[4] MYIAD - Daddy's Fansign

890 41 18
                                    

Chapter 4: Daddy's Fansign

-January 30, 2016

*****

[after almost 1 week]

"Chukkahamnida, Bangtan Sonyeondan imnida!" sabi nung emcee sa MCountdown na kamukha ni V.. Si BamBam ba yun?
Ah oo nga! Si BamBam nga hehe. Kasama niya yung gwapong ka-member niya sa GOT7.. I forgot the name. Lol :D Basta gwafu sya hehe.

Pumunta na kami sa gitna kung nasaan ang emcees at kinuha na yung prize. Nag-thank you na kami isa-isa at huling nagsalita si Jin at pinahawak niya na sa akin yung trophy. Heol, ang bigat!!

Pang-3rd win na namin ito sa comeback song namin at super nakaka-overwhelm dahil naka-triple crown kami!! Salamat talaga sa lahat ng fans namin, ang A.R.M.Ys, na di nagsasawang sumuporta sa amin.

Don't worry, susuklian namin kayo ng more powerful performances at more inspirational music sa mga susunod pang taon.

Syempre, alam kong gusto niyo ng hot performances kaya malapit niyo nang makita yung sugary-white-milk-chocolate abs ko~ Kaya konting singhot pa ng baygon at hintayin niyo lang, magt'topless talaga ako.

"Who you" sa akin yang abs mo Jimin. :P

Sa backstage, may naka-standby na cameraman na may hawak ng camera (lol kaya nga cameraman diba? Malamang may camera yun haha) at kinukuhanan kami habang bumababa ng stage. Syempre, nag-'hi' at nag-bow ako sa camera at baka sabihin pa ng iba na snobber yung swaeg at pinakapoging member ng Bangtan... and then I mouthed a 'kamsahamnida' saka ngumiti. Hindi ko na hinintay yung mga kasama ko at dumiretso na ako sa guestroom namin. Nilabas ko na yung cellphone ko at saka naglaro ng piano tiles. What? Nilalaro kaya 'to nila Jungkook.. nakikiuso lang haha!

Maya-maya, pumasok na silang lahat sa guestroom namin at bigla naman akong nagulat kaya "169" lang yung score ko sa piano tiles. ( ͡° ʖ ̯ ͡°)

"Suga hyung! Anong ginagawa mo dyan? Bakit di ka sumama samin dun na nag-record ng video?" sabi ni V sa akin at nagtanguan naman silang lahat.

"Eh kasi, nag-cr ako, hehe" palusot ko.

"Nag-cr? Naglaro ka lang ng piano tiles eh," nang-aasar na sambit ni J-Hope.

Patay. Paano niya nalaman?! Pinakatago-tagong lihim ko pa naman yun...

"H-ha? P-paano mo naman... n-nasabi?" medyo nauutal na tanong ko.

"Ayan oh! Kitang-kita yung phone mo," sabi niya at tinuro yung phone ko na nasa tapat kong mesa.

"Ayiie. Si Suga hyung, naglalaro ng piano tiles, pahiram ako," nakakagagong sambit ni Jungkook at saka kinuha yung iphone6 ko. Bago pa ako makapag-reklamo ay nagsimula na siyang pumindot ng mabilis. As in, SUPER BILIS gamit yung apat niyang mga daliri, hindi yung thumb niya. Ang galing niya! Bihasa at sanay na sa pagpindot. Kung anu-ano kasi ang mga pinipindot. Nahiya naman ako na level 1 pa lang...

"Uy Jungkook! Ang galing mo naman mag-piano tiles, di ako marunong niyan eh," sabi ni V at tumabi kay Jungkook sa sofa at focused sa laro.

"Talaga V hyung? Gusto mo turuan kita?" medyo malanding sabi ni Jungkook habang mabilis na pumipindot sa screen.

"Sige! Turuan mo ako maknae~" excited na sabi naman ni V.

"Heh, tumahimik ka nga dyan V. Diba marunong ka naman niyan? Level 69 ka na nga dyan eh tapos puro triple crown pa yung mga songs," sabat naman ni Jimin.

Min Yoongi is a Daddy? [SLOW UD KAC SLOW DIN ANG OTOR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon