-ilang aray ko na ba ngayong araw?

"Hey! Are you okay?" Hinarap ko ang nagsalita.

"Malamang hind--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang umatras ang dila ko. Ang pogi ba naman kasi ng nagsalita. Emeged Lord, siya na ba ang destiny ko? Sana siya na nga. Tapos magiging kami na. Tapos magpopropose siya sakin. Tapos ikakasal kami at magkakaroon kami ng madaming anak. Kyaaah!

"Hey miss." Naalimpungatan naman ako bigla nang maramdaman kong mahina niyang tinatapik-tapik ang pisngi ko.

"Ah... eh... Oo. Oh yes. Okay lang ako. Hehe." Sabay ngiti ko ng malapad.

"Mabuti naman kung ganun. Sorry kung natamaan ka ng bola. Di ko sinasadya. Sorry talaga. Nagpapractice kasi ako para sa try out next week sa volleyball. Gustong-gusto ko kasing sumali sa volleyball team ng school. Iyon nga ang reason kung bakit ako lumipat dito eh."

"Ang daldal ko na ba? By the way, i'm Three. Newbie ako dito." Sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.

"Ah.. eh.. a-ako nga pala si Bebang." Inabot ko naman ang hot niyang kamay.

Kyaah. Ang lambot. Ang lambot talaga.

"Uh... can you just let go of my hand? If you just want. Hehe." Sabi niya na parang nahihiya pa.

"Omg! Im sorry four.. i mean three. ^__^"

Ang lambot kasi ng kamay e.

"Haha! You're funny. Nice to meet you Bebang. I gotta go. Bye. See you around." At tumakbo na siya pabalik sa pinanggalingan niya.

Inamoy ko naman ang kamay ko na ginamit kong pang-shake hands sa kanya. Ang bangooooooooooo.
Habang naglalakad ako, patuloy ako sa pag-amoy ng kamay ko with matching pikit ng mata.

Pabalik na ako ng room nang hinarang ako ng mga freshmen.

"Oy si pangit." Sabi ng isa sa mga freshman.

Inirapan ko lang siya.

"Wow naman. Ang taray ni pangit." Sambit niya na natatawa pa. Bigla niya namang hinablot ang bag ko.

"Hoy! Akin na yan." Pilit kong inaabot ang bag ko. Pero hindi ko maabot dahil nadin sa matatangkad sila.

"Hahahaha. Pangit na nga, pandak pa." Pang-aasar ng isa pang freshman.

Pinagpapasa-pasahan padin nila ang bag ko habang ako pilit hinahabol at inaabot ang bag ko.

"Akin na sabi yan eh."

"Pag naabot mo 'to may kiss ka sakin."

Akala mo naman kung sinong gwapo. Maputi ka lang oy.

"Akin na nga kasi. Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko.

"Wala naman. Gusto kalang naming pagtripan." Sagot ng isa pa nilang kasamahan.

"Wag ako, iba nalang." Sabi ko na may halong pagmamakaawa.

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon